Sharon Cuneta cuts short Italian trip to fly home and pay last respects to Daboy

IMAGE 0


Sharon Cuneta changes herplan to see the sights in Italyand books a flight back to the Philippines to see close friend RudyFernandez for the last time.



Pasadong hatinggabi noongSabado, June 7, sa London,nang matanggap ni Megastar Sharon Cuneta ang balitang sumakabilang buhay na ang malapit sa kanyang action star na si Rudy Fernandez.

Kadarating lang ni Sharonsa hotel na kanyang tinutuluyan matapos ang matagumpay na Londonscreening ng pelikulang Caregiverat kasisimula pa lang niyang mag-impake ng kanyang mga gamit dahil alas-syeteng umaga kinabukasan ang lipad niya papuntang Rome.

Labis na hinagpis angnaramdaman ng Megastar dahil malayo siya sa Pilipinas nang mamaalam na si Daboy. Noong isang araw pa namanay napagkuwentuhan pa ni Megastar at mga kasamaniya mula sa TFC Global Limited at head nitong si Mickey Muñoz si Daboy.

Sa gitna ng kanyanghectic schedule para sa world screening ng Caregiveray nagawa pang dumalaw ni Sharon sa ospital para magpaalam kay Daboy bagotumulak papuntang Los Angelespara sa international screening ng kanyang blockbuster movie.

Hindi na raw natulog si Sharon mula pag-alis namin sa tinutuluyang hotel sa London at pagsakay sa British Airways flight. Hanggang sa pag-landingsa Rome ay lungkotna lungkot at tahimik na nagdadalamhati ang Megastar.

Pinapanood niya lagi angvery touching VTR message ni Daboy noong nakaraang birthday show niya sa Sharon sa Araneta Coliseum na nakalagaysa kanyang iPod.

Kuwento pa ni Megastar, tiniyak niya na dumalawmuna kay Daboy isang gabi bago siya pumunta sa Amerika. Pagdating niya sa San Francisco kinabukasan,tinawagan at kinausap pa niya sa telepono si Daboy.

LONDONSCREENING. Ibang-iba ito sakasayahang nadama niya buong araw noong Biyerenes, June 6, sa London screeningng Caregiver sa Prince CharlesTheater sa gitna mismo ng West End district at Leicester Square sa London.Maagang nagising si Sharon sa excitement at naglambing pa raw ng Filipino foodna laing at tocino. Nagustuhan daw kasi ito ni Sharon nang kumain na sila saJosephine's Restaurant noong isang gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apat lang daw dapat angscreenings para sa June 6 pero dahil sold out na ang mga ito ay nagpaubayapa ang TFC ng pang-limang screening at 9:30 pm.

Ayon sa napagkasunduan ngTFC Global Limited head na si Mickey, apat lang daw ang dadaluhan ni Shawiepara sa nakagawian nang pre-show ceremonies, pero nagawa pa niyang dumalaw sa5th screening kahit hindi na siya inaasahan ng mga tao dito. Kasama niyangumakyat sa stage si Direk Chito Roño (na nagpamalas ng angking galing sapagho-host) at si Ms. Malou Santosna managing director ng Star Cinema.

Halos maiyak naman satuwa si Mega nang makita niyang dumating para manood ng 4th at 5th screeningang British actors na nakaeksena niya sa pelikula. Nakaka-touch ang reunion niyakina Saul Reichlin (Mr. Morgan), Claire Jeater (Margaret), Mark Shier (whoplayed the manager ng nursing home sa Caregiver).

Hindi napigilan ng mgababaeng mapatili nang makita si Matthew Rutherford (David) na sabi nga ng maramiay mas guwapo pang lalo sa personal.

WHY SHE'S THE MEGASTAR. Buong pagmamalaki namang kumaway si Lieve (Lily) nangipinakilala siya ni Sharon sa audience. Namangha ang Brits sa impact ni Mega samga Pilipino at noon ay napatunayan nila na talaga ngang karapat-dapatsiyang tawagin na Megastar.

Isang artistangsimpleng-simple ang ayos at ubod ng humble na Sharon Cuneta nga naman kasiang nakagawian nila habang nagsu-shooting noon. Inimbitahan naman ni Sharon ang mga ito para saisang impromptu cast party sa lobby ng Radisson Edwardian Hotel malapit sasinehan.

Hindi naman mailarawan angngiti at saya ng mga taong nakapanood ng pelikula. Pati na ang nakakita kay Sharon in person lalo pa angmga tunay na caregivers sa audience na binigyang-pugay ni Mega sa kanyangn pagsasalitasa entablado.

Excited niyang ibinalitana number one sa takilya sa Pilipinas ang pelikula niya kesa sa kasabay nitong Indiana Jones and the Kingdom of the CrystalSkull at Sex and the City.Pabirong sinabi ni Sharon sa audience na hindi naman daw nadadaan lang sapagiging payat para maging blockbuster ang movie niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pelikulang Caregiver ay hindi lamang bumuo sa akingpag-aartista kundi bumuo na din sa aking pagkatao," pangwakas na mensahe ni Sharon samga nanood ng Caregiver sa London.

CUTTING SHORT HER ITALIAN TRIP. Kahapon ng alas dose ng tanghali ay kadarating langni Mega sa Fiumiccino Airport sa Rome kung saankasama pa rin niya si Mickey, ang Europecorrespondent ng ABS-CBN, Allie delaCruz at Luis Bariuan ng TFC. Dadaluhan niya ang tatlong screenings ng Caregiver sa Italia.

Kinansela naman ni Sharon ang naunang planoniya na mamasyal pa ng ilang araw sa Italia at pagkatapos ay makikipagkita sakanyang mag-anak na sina Senator Francis "Kiko" Pangilinan with their twodaughters na sina Frankie at Miel. Nagdesisyon na lang siya na magpa-book ngfirst available flight pabalik ng Pilipinas pagkatapos ng third screening.Gusto na raw kasing makita ni Sharon si Daboy at makiramay sa lahat ng naulilang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN