Sunshine Cruz to file formal charges against her sister-in-law

IMAGE 0


Actress Sunshine Cruz is bent on bringing to the court her complaint against her-sister-in-law, Maria Mercedes "Ched" Manhilot Hamilton, after the latter's alleged accusations against the actress. Sunhine is also planning to talk to her estranged husband, Cesar Montano, about the protection of their children.



Nasabi na niSunshine Cruz ang dapat niyang sabihin tungkol sa mga kasiraang ikinakalat diumanong sister-in-law niyang si Maria Mercedes "Ched" Manhilot Hamilton laban sakanya, in alleged connivance with her stepdaughter na si Angela. Wala na rawsiyang gaanong sasabihin dahil sa darating na Martes ng tanghali, June 10, magpa-filena ng demanda si Sunshine laban sa mga taong may kinalaman sa patuloy napagyurak sa kanyang pagkatao, alang-alang na lang daw sa kanyang mga anak.

Napag-alaman ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na pinagbawalan na si Sunshine ng kanyangabogadong si Atty. Bonifacio Alentajan sa pagbibigay ng mga komento. Hintayin na lang daw ang official statement ng aktres sa StarTalk bukas, June 7,hanggang sa pormal na pagsasampa niya ng demanda.

From a reliablesource, bago ang pagsasampa ng kaso, humihiling diumano si Sunshine ngpribadong pakikipag-usap sa kanyang asawang si Cesar Montano. Ito'y hindi paramakipag-ayos dahil para diumano sa aktres ay wala nang dapat ayusin. The damagehas been done.

Ang sa kanya raw aykung paano mapoprotektahan ang sarili niya laban sa mga taong patuloy nananinira sa kanya, and in a lot of points, nakasisira rin para sa kanyang mgaanak.

Sa bintang na mayibang lalaki raw itong si Sunshine at nakikipagkita pa raw ito sa Robinson'sGalleria Suites, sinabi nga ng aktres na mahirap basta patunayan 'yon. Never dawsiyang napagawi sa nasabing lugar at nakapag-check in sa saan mang kuwartoroon.

Tungkol sapagbubulsa niya diumano ng campaign money para sa kandidatura ni Cesar bilang senador, consistent si Sunshine sakanyang nasabi noon pa na wala siyang ibinulsang pera mula roon.

Maaari raw itanongna lamang iyon sa brother-in-law niyang si Rommel Montano at sa sekretarya ng CMFilms na si Marivic, dahil ang mga ito ang mga humawak ng pera sa kampanya niBuboy noon, at hindi siya. Kina Rommel at Marivic daw muna nanggagaling angpera bago sumayad sa mga kamay ni Sunshine noong panahon ng kampanyahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil may pendingcase na pormal nang isasampa, mananahimik si Sunshine tungkol sa isyung ito,kahit na pagkatapos ng pag-uusap nila ni Cesar. Desidido na talaga ang aktresna gumawa ng hakbang nang maputol na raw ang paninirang ito sa kanya, atnakaaapekto na rin sa kanyang mga anak.

Kung anuman ang kasong ito laban sa mga dapatmanagot, iyon ang malalaman pagkatapos na maisampa ang kaso sa korte. At kungpaano papanagutin diumano ang kapatid ni Cesar na si Ched sa mga akusasyonkahit naka-base ito sa Italy, ito'y dedepende na nga rin sa maisasampang kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN