Regine Velasquez talks about relationship with Ogie one year after admitting it

by Julie E. Bonifacio
Jun 10, 2008
"Nagpapasalamat kami dahil nalampansan namin. ‘Tsaka ang dami talagang sumuporta na tao. Marami ang nag-try na intindihin yung sitwasyon namin," says Regine Velasquez about the trials that she and boyfriend Ogie Alcasid (inset) faced after admitting their relationship.

Isang taon na ang nakalilipas magmula nang ilantad ni Ogie Alcasid sa YES! magazine ang tunay na relasyon nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Nakasabay ito sa pagpapalabas ng pelikula ni Regine, katambal si Piolo Pascual under Star Cinema, ang Paano Kita Iibigin.

Ilang taon ding inilihim nina Ogie at Regine ang kanilang tunay na relasyon sa publiko. But last year, nagdesisyon si Ogie na aminin ang matagal nang bulung-bulungan tungkol sa kanila ni Regine.

Sa presscon ng animated film na Urduja last Saturday, June 7, sa Imperial Palace Suites ay ipinaalala namin kay Regine ang paglalantad nila sa publiko ng kanilang relasyon.

"Siyempre, I'm very happy, pero ano na yun, e... Natutuwa nga ako dahil accepted na ng mga tao. Happy kami na a lot of people understand. At least, they're trying to understand the relationship and the situation. Parang hindi na ngayon nga pinag-uusapan. Parang normal na," pahayag ni Regine.

Continue reading below ↓

After a year, ano ang assessment niya sa relasyon nila ni Ogie at ang reaksiyon ng mga tao sa kanila?

"At the beginning, siyempre maraming mga negative. Although like I said, marami rin yung who tried to understand and I'm really very thankful," saad ni Regine.

Inisip ba niya na magiging mabilis ang pagtanggap at maiintindihan sila ng publiko sa kanilang relasyon?

"Marami kaming hesitations noon that's why we didn't come out right away because we're really scared that people would judge us. We are, unfortunately, in a business na constantly being judged, di ba?

"Kahit ano'ng gawin mo, tumaba ka lang ng konti, pumayat ka lang ng konti, yung people are always looking at you na parang may malaking-malaking magnifying glass. So we were really, really scared; not just for our families, but as individuals who are also scared about our careers. I mean, this is our livelihood. Natatakot kami na kapag umamin kami... Siyempre maliit na parte lang yun, but still, ito pa rin ang kabuhayan namin. Natatakot kami baka hindi na kami suportahan ng mga tao.

Continue reading below ↓

"Pero nagpapasalamat kami dahil nalampansan namin. ‘Tsaka ang dami talagang sumuporta na tao. Marami ang nag-try na intindihin yung sitwasyon namin. Kasi parang, hindi rin naman kami masasamang tao. As much as possible nga, ayaw naming mang-agrabyado ng tao. Kaya lang, we were put into this situation. Of course, ayaw naming may masaktan pero nangyari yun. Hindi rin namin din lahat gusto yun."

WEDDING PLANS. Kasunod na ba nito ang pinaka-inaabangang kasal nila ni Ogie ngayong taon?

"Ang next, of course, napapag-usapan namin. Puwede naman yun, dadating yun. Hindi pa namin mapag-usapan kasi nga, we still have to settle a lot of things," pahayag ni Regine, na ang tinutukoy ay ang annulment ng kasal ni Ogie sa asawa nitong is Michelle Van Eimeren.

Baka maunahan pa sila nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nababalitang ikakasal sa Nobyembre ngayong taon?

"Dapat lang, I'm happy for them. They are my friends. Go! Mas matagal naman sila, e. Nauna naman sila," depensa ni Regine.

Continue reading below ↓

Hindi kami sumang-ayon sa sinabi ni Regine dahil sa pagkakaalam ng marami, more or less ay five years na silang magkarelasyon ni Ogie. Pero noong 2007 lang sila umamin.

"Oo, nga," pagsang-ayon niya.

May idea na ba siya kung ano na ang development ng annulment case nina Ogie at Michelle?

"Actually, meron, pero I'm not supposed to talk about it," pag-iwas niya,

Binigyan na ba siya ni Ogie ng engagement ring?

"Wala pa, manghihingi pa lang ako!" biro niya.

REGINE'S SHORT HAIR. Sabi ni Ogie, nami-miss na niya ang long hair ni Regine.

"Oo nga, kasi nga matigas ang ulo ko. Gusto ko ng short hair. Inuuto ko nga siya. Sabi ko nga sa kanya, ‘Ayaw mo nun para kunyari iba yung girlfriend mo.' Kaya ako nagpaputol ng buhok ko," natatawa niyang kuwento.

Hahaba naman daw ulit ang buhok niya after a year. "E, kung hindi, magwi-wig ako, bakit hindi!" tawa niya ulit.

Continue reading below ↓

PROUD OF "URDUJA." Samantala, proud na proud si Regine sa kauna-unahang animated movie na nilapatan ng kanyang boses, ang Urduja.

"First of all, hindi ito kasama sa pangarap ko," sabi ng actress-singer. "Kumbaga, bonus ito na binigay sa akin na pagkakataon. Di ba, kapag nanonood ka ng mga cartoons, sina Demi Moore, Brad Pitt yung nagbo-boses? Parang nakakatuwa, and Urduja came along.

"So when I was asked to do this film, hindi talaga ako nag-hesitate at nakita ko talaga nung nag-uumpisa na, nagda-dubbing na kami, meron kaming konti-konti na nakikitang animation.

"I feel very proud and one thing also, alam ninyo yung mga napapanood nating animated movie from Walt Disney, ganyan, karamihan doon mga Pilipino ang gumagawa. Hindi lang po sila nare-recognize. But this time, they're being recognized and I think that's something to be proud of.

"Maganda talaga yung movie and nagpapakumbaba naman kami na hindi nga namin kayang pantayan yung... First of all, masyado na silang advanced. Masyado rin silang maraming ginawa at masyado ring marami silang money. Pero Urduja is something to be proud of.

Continue reading below ↓
"If you watch the movie it's a very, very beautiful movie. Pilipinong-Pilipino. May love story, pero meron ding conflict na makikita. Makikita rin natin doon yung ating kultura," pahayag ni Regine.
Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Ogie Alcasid
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagpapasalamat kami dahil nalampansan namin. ‘Tsaka ang dami talagang sumuporta na tao. Marami ang nag-try na intindihin yung sitwasyon namin," says Regine Velasquez about the trials that she and boyfriend Ogie Alcasid (inset) faced after admitting their relationship.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results