Dingdong Dantes prepares for Bench's fashion event

Jun 7, 2008
"More than a month din siguro ang itatatagal until yung mismong fashion show na nga. Ayoko kasi ng drastic, yung mabilisan. Dati kasi, nahirapan ako dun. So, gusto ko ngayon yung medyo relax pa ako, hindi masyadong pressured," Dingdong Dantes about his preparation for the Bench fashion show.

Next month na ang much-talked about yearly event na Bench Fever fashion show sa Araneta Coliseum. Kahit napakalaki na ng iginanda ng katawan ng young actor na si Dingdong Dantes, more than one month pa rin daw ang gagawin niyang preparation para sa espesyal na gabi ng mga Bench celebrity endorsers.

Ayon kay Dingdong, starting this Monday, June 9, ang paghahanda niya para rito.

"More than a month din siguro ang itatatagal until yung mismong fashion show na nga. Ayoko kasi ng drastic, yung mabilisan. Dati kasi, nahirapan ako dun. So, gusto ko ngayon yung medyo relax pa ako, hindi masyadong pressured. ‘Tapos, may biyahe pa kami ng Amerika sa July, before the fashion show. So para maka-relax naman ako ng konti," lahad ni Dingdong nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang tinutukoy na biyahe ni Dingdong sa Amerika ay ang pag-represent nila ng kanyang co-star sa Dyesebel na si Marian Rivera sa GMA Pinoy TV.

Continue reading below ↓

Nandoon na raw ang excitement ni Dingdong for the Bench Fever, though wala pa raw siyang ideya kung ano ang magiging concept. Pero naniniwala naman daw siyang it will be styled properly, aside from the fact na successful naman palagi ang biennial event na ito ng Bench.

Tinanong ng PEP ang young actor kung may pressure ba sa kanya ang pagrampa ngayong taon, especially now that he's the newest Bench Body endorser at yung line niya talaga ang inaabangan sa naturang fashion show?

"Hindi naman siguro," saad ni Dingdong. "Marami naman kasing lines ang Bench. Marami naman kaming endorsers. Kanya-kanya kasi ‘yang lines, di ba?

"Kung sa pressure, siyempre, meron talaga. Pero masaya, e. Ako, ini-enjoy ko lang ‘yan. Ang maganda lang is that hindi lang ako mag-isa kundi marami kami."

MAN OF THE HOUR. Noong araw na nakausap namin si Dingdong, napag-alaman namin na nakapag-shoot na siya ng isang TV commercial para sa isang endorsement niya na ngayong buwan ilu-launch. Bukod pa rito, we heard na magsu-shoot siya ng isa pang TVC for another product na ngayong buwan din mapapanood. Ang iba pa pa niyang endorsements ay confidential pa at press time.

Continue reading below ↓

Puwede ngang sabihin that Dingdong is really the man of the hour. Thankful naman ang young actor sa lahat ng nagaganap sa career niya ngayon.

"Well, you know, there are 24 hours in a day. And there are seven days in a week and 12 months in a year. And all those days and hours, ako, palaging always on my feet, always on the go. Kaya, you know, sort of happy that na-notice nila even this one hour because every hour for me is very significant. Kahit na sabihin nila na, heto, sa panahon ngayon napansin, para sa akin, lahat ng effort ko, e, hindi nasasayang," pahayag niya.

Nararamdaman na nga ba niya ang intensity ng popularity niya ngayon?

"Yes and no," sagot niya. "Yes, dahil hindi ko naman ito nararamdaman dati. No, because no matter what, hindi pa rin magbabago ang pananaw ko sa ginagawa ko. So kailangan always on the go. Ganoon naman ako, yun naman talaga ang pananaw ko every day.

Continue reading below ↓
"Kaya nga, kahit sabihin man natin na maganda yung nagiging resulta, medyo ang maganda, yung reception sa akin, I just say thank you. Pero hindi yung nagiging relax ako or lumalaki ang ulo. Parang ganoon lang."
Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"More than a month din siguro ang itatatagal until yung mismong fashion show na nga. Ayoko kasi ng drastic, yung mabilisan. Dati kasi, nahirapan ako dun. So, gusto ko ngayon yung medyo relax pa ako, hindi masyadong pressured," Dingdong Dantes about his preparation for the Bench fashion show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results