Bong Revilla recalls Daboy's last few hours

IMAGE 0


"Napakabait niDaboy at hindi namin malilimutan ang lahat ng mga ginawa niyang kabutihan,hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng taong humingi ng tulong sa kanya," says Senator Bong Revilla about his close friend Rudy Fernandez, who passed away this morning.



Napakinggan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang interviewng dzRH kay Bong Revilla kaninang umaga, June 7, ilang oras pagkatapospumanaw ng matalik niyang kaibigan na si Rudy Fernandez. Nasa The HeritagePark si Bong noong oras na ‘yon para sa pag-aayos ng burol ni Daboy.

Ayon sa sa field reporter na nag-interview kay Bong,mapulang-mapula ang mga mata ng actor-politician sa kaiiyak, kayakinailangan na itong magsuot ng shades habang kausap niya. Ipinakuwento nila kayBong ang mga huling sandali ni Daboy.

"Kagabi [Friday, June 6], around seven p.m., dumatingako sa bahay nila sa White Plains," umpisa ni Bong. "Hindi man siyanakakapagsalita na, may sound namang naririnig sa kanya na binabati niya ako.Kaya sabi ko sa kanya, huwag na niyang piliting magsalita.

"Naroon din ang doctor niya, si LT [Lorna Tolentino, Rudy'swife], at mga anak niya na sina Mark Anthony, Ralph, at Renz. Nang magbago na angkanyang blood pressure, na bumaba na sa 60/40, alam na naming hindi na siyamagtatagal. Kaya binantayan na namin siya nina Jinggoy [Estrada]at Ipe [Phillip Salvador].

"Nakita namin ang paghihirap niya, he was in pain.Around five a.m., sinabihan kami ng doctor na puwede na raw muna kamingmagpahinga, dahil magdamag nga kaming nagbantay sa kanya. Umuwi muna ako sabahay namin [sa Ayala, Alabang] at naghahanda pa lang akong matulog nangmakatanggap ako ng tawag na bumalik na raw ako.

"Wala na siya [Daboy] nang makabalik ako sa WhitePlains. Pero nang makita ko ang mukha niya, nakangiti siya, masaya na siya. Angdami niyang pinagdaanang hirap, pero ngayon, alam naming masaya na siya nanakabalik na siya sa kanyang Creator, na wala na siyang hirap pang daranasin.

"Mami-miss namin siya, nawalan kami ng peacemaker.Kapag may hindi kami pinagkakasunduan ni Jinggoy, siya ang gumagawa ng paraanpara magkaayos kami. Napakabait niDaboy at hindi namin malilimutan ang lahat ng mga ginawa niyang kabutihan,hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng taong humingi ng tulong sa kanya,"maramdaming pahayag ni Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng field reporter kung papayagan ba ang mgafans na makapunta sa wake ni Rudy.

Sagot ni Bong, "Yes, dahil ‘yon ang isang bilin niya, nahayaang makita siya ng mga fans at mga taong nagmamahal sa kanya. Natatandaanko nga nang unang malaman niyang may periampullary cancer siya, tinanong siyang doctor kung gusto niya ang chemotherapy session na ang side effects, puwedesiyang magkaroon ng pimples, pumangit ang balat niya. Hindi siya pumayag. Bironiya, ‘Ayoko, di bale nang mamatay akong pogi!' Kaya ibang treatment ang ginawasa kanya. Kaya naman hanggang ngayon, pogi pa rin siya talaga."

Sinabi rin ni Bong na mamayang alas-dose ng tanghali aydadalhin na ang mga labi ni Rudy sa Heritage Park sa may Fort Bonifacio, nakatabi lamang ng Libingan ng mga Bayani.

"Gagawa kami ng paraan na maging maayos ang pagpasokat paglabas ng mga fans and friends na gustong makakita kay Rudy," dagdag niBong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN