Sarah Geronimo worried about her launching movie with John Lloyd Cruz as leading man

IMAGE 0


"Sabi ko nga, si John Lloyd, nasa kanya na yung mgaqualities ng isang lalake na hinahanap ng kahit na sinong babae—mabait, guwapo,humble," says Sarah Geronimo about the good qualities of leading man John Lloyd Cruz.



Bukod sa estado niya bilang isa sa pinaka-in demand nasinger at celebrity endorser, ilulunsad na rin si Sarah Geronimo sa pelikulavia A Very Special Love, co-produced by Star Cinema and her mother studio VivaFilms. Makakapareha ni Sarah dito ang mahusay na young dramatic actor na si John LloydCruz.

Kaugnay nito, agad na lumabas ang balita na may mga bantadiumano ang John Lloyd-Bea Alonzo fans na ibu-boycott nila ang pelikulangJohn Llyod-Sarah.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaySarah sa opisina ng Star Cinema ay inamin ng young singer-actress na worriedsiya sa balitang lumabas, lalo't launching movie niya ang A Very Special Love.

"Siyempre, worried din ako kasi launching movie ko ito," sabi niya. "Perogaya nga ng sinabi ni John Lloyd, walang rason ke anuman ang kalabasan ngpelikula, ke maging positive man o negative. Basta ang alam namin sa sarilinamin na ibinigay namin ang maibibigay namin, so wala kaming magigingpagsisisi sa huli."

Unang ipinareha sina Sarah at John Lloyd sa isang episode ngMaalaala Mo Kaya [MMK]. Dahil kinakitaan sila ng chemistry, nagdesisyon ang StarCinema at Viva Films na pagsamahin naman sila sa pelikula.

Hindi naman itinatanggi ni Sarah na ilang siya kay JohnLloyd noong una. Pero dala ng pagiging approachable at friendly na rin ng youngactor ay unti-unting nawala ang pagkailang niya sa leading man.

"Nung una talaga, naiilang ako sa kanya especially nung MMK.Di ako tumitingin sa kanya, kasi siyempre John Lloyd Cruz ‘yan, ‘tapos MMK pa. Pressuredako nung araw na yun. Eventually, nung shooting, nag-uusap na kami. Angnakakatuwa kay John Lloyd, nag-i-initiate siya, siya yung nag-a-approach,"lahad ni Sarah.

Lumabas din ang balita na crush daw ni Sarah ang young actor.Nahihiya man dahil magkaharap sila ni John Lloyd nang ini-interview namin angyoung singer-actress ay inisa-isa niya ang magagandang katangian ng kanyang kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, si John Lloyd, nasa kanya na yung mgaqualities ng isang lalake na hinahanap ng kahit na sinong babae—mabait, guwapo,humble," lahad ni Sarah.

Bagamat hindi pa nagkakaroon ng boyfriend ang 20-anyos na siSarah, sa tulong ni direktor nilang si Cathy Garcia-Molina, ay nabibigyan namanniya ng justice ang role niya sa A Very Special Love.

"Sabi ko nga kay John Lloyd, ‘Pasensiya ka na ha, never beenin love.' Kaya minsan ang hirap humugot, pero siyempre nandun naman si DirekCathy para i-motivate kami. So hindi naman nagkakaroon ng problema. Actually,hindi pa nakukunan yung mga mabibigat na scenes, light pa lang, hindi pa kaminag-iiyakan dito."

Sa mga nakarang panayam kay Sarah ay naging palaisipan angsinasabi niyang singer-actor na taga ASAP ‘08 na nanliligaw sa kanya. Nangtanungin namin uli ito kay Sarah, sinabi niya na pinahinto na niya angsinger-actor kahit bumubuwelo pa lang ito na manligaw sa kanya.

"Hindi na. Hindi naman siya kasi nanligaw talaga,parang nag-attempt pa lang. Pero ako na ang nagbigay ng wall. Hindi pa akoready for a relationship, hindi pa ako matured, and hindi pa ako preparedmentally, emotionally," pagtatapos ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN