Vince del Rosario's stepmother breaks silence on intrigues and issues

Jun 7, 2008
"It's very painful for me to hear allegations of that because that was never the case. I never saw him as somebody who was rich. I knew the family had money, but he was a very simple guy," says Patricia Braun-del Rosario about allegations that she married Mr. Jorge del Rosario because of his wealth.

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang second wife ni Mr. Jorge del Rosario na si Ms. Patricia Braun-del Rosario. Si Patricia ang dahilan kung bakit lumantad sa media ang kanyang mister kaugnay ng pagpapakasal ni Vince del Rosario kay Inah Revilla, na anak nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado.

Kasabay ng balitang pagbubuntis ni Inah at pagpapakasal nila ni Vince, lumabas din ang kung anu-anong balita laban sa pamilya Del Rosario— partikular na kay Patricia—na galing diumano sa kampo ng mga Revilla. Pero mariin naman itong pinabulaanan nina Bong at Lani sa mga nauna na nilang mga panayam.

"Kasi nga, pinapalampas niya everything. Nung ako na, because I felt bad, he felt bad na. Kasi foul naman din," panimula ni Patricia sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Alin ang "foul" na tinutukoy niya?

"Kasi kami, hindi kami involved doon sa nangyayari sa wedding," sabi niya. "Parang lumabas, may narinig kami, nakarating sa amin that they were saying that we just got married, that I married him for whatever reason, which para sa amin they don't even know. Me and Jorge, we've been very, very good friends, gosh! For so many years na, 15 years na kaming good friends."

Continue reading below ↓

FIFTEEN-YEAR FRIENDSHIP. Ipinakuwento namin kay Patricia ang buong relationship niya with Mr. del Rosario. Saan sila nagkakilala?

"We were introduced by mutual friends. We would go out to the point na siya ‘pag may kailangan, may kailangan ng cook, tumatawag sa akin, ‘Hanapan mo ako ng cook.' Or he wants to eat steak or something, we go out. He would tell me, ‘Hoy, make me libre. Let's have dinner.' Yung ganun," lahad ni Patricia.

Pareho pa silang libre that time ni Jorge?

"Oh, yeah!" sagot niya. "We were very, very good friends. But you know, wala lang. It's a very, very good friendship. Then, we had previous relationships. And when his father passed away, we met up again because that was the time he came back from the States. He got sick and all that. So when we met up again, nag-start na naman ‘yun [friendship]. So we became very, very good friends."

Continue reading below ↓

Bago raw nakilala ni Patricia si Jorge ay kasal na siya noon hanggang sa makipag-diborsyo siya sa kanyang dating asawa.

"Actually, yung love story namin, I can't naman say na it's a love story na long, long, love story because we were good friends. We were really, really good friends to the point na whenever he need something or whatever it may be, he would always call me and ask me for help.

"My daughter and his youngest son were classmates in school. So we would see each other often in school. So, magkasama kami sa parents-teacher. He would be teasing me in school, ‘Girlfriend ko ‘yan pero hindi niya alam,' yung ganun."

SHE WAS RICHER THAN HIM. Sobra raw naapektuhan si Patricia at ang pamilya niya sa tsismis na kaya siya nagpakasal kay Jorge ay dahil sa pera.

"Siyempre naman, because when I met Jorge, in all fairness, the family of Jorge, they've always been well-to-do. But si Jorge really didn't get involved with their family and stuff. He was on his own. So there were times when he needed, you know, when he needed money before, ganyan. He would run to me. And you know, for me, that's what friends do, di ba?

Continue reading below ↓

"So it's very painful for me to hear allegations...because that was never the case. I never saw him as somebody who was rich. I knew the family had money, but he was a very simple guy. He doesn't flaunt it, at the same time he did not really have anything to do with their company up until the father died. So, you know, what I mean? Jorge is a very, very simple guy.

"There were things that happened in the family na sila lang yun ang may alam, na he choose to be independent and he did not want to depend on the family. So I can understand. So whenever he needs something, if I can give, why not? Parang ganyan," pahayag ni Patricia.

Sinabi rin ni Mr. del Rosario nang una siyang nakausap ng PEP na kung may pera siya, mas doble raw ang pag-aari ni Patricia.

"E, hindi ko lang alam ngayon," reaksiyon ni Patricia. "I'm sure may marami na siya ngayon. Pero nung time na magkakailala kami, e, I can honestly say na mas marami ako nung time na 'yon!" sabay tawa niya.

Continue reading below ↓

"I work naman also," pahabol niya.

Dating presidente ng Union Bank ang ama ni Patricia na ngayon ay retired na. "But he still sits in the board of the bank. He was president and vice-chairman of Union Bank at one point. He's still a director of the bank."

THE DISCOVERY. Ano ang contribution niya sa wedding nina Vince at Inah?

Kuwento niya, "Actually, in the wedding talaga, right from the start, when the kid [Vince] went up to me. Kasi ako yung una nilang sinabihan that they had a problem. Very close kasi talaga sa akin si Vince. I met Vince nung bumalik na siya dito from the States, e. Yun yung time na nag-bond kami.

"Si Vince is a very lovable boy. So to the point now that when we think about it, siyempre sad pa rin sa amin because we've only spent, me especially, yung bonding time namin with Vince is very, very short-lived. And my two daughters are very, very close to him especially my little one. They're look-alike pa nga. So, yun.

Continue reading below ↓

"From the start, all I wanted to do was help because I knew that Jorge was not really... I didn't want to put himself on the line, so I was the one right from the start really trying to help out. So siyempre, masakit sa akin. Si Vince would always ask me for advice. Siyempre, depressed yung tao. Parang takot din sa nangyari. I prepared him and Inah. I told them na, ‘You know, your parents are gonna be mad. You have to accept that. Vince, you have to be prepared for the worst. Tito Bong is really gonna get mad at you.'

"Kasi ako man din, I have a daughter I will also get mad at you. But sabi ko, that's the risk you have to take. And right there and then, we told them that, ‘You know, whatever it is that you decide, we will be there. So, that's what I told Lani.

Continue reading below ↓

"As a matter of fact, Lani knows naman I told her about the problem. I even told her, ‘Lani, please come home.' And I told her na siya na muna ang magsabi kay Bong. Then after that, sabi ko, ‘Lani, I hope you guys could come home na para we can talk about it,' ganyan. Kasi siyempre, concerned ako doon sa mga bata. Kasi siguro closer sila to...I guess, I can't say they're closer to my age, konti lang ang difference namin ni Lani. Feeling ko naman, yung mga bata, I think, I'm very happy na ako ang napili nilang lapitan.

"That's why it's very painful sa akin na lahat ng mga naririnig ko, whether they were just rumors or whatever it was, very, very painful for me. I had no bad intentions. I wanted everything to be settled immediately. When Bong came back home and Jorge is in the States, ako pa nga ang humarap kay Bong. Ako ang nakipag-usap. The first thing I told him is, ‘Bong, pasensiya ka na. We didn't want it naman to happen.'

Continue reading below ↓

"Yun ang aking role from the start. Kaya ako na-hurt. Parang ako pa ang lumabas na, all of these, na parang after everything that I've done? Sabi ko, wala naman akong hiningi, e, except you know, I gave my time, I tried to help because I wanted to, and I was doing it for Vince. I didn't ask for anything in return," mahabang salaysay ni Patricia.

Doon daw marahil "nasilip" ang presence ni Patricia kaya lumabas na sa press ang katauhan niya at magawan ng intriga.

"Siguro," pagsang-ayon ni Patricia. "Because siguro they wanted to... I don't know how it all started. Pero siyempre, masakit sa akin because if only they knew how things were talaga the way before. That's why Jorge, yung mga tira sa kanya, okay na kay Jorge yun, e. Pero nung ako na ang tinira, siyempre si Jorge, nahiya na rin sa family ko, to me and to my kids so he had to pick up."

Continue reading below ↓

THE CONDO. Dahil tunay na anak na rin ang turing ni Patricia kay Vince, kaya naman binigyan niya ng condo ang newlyweds.

"Si Vince, ako, I felt din for Inah, actually. Siyempre babae ako, although I was never in that situation na ako yung makikisali sa mga in-laws. I couldn't imagine myself leaving with my in-laws ‘tapos siyempre you're starting. Siyempre mahirap. You hear all sorts of story.

"Sabi ko nga, we have naman an extra place. Although they know this, that when we found out that they were planning to get married already, we immediately added another room in our house in Forbes for them. I informed them na pina-child-proof ko na yung room and all that. We added a new parang wing for them.

"That's the initial plan, kasi syempre we were thinking siguro they needed our guidance, ganun. But then na-realize ko rin while we are going through all the process, of course. na-lay down na lahat. Kaya ang bahay namin, may ekstrang mga kuwarto. Na-realize namin that you know, I thought and I told my husband na maybe it would be best kung magsarili na lang muna sila. We'll just help them out. At least they can adjust."

Continue reading below ↓

May mga nagre-react na sobrang mahal daw ang P10 million condo para kina Vince at Inah.

"Ako naman, for Vince and Inah, I was willing to step aside whatever makuha namin for their happiness. Si Vince nga, as I said, you know I always tell him, ‘Like you're a son I never had.' You know what I mean? I'm very close to him

"Yung ten million? E, wala. It's there. The value naman of the condo will always be...it's nice, it's located in a strategic location in Salcedo, so the value is gonna be nice. Ayoko rin naman sila na matira na, you know, they're both used to a comfortable life ‘tapos bigla mo ilalagay kung saan. So I'm happy they're there. My parents live on the very top floor of the condo, so alam ako that they will be there. Ipinagbilin din namin sila sa parents ko that if they need anything, they can just go up," lahad niya.

Continue reading below ↓

LOVING STEPSON. Sobrang close daw talaga sila ni Vince kahit na stepmom lang siya.

"Yes, because he would really open up to me, cry to me and actually, in all fairness to Vince, so many times when he see me hurting, upset, he would be the first one to siya, ‘Tita, I'm really sorry.' You know, I kept a lot of his text message," kuwento niya habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Kaya despite everything," patuloy niya, "you know, tiniis namin lahat because of Vince, yun yun," sabi ni Patricia kasunod ang hindi na niya mapigilang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Minsan kapag dumadaan kami sa kuwarto niya, sabi ko, ‘Hayyy," napapaiyak na lang daw siya. "Kaya pinalipat namin si Greggy sa kuwarto niya para may tao yung kuwarto niya ngayon. Greggy is the younger boy."

Tinanong namin kay Patricia kung ang bahay ba na tinutukoy niya sa Forbes Park sa Makati is the same house na sinasabi na worth half a billion pesos.

Continue reading below ↓

"Hindi naman ganun kamahal. Hopefully, it will go up in value. Pero hindi naman siya ganun kamahal," paglilinaw niya.

"Actually, when we bought the house, we had it talagang renovated. So technically, it's about...ang iniwan na lang namin doon is the foundation. We had to redo the whole house because we wanted a modern house. But the location was perfect for us to improve more."

Nami-miss na nga raw nila si Vince.

"Like I always tell him, may naririnig na naman kaming mga rason na maraming kulang sa condo. Kasi siyempre, concerned ako siyempre I don't want them naman na may kulang. So, tinawagan ko si Vince and I have his message na, ‘Tita, you know, that's not true. We're very, very comfortable. I'm very thankful.' And for me to hear him to say that, it's more than enough. So, para bang, okey na, kalma na naman ako."

May kulang pa nga ba sa condo na binigay niya kina Vince at Inah?

Continue reading below ↓

"Actually, ang nangyari doon is we furnished and we did as much as we could for before the wedding para paglipat nila comfortable na sila. The refrigerator and the stove hinold namin, kasi we were thinking malay mo may magregalo, magkadoble-doble na naman. So the day of the wedding na walang nagregalo ng stove and fridge. The next day, dumating na yung order. I mean, yung kumpanya naman ng asawa ko, puwede naman kami magpa-deliver galing doon. Ganun ka-convenient. So, that's not a problem. Pina-hold lang namin.

"Now, the baby room, yun lang yun ang hindi pa ayos because I felt, although the designer, it's all taken cared of na. Ako naman as a mother naisip ko maybe si Inah knowing na first baby niya would want a hand in fixing the room. So ang usapan namin nung designer would be kahit bayad na, huwag muna siyang bumili ng any tela whatever. Pakita niya kay Inah.

Continue reading below ↓

"Kung ano ang gusto ni Inah, because siyempre first baby nila yun, and I don't think that there is anything wrong yung decision namin na 'yon. I think for me, I was just thinking what will make her happy as a mother, di ba, unang baby mo?

"In the beginning, pina-mint green lang namin ‘yung walls. Pero ngayon, na-realize namin na girl pala talaga yung baby. I told her na if you want to change the paint, puwede ipa-change. Parang ako, I mean, kung masama pa ba yun, hindi ko na alam? I was trying to be nice."

WEDDING PICTURES. Sa wedding nina Vince and Inah, nagpa-hard to get pa raw sila para magpa-picture with the new couple. Totoo ba ito?

"No, in the wedding siyempre, I know and right from the start, I told Lani and Bong, I know that Vince's mother is going to play a role in the wedding. I wanted it to be her wedding with her son because Vince is just my stepson. Ako, alam ko naman. Siyempre naman may pinag-aralan naman ako. Alam ko kung saan ako.

Continue reading below ↓

"Unfortunately, things happened before the wedding na medyo uncomfortable yung situation between our family and the mother of Vince's family. ‘Tsaka hindi naman din, you know, we wanted also to, parang yung family niya, came all the way from the States, yung mga Diaz. So siyempre kapag nag-picture taking sila, siyempre kanila naman yun. I'm sure they want to display it. Parang hindi rin maganda ng tingnan na makisiksik pa kami doon or whatever. Siyempre, sa picture taking din ng mga Del Rosairo, nakakahiya rin na sumiksik din sila, di ba? Just like yung mga Revillas have their own.

"So kami, we didn't see anything wrong with that. Kung nag-play hard to get kami, di hindi na sana kami pumunta. For us, we were there very early. So kung nag-play hard to get kami, di nag-grand entrance pa kami? Which we did not even...why we would we even do that? It's not for us to steal the show. It's Inah's show," paliwanag ni Patricia.

Continue reading below ↓

What made them decide na um-attend ng wedding?

"Syempre naman, how can we not attend because of Vince? It's for the kids. Sina Bong and Lani went to the house. And si Vince, we had a long talk. And you know, we realized na once lang sila mag-aasawa. Kami, we're all adults. We can put all the difference on the side and do it for the kids," pagtatapos niya.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's very painful for me to hear allegations of that because that was never the case. I never saw him as somebody who was rich. I knew the family had money, but he was a very simple guy," says Patricia Braun-del Rosario about allegations that she married Mr. Jorge del Rosario because of his wealth.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results