Ogie Alcasid forgets it's been a year since he admitted romance with Regine Velasquez

Jun 9, 2008
"Actually, hindi ko naaalala yung panahon na yun. Hindi ko na naaalala yung part na yun. But of course, it's very important yun sa amin. But kung anuman yung dinaanan namin tapos na yun. Maluwag na. Pero tama ka, ‘no, magandang regalo ‘to [Urduja], this project for us," says Ogie Alcasid.

Nagulat si Ogie Alcasid nang ipaalaala namin sa kanya na isang taon na ngayong buwan mula noong nag-open-up na siya finally sa tunay na relasyon nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

"Oo nga, ‘no?" sabi pa niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Urduja.

"Actually, hindi ko naaalala yung panahon na yun. Hindi ko na naaalala yung part na yun. But of course, it's very important yun sa amin. But kung anuman yung dinaanan namin tapos na yun. Maluwag na. Pero tama ka, ‘no, magandang regalo ‘to [Urduja], this project for us."

Habang kausap namin si Ogie ay panay naman ang pakita ng MTV ng animated movie na Urduja ng ATP Productions at Regal Films kung saan ang boses ni Regine ang ginamit para sa lead role.

Doon ay may nakapansin ng mahabang buhok ni Regine sa MTV. Hindi kaya nami-miss ni Ogie ang long hair ni Regine?

Continue reading below ↓

"Oo, nami-miss ko. Pero okey naman siya. Parang ibang babae ang kasama ko. Ha-ha-ha!

"Hindi, joke lang. Actually, joke niya yun sa akin, ‘O, isipin mo na lang ibang babae ako.'"

Kahit nami-miss niya ang long hair ni Regine hindi naman daw niya masabi sa kasintahan na magpahaba na ulit ito ng buhok.

WEDDING BELLS SOON? This year, natapos na rin ang bahay na ipinatayo ni Regine sa Ayala Hills Estate Subdivision sa may bandang Celebrity Sports Plaza sa Quezon City. Marami naman umaasam na ang kasunod nito ay ang pagpapakasal na ng dalawang singers.

"Hindi ko pa puwedeng pag-usapan kasi ang mga bagay na ‘yan dahil ako'y hindi pinahihintulutan."

Mukhang matagal ang proseso ng annulment case na isinampa niya sa kasal nila ng first wife niya at dating Miss Australia na si Michelle Van Eimeren. Hindi ba siya naiinip?

"E, in God's time," matipid na sagot ni Ogie.

Pero baka maunahan pa sila ng mga kaibigan nila ni Regine na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na matunog na matunog nang magpapakasal sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Continue reading below ↓

"Ay, naku! We will be very excited for them."

Gagawan ba niya ng kanta sina Juday at Ryan for the wedding?

"If they ask me, why not? Kung gusto nila kumanta pa ako doon."

FATHER'S DAY IN TWO COUNTRIES. Next Sunday is Father's Day. Ano ang plano niya for this special occasion with his children at si Regine?

"Dalawa kasi ang Father's Day ko. Ah, ang Father's Day ko dito sa Pilipinas, e, yung regular. Kasi ang Father's Day ko sa Australia is actually August. Actually, the first also and the first week of September kasi yun ang Father's Day nila. British kasi. So, masuwerte ako dahil dalawang beses ko sini-celebrate ang Father's Day ko. So, yun talaga ang Father's Day ko. Pero tinatawagan naman ako ng mga anak ko ‘pag Father's Day dito.

"'Yun talaga kami. Ewan ko, pero mas nararamdaman ko yung Father's Day na yun kasi kami-kami lang talaga yun and malapit kasi yun sa birthday ko. Kaya dalawa lagi ang regalo ko."

Continue reading below ↓

But this year, ise-celebrate ni Ogie ang kanyang ika-20 anibersaryo sa showbiz on September 27. May narinig kaming darating daw ang mga anak niya at si Michelle on August to celebrate with him?

"No, they would probably arrive a week before [the celebration]."

Ano'ng plano niya sa pagbabalik muli sa Pilipinas ni Michelle?

"Hindi ko alam."

Sa bahay pa rin ba nila ni Michelle tutuloy ang kanyang dalawang anak at si Michelle?

"No, no, they'll be staying..." sabay putol ni Ogie. "Ayokong sabihin kasi ayokong bulabugin sila. But, ah, I'm taking them to Hongkong. Kasi my kids have not...hindi sila nakapunta ng Disneyland, e. So, dadalhin ko sila doon after the concert."

Isa ba yun sa mga paraan para makapag-bonding din si Regine sa kanyang mga anak?

"Huwag na lang. Ayokong pag-usapan yun kasi I'd rather keep those things to ourselves kasi. One time, you know, wala lang. Private lang. I cherish those times with the kids. Kung anuman yung mangyayari, mangyayari at mangyayari."

Continue reading below ↓

TWENTY SLASH TWENTY. Ano'ng magaganap sa concert niya on September 27?

"Well, alam mo, kasi my concert kasi is called 20/20, e. Basta maraming surprises."

Darating ba doon ang dalawang babae sa buhay niya?

Natawa muna si Ogie bago sumagot.

"Isa lang," nakangiti pa ring sabi ni Ogie.

"Well...dalawa yung mga anak ko.

"Uh, it's the fist time that I'm doing, ah... There's a full orchestra by Gerald Salonga, ‘tapos directed by Rowell Santiago, TV director of course is Louie Ignacio. Ngayon pa lang, actually, January pa lang, start na kami [kung ano ang gagawin sa concert]."

Ano'ng partisipasyon ni Regine sa concert niya?

"She's a big part of that."

Kumakanta rin ba ang dalawang anak niya na babae?

"Pareho, actually."

Kakanta ba sila sa concert niya?

"Matatakot ang mga yun Hindi sila talaga mahilig sa showbiz."

"OPENING-UP" ANNIVERSARY. So, anong gagawin nila ni Regine on the first anniversary of their opening-up to the public about their relationship?

Continue reading below ↓

"Alam mo, ano, manonood kami ng Urduja, premiere night sa June 15 and then June 18 ang showing," sabay tawa ni Ogie.

Wala ba siyang ibibigay na gift kay Regine for this occasion?

"Hindi naman kasi yun ang anniversary namin talaga. Pero yun nga for opening-up? Hindi ko pa naisip. Pero sige na nga, gagawa na ako [ng gift]," tapos ni Ogie.

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid, Regine Velasquez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, hindi ko naaalala yung panahon na yun. Hindi ko na naaalala yung part na yun. But of course, it's very important yun sa amin. But kung anuman yung dinaanan namin tapos na yun. Maluwag na. Pero tama ka, ‘no, magandang regalo ‘to [Urduja], this project for us," says Ogie Alcasid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results