Bong Revilla recalls Daboy's last few hours

Jun 7, 2008
"Napakabait ni Daboy at hindi namin malilimutan ang lahat ng mga ginawa niyang kabutihan, hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng taong humingi ng tulong sa kanya," says Senator Bong Revilla about his close friend Rudy Fernandez, who passed away this morning.

Napakinggan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang interview ng dzRH kay Bong Revilla kaninang umaga, June 7, ilang oras pagkatapos pumanaw ng matalik niyang kaibigan na si Rudy Fernandez. Nasa The Heritage Park si Bong noong oras na ‘yon para sa pag-aayos ng burol ni Daboy.

Ayon sa sa field reporter na nag-interview kay Bong, mapulang-mapula ang mga mata ng actor-politician sa kaiiyak, kaya kinailangan na itong magsuot ng shades habang kausap niya. Ipinakuwento nila kay Bong ang mga huling sandali ni Daboy.

"Kagabi [Friday, June 6], around seven p.m., dumating ako sa bahay nila sa White Plains," umpisa ni Bong. "Hindi man siya nakakapagsalita na, may sound namang naririnig sa kanya na binabati niya ako. Kaya sabi ko sa kanya, huwag na niyang piliting magsalita.

"Naroon din ang doctor niya, si LT [Lorna Tolentino, Rudy's wife], at mga anak niya na sina Mark Anthony, Ralph, at Renz. Nang magbago na ang kanyang blood pressure, na bumaba na sa 60/40, alam na naming hindi na siya magtatagal. Kaya binantayan na namin siya nina Jinggoy [Estrada] at Ipe [Phillip Salvador].

Continue reading below ↓

"Nakita namin ang paghihirap niya, he was in pain. Around five a.m., sinabihan kami ng doctor na puwede na raw muna kaming magpahinga, dahil magdamag nga kaming nagbantay sa kanya. Umuwi muna ako sa bahay namin [sa Ayala, Alabang] at naghahanda pa lang akong matulog nang makatanggap ako ng tawag na bumalik na raw ako.

"Wala na siya [Daboy] nang makabalik ako sa White Plains. Pero nang makita ko ang mukha niya, nakangiti siya, masaya na siya. Ang dami niyang pinagdaanang hirap, pero ngayon, alam naming masaya na siya na nakabalik na siya sa kanyang Creator, na wala na siyang hirap pang daranasin.

"Mami-miss namin siya, nawalan kami ng peacemaker. Kapag may hindi kami pinagkakasunduan ni Jinggoy, siya ang gumagawa ng paraan para magkaayos kami. Napakabait ni Daboy at hindi namin malilimutan ang lahat ng mga ginawa niyang kabutihan, hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng taong humingi ng tulong sa kanya," maramdaming pahayag ni Bong.

Continue reading below ↓

Tinanong din ng field reporter kung papayagan ba ang mga fans na makapunta sa wake ni Rudy.

Sagot ni Bong, "Yes, dahil ‘yon ang isang bilin niya, na hayaang makita siya ng mga fans at mga taong nagmamahal sa kanya. Natatandaan ko nga nang unang malaman niyang may periampullary cancer siya, tinanong siya ng doctor kung gusto niya ang chemotherapy session na ang side effects, puwede siyang magkaroon ng pimples, pumangit ang balat niya. Hindi siya pumayag. Biro niya, ‘Ayoko, di bale nang mamatay akong pogi!' Kaya ibang treatment ang ginawa sa kanya. Kaya naman hanggang ngayon, pogi pa rin siya talaga."

Sinabi rin ni Bong na mamayang alas-dose ng tanghali ay dadalhin na ang mga labi ni Rudy sa Heritage Park sa may Fort Bonifacio, na katabi lamang ng Libingan ng mga Bayani.

"Gagawa kami ng paraan na maging maayos ang pagpasok at paglabas ng mga fans and friends na gustong makakita kay Rudy," dagdag ni Bong.
Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Rudy Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Napakabait ni Daboy at hindi namin malilimutan ang lahat ng mga ginawa niyang kabutihan, hindi lamang sa amin kundi sa lahat ng taong humingi ng tulong sa kanya," says Senator Bong Revilla about his close friend Rudy Fernandez, who passed away this morning.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results