First day of Rudy Fernandez's wake is a "box office hit"

Jun 8, 2008
Celebrities, non-showbiz friends, and fans went to the first night of action superstar Rudy Fernandez's wake. The actor wanted his wake to be a "box-office hit" and his wish was granted.

Natupad ang hiling ni Rudy Fernandez na maging "box-office hit" ang kanyang burol dahil sa dami ng mga taong pumunta sa Heritage Park at pumila para makita siya sa huling pagkakataon. Noong nabubuhay pa kasi si Rudy, nagbiro ito na maging "box-office hit" sana ang kanyang burol.

May kalayuan ang Heritage Park, na nasa kahabaan ng C-5 sa Taguig City, at para marating ito, kailangang sadyain ng mga tao ang nabanggit na lugar kaya nag-alala ang mga nagmamahal kay Rudy na baka hindi mangyari ang kanyang inaasahan. Mali ang kanilang akala dahil ilang oras pagkatapos bawian ng buhay ang showbiz icon, dumagsa ang tao sa Heritage Park.

Bukod sa pamilya at kamag-anak ni Rudy, nagpunta sa mga unang oras ng lamay ng aktor ang best friends niyang sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at Phillip Salvador.

Naroroon din ang mga malalapit na kaibigan nina Rudy at ng asawa nitong si Lorna Tolentino na sina Tirso Cruz III and wife Lyn Ynchausti, Amy Austria, Mother Lily Monteverde, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, Gloria Sevilla, Benjie Paras, Edgar Mortiz, Rez Cortez, Maritoni Fernandez, Robert Ortega, Ricky Davao, Rez Cortez, Boots Anson Roa, Sheryl Cruz, Dingdong Avanzado and wife Jessa Zaragoza, Tonton Gutierrez and wife Glydel Mercado.

Continue reading below ↓

Siyempre, hindi mawawala ang manager ni Rudy na si Lolit Solis at ang dating live-in partner ng aktor na si Alma Moreno.

Dumating din nang maaga para i-cover ang event ang staff and crew ng Startalk sa pangunguna ni Butch Francisco, pati na ang Entertainment Live sa pangunguna ni Luis Manzano. Si Lorna ay isa sa mga co-host ng Startalk.

Hindi lamang ang pagiging "box-office hit" ng kanyang burol ang natupad sa mga kahilingan ng yumaong aktor. Nagkaroon din ng katuparan ang hiling ni Rudy na walang ibang mga labi na paglalamayan sa lugar na pagbuburulan ng kanyang bangkay dahil nagdesisyon ang management ng Heritage Park na huwag tumanggap ng ibang kliyente habang hindi pa naililibing ang sikat na action star.

Tulad ng kanyang habilin, coat and tie ang suot ni Rudy at napapaligiran ng mga puting bulaklak ang kanyang ataul.

Bilang paggalang sa kanyang kagustuhan, bukas sa publiko ang burol ng aktor bilang pasasalamat sa lahat ng mga tao na tumangkilik sa showbiz career niya at nagluklok sa kanya bilang isang action superstar ng Philippine cinema.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rudy Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities, non-showbiz friends, and fans went to the first night of action superstar Rudy Fernandez's wake. The actor wanted his wake to be a "box-office hit" and his wish was granted.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results