Yeng Constantino's condo!

IMAGE 0


Yeng welcomes Hi! inside her new condo unit. (Hi! March 2007 issue)


Habang binu-bulldozer ang barung-barong nina Yeng Constantino sa isang squatters area sa Montalban, Rizal, nung January 12, iniaabot naman sa kanya ng president ng Globe Asiatique na si Mr. Delfin See ang susi ng napanalunang three-bedroom fully-furnished condo unit, sa may EDSA, Mandaluyong City.


Ang unit ay isa sa mga napanalunang premyo ni Yeng bilang Grand Winner ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN.


“Squatter lang kami magmula nang ipanganak ako, kaya malaki ang pasasalamat ko sa Diyos, sa PDA at kay Mr. See. Isipin nyo na lang kung sa ibang araw pa ibibigay sa akin itong condo unit. Saan kami matutulog ngayong na-bulldozer na yung bahay namin?” maemosyong pahayag ni Yeng.


Nasa 27th floor ang condo unit ni Yeng, at kasama niyang titira run ang kanyang parents, sina Joselito and Susan, at ilang kapatid.


“Bunso ako na nagangailangan pa ng guidance,” nakangiti na si Yeng. “Pero medyo malayo ito sa work ni Papa sa Ateneo de Manila University, kung saan assistant librarian siya. Si Mama naman, okey lang sa kanya na nandito siya para may mag-asikaso sa akin. May nabili nang lupa si Papa, sa bandang Rizal din. Once na mapatayuan na yun ng bahay, dun na sila titira.”

Nang araw ring iyon ay nakuha rin ni Yeng ang premyo niyang sasakyan mula sa PDA. Isa itong 8-seater silver Suzuki APV.


“Tamang-tama rin yung sasakyan para may magamit ako sa trabaho at mga raket. Siyempre, kasama ang pamilya. He-he-he!” ngiti pa ni Yeng.


Medyo fast-paced nga ang nangyayari sa buhay ni Yeng. At 18, maiku-consider na siyang milyonarya dahil sa mga napanalunan niya sa PDA.


At ang pagiging singer-composer niya ay malaking plus factor para sa napaka-productive na career na naumpisahan ng pagiging scholar niya sa Pinoy Dream Academy!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN