John Lloyd considers movie with Sarah Geronimo barometer for his fans' loyalty

IMAGE 0


"I would really appreciate kung bibigyan ako ng chance nungmga fans na sumusuporta sa akin na mai-share yung isang bagay na gusto kongmaiparating on this movie," says John Lloyd Cruz about his first movie teamup with Sarah Geronimo.



Kasalukuyang tinatapos nina Sarah Geronimo at John LloydCruz ang unang pelikulang pagtatambalan, ang A Very Special Love, naco-production ng Star Cinema at Viva Films. Pero hindi pa man ay lumabasagad ang balita na nagbabanta raw ang mga John Lloyd Cruz-Bea Alonzo fans naibu-boycott nila ang pelikula nina Sarah at John Lloyd bilang ganti sapakikipagtambal ng young actor sa ibang young actress.

Isang banta na ayon sa usap-usapan ay nag-ugat sa takotng iba na kung kakagatin ang pakikipagtambal ni John Lloyd kay Sarah aymaaaring simula na rin ito ng tuluyang pagkabuwag ng John Lloyd-Bea love team,gaya ng nabalita noon na plano talaga ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay JohnLloyd, sinabi niya na nakarating na sa kanya ang nasabing balita. Pero ayon sakanya, ang magiging pagtanggap ng publiko sa pagtatambal nila ni Sarah ay angbarometer para masukat ang lalim ng suporta ng kanyang mga tagahanga.

"Siguro dito ko masusukat yung pagsuporta ng mga talagangsumusuporta sa akin," saad ng young actor. "I mean, hindi ko sila pipilitin.Gaya nga ng sinasabi nila, ‘Alam mo idol kita, gustung-gusto kita,' ito yungmagsasabi kung gusto mo lang ba ako dahil sa taong ito, or gusto mo lang ba akodahil sa project na ito? Ito yung magsasabi, ito yung magpapaliwang kung gaanoka-fair yung judgment nila. Kasi aaminin ko, hindi ito ganun kadaling step parasa akin.

"Coming from a very successful movie [One More Chance], itoyung susukat sa values ng mga sumusuporta sa akin, kung ganun lang ba kasimpleang hindi sumuporta sa isang sinasabi mong iniidolo mo, o gusto mo ang artistadahil iba lang ang kanyang kasama.

"Siguro hindi lahat maniniwala o magse-share kung paano kosila tinitingnan. But I would really appreciate kung bibigyan ako ng chance nungmga fans na sumusuporta sa akin na mai-share yung isang bagay na gusto kongmaiparating on this movie," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIGH EXPECTATIONS. Itinanghal na Box-Office King sa nakaraang GuillermoMemorial Scholarship Foundation with Bea Alonzo as Box-Office Queen dahil sa malaking kinita sa takilya ng One More Chance. Tinanong namin si John Lloydkung hindi ba niya matatanggap kung saka-sakaling hindi kagatin ng publiko angtambalan nila ni Sarah? At wala bang pressure sa kanya na mataas angexpectations ng tao sa pelikula nila dahil sa box-office result nito?

"Sabi ko nga, hindi ko puwedeng panghimasukan ang desisyonnila dahil desisyon nila yun," sagot niya. "Nasa kanila yun. Basta ako, nanditopara gumawa ng pelikula. Parte ito nggrowth, individual growth, na parehong inaasam namin ni Bea. Ngayon, anuman angkalabasan nito [movie with Sarah], anuman ang maging resulta, it doesn't matterto me.

"Definitely, may kaba. Siyempre, gusto mo paglabas ng mgatao sa sinehan, gusto mong marinig sa kanila na maganda yung pelikula atnagustuhan nila. Pero hindi namin hawak yun; ako di ko hawak yun. So dun akomagko-concentrate sa mga bagay na may hawak pa ako o may control pa ako like,number one, yung puwede kong i-contribute sa pelikulang ito. Definitely, I'llgive my best, lagpas pa ng one hundred percent. Yun ang puwede kong magawa, yunang puwede kong mai-share.

"Kahit naman nung One More Chance, nung ginawa namin yun,ang pananaw namin, magustuhan ito o hindi ng mga tao o karamihan, ginawa naminang lahat, pinagbuti namin sa abot ng makakaya namin. So walang rason kung angkalabasan man ay hindi maganda and sa pelikulang ito ganun din ang pananaw ko,"pahayag ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN