Rudy Fernandez's last words to wife Lorna Tolentino: "I love you."

Jun 9, 2008
"Siguro dito rin sa journey namin na ito, dito ko rin nalaman na kahit na ano pa yung nangyari, mga nangyari sa amin, dito ko napatunayan na talagang sa puso niya, ako lang ang minahal niya. Ano ako ro'n, sigurado ako," says Lorna Tolentino about husband Rudy Fernandez, who passed away last Saturday, June 7.

Sa burol ng aktor na si Rudy Fernandez kahapon, June 8, ay nakapanayam ni Pia Guanio ng Showbiz Central ang biyuda ng namayapang aktor sa loob ng mismong silid nito sa Heritage Park. Iyon ang unang pagkakataon na humarap si Lorna sa media dahil noong unang araw ng burol ng kanyang asawa ay hindi nagpaunlak ng panayam ang aktres sa media.

Unang tanong ni Pia kay Lorna ay kung ano ang naiisip niya sa panahong iyon.

Ayon sa biyuda ni Dabo, mas maayos na ang kalagayan niya ngayon kumpara noong unang araw ng lamay, "Actually kasi, may mahabang process," umpisa ni Lorna. "Yung time na nasa hospital pa lang kami, when he talked to me, sinabi niyang hirap na siya..."

Sa bahaging ito, nangingilid na ang luha ni LT, na napagtagumpayan namang huwag nang umiyak hanggang sa huling bahagi ng interview.

Aniya, "Ayokong umiyak...sabi ko na nga ba..." At sa kanyang pagpapatuloy, "'Tapos, sabi niya, yun ang time na gusto na rin niya... So parang ako, I always pray na, for healing, for Rudy's completely healing. Pero nung time na yun na kinausap niya ako... Ang dasal ko lang is I'm surrendering Rudy to Him. Kung ano yung gusto Niya. His will should be done."

Continue reading below ↓

Mas mahirap daw para sa kanyang makita na nahihirapan ang asawa dahil sa sakit na periampullary cancer.

"Mahirap siguro...masakit sa part ko. Doble ang sakit na nakikita mong nahihirapan yung taong mahal mo," sabi ni Lorna.

Sa gitna ng naging pagsubok sa buhay nilang mag-asawa simula nang ma-detect ang cancer ni Rudy two years ago, naitanong ni Pia kay Lorna kung anu-ano naman ang mga bagay na nakapagbigay sa kanya kahit konting kaligayahan sa panahong yun.

"Each day is a miracle noong time na yun with him," sagot ni Lorna. "Kasi nakikita talaga na anuman ang suffering, pain, and sorrow na pinagdadaanan namin, yung pagmamahal ng mga tao sa kanya, yun yung nakaka-ease ng pain, e. At siguro yung pinaka...pinaka-masaya is that, yung last word niya is ‘I love you.'

"Actually, I started it. I said, ‘I love you Babes, I love you Papa.' And then, hirap na hirap siya. Halos hindi niya masabi because nahihirapan na siyang magsalita Pero dun sa nangyari and yun yung maririnig mo faint na faint na sinabi niyang ‘I love you'"

Continue reading below ↓

Tumawa si Lorna nang ipaalaala ni Pia sa kanya ang sinabi ni Daboy sa interview niya before na never did he realize how kind and mabait and what a wonderful woman his wife was during this period.

"Siguro dito rin sa journey namin na ito, dito ko rin nalaman na kahit na ano pa yung nangyari, mga nangyari sa amin, dito ko napatunayan na talagang sa puso niya, ako lang ang minahal niya. Ano ako ro'n, sigurado ako," pahayag ni Lorna.

Ayon pa sa report ni Pia noong katapusan ng Showbiz Central, kapansin-pansin daw na lahat ng mga bulaklak sa burol ni Rudy ay kulay puti dahil ito raw ang kagustuhan ng aktor bago siya namayapa. Ang kanyang kasuotan naman sa loob ng coffin ay isang black suit at blue tie na sinadyang ipagawa sa kanyang paboritong designer na si Paul Cabral. Maging ang lugar na Heritage Park ay personal daw ng aktor, kasama ang asawang si Lorna.
Read Next
Read More Stories About
Lorna Tolentino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro dito rin sa journey namin na ito, dito ko rin nalaman na kahit na ano pa yung nangyari, mga nangyari sa amin, dito ko napatunayan na talagang sa puso niya, ako lang ang minahal niya. Ano ako ro'n, sigurado ako," says Lorna Tolentino about husband Rudy Fernandez, who passed away last Saturday, June 7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results