Sunshine Cruz on husband Cesar Montano: "I need him right now."

IMAGE 0


"Parang sa panahon na ito nakailangan ko ng masasandalan, parang wala. I'm not blaming Cesar. It is not myfight against Cesar, so I am trying to understand him. At alam naman niya yun,it's just that, I need him...I need him right now," says Sunshine Cruz.


Pormal nang nagsampa ng dalawang counts ng libel ang aktres nasi Sunshine Cruz laban sa kapatid ng mister niyang si Cesar Montano na si MariaMercedez "Ched" Manhilot Cantu. Isinampa ni Sunshine ang libel case kahapon ng umaga, June 10, sa San JuanProsecutor's Office.

Nagdesisyon si Sunshine na sampahan ng kaso ang kanyanghipag dahil diumano sa ikinakalat na mga mapanirang pahayag ni Ched sa Internet,partikular na sa social networking website na Friendster.

WHY SHE DECIDED TO FILE A CASE. Kinagabihan, nakausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Sunshine sa burol ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez sa HeritagePark sa Taguig City.

Bagamat may pauna nang salita ang aktres na tungkol langsana kay Daboy ang mga tanong na sasagutin niya, hindi na rin siya nakatangginang sunud-sunod na siyang tanungin tungkol sa alitan nila ng kanyang hipag atsa estado ng relasyon nila ngayon ni Cesar.

"I'm okay...ayos naman. Hayaan na natin...hayaan na natin. Icannot talk about it dahil naka-file na yung case na libel," nakangitingattempt niya na huwag na sanang pag-usapan ang kasong isinampa niya.

Pero hindi nakaiwas si Sunshine sa tanong ng PEPtungkol sa ini-release niyang statement. Ipinahayag dito ng aktres na dapat sana ay pinag-uusapan na lang nilang dalawa ni Ched o ngkanilang pamilya kung anumang hindi pagkakaunawaan ang nagaganap sa kanilangayon para hindi na rin naaapektuhan ang mga anak nila.

"Nanahimik naman ako for nine years, e. I just have to fightfor I know what is right. And I have to do it for my kids," maagap niyangreaksiyon.

"I CANNOT BLAME CESAR." Sa kabila ng mga naglalabasang isyu na nagtatampo siya saasawang si Cesar dahil hindi siya nito maipagtanggol laban sa mga paninira sakanya, sinabi ni Sunshine na naiintindihan niya ang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, I cannot blame Cesar. Of course, kapatidniya yun. Hindi naman sa hindi niya ako naipagtanggol, sinabi naman niya thatit's not true. So, I understand him...I understand him."

Pero aniya, "Of course, I need him right now andthat, you know, I would be able to feel the support."

Pagkatapos daw maglabasan ang mga paninira diumano sa kanyang sister-in-law niya sa Friendster account nito, hindi pa raw sila nagkakaroonng pagkakataon na magkausap nang personal ni Cesar. Puro palitan pa lang dawsila ng text messages. Very personal na raw ang mga mensahe nila sa isa't isakaya hindi na niya maaari pang i-share sa lahat.

Tinanong namin si Sunshine kung sa text messages ba aygalit si Cesar.

"Pareho naman kaming may sama ng loob sa sitwasyon nakinakaharap namin ngayon. I'm hoping na siguro, kailangan lang na magpalamig ngkonti," sabi niya.

Hindi rin itinanggi ni Sunshine na nasa proseso na sila niCesar na sinusubukan nilang ayusin ang relasyon nila bilang mag-asawa nangdumating ang bagong kontrobersiyang ito sa kanilang pamilya. Nilinaw rin niSunshine na walang katotohanan ang tungkol sa isyung annulment case nanilalakad nila.

"It's not true about annulment. Wala akong planong mag-fileng annulment. This is about the libel case and not about annulment," diin niya.

Na kay Cesar na raw kung makakaapekto ba ang libel case naisinampa niya sa kapatid nito para sa ginagawa nilang pag-aayos ng relasyonnila.

"It's up to him kung gusto niyang magpa-apekto. Nasa sakanya na yun. Basta ako, inilalaban ko lang ang mga anak ko," sabi ni Sunshine.

ENOUGH IS ENOUGH. Ayon pa sa aktres, napuno na lang daw siguro siya kungkaya't bigla siyang nakahugot ng lakas ng loob na lumaban.

"Napuno na lang ako. Lahat naman ng tao may hangganan. I'vekept quiet, pero yun nga, siguro tao lang naman tayo na nasasaktan at mayhangganan, lalo na kung inaapak-apakan ka. Durog ka na nga, dinudurog ka palalo. So I'm doing this not for myself, but I'm doing this for my kids."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang sinubukang kumustahin ng PEP kay Sunshine ang anak ni Cesar sa unang asawanito na si Angela, na napapabalitang may kaugnayan din sa pagpapakalat diumanong mga mapanirang salita laban kay Sunshine, napangiti na lang ang aktres atmas piniling huwag na lang sagutin ang tanong.

Nilinaw rin ni Sunshine na hindi ang buong angkan ni Cesarang kalaban niya ngayon nang sabihin namin sa kanya na itinatanggi diumano ngkanyang sister-in-law niya na nanggaling sa kanya ang mga paninira laban saaktres.

Paliwanag niya, "Well, actually, I want to clear everythingna hindi ang [lahat] ng kapatid...buong angkan ang kaaway ko rito. Actually,hindi kaaway, e...yung inilalaban. Yung inilalaban ko rito, yung mga hindikatotohanang salita na binitawan na too damaging na for myself and for my kids.

"It's been nine years! It's been going on for so long na,kung saan, nanahimik lang ako. I've kept quiet, nagtiis na lang ako para hindinga lumaki. Pero yun nga, marami na ang nakakabasa, marami na ang naaapektuhan.So once and for all, sige, e, di magpakita kayo ng proof. Yun na lang yung saakin."

FAMILY'S SUPPORT. Sa kabila ng pangyayaring ito, masaya si Sunshine dahilnakikita at nararamdaman niya ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya,kamag-anak, at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

"Ang dami-rami ko kayang natatanggap na mga e-mails andsupport. And you know, kahit paano, nakakapagpagaan ng pakiramdam. Honestly, Ilost about ten pounds for this, for two weeks lang... Talagang parang napuno langakong talaga. Pero nakakatuwa na ang daming sumusuporta at nagtatanggol sa akinsa pagkakataong ito," lahad niya.

Nagkataon naman daw kasi na ang mga kapatid niya ay puro nasaibang bansa. Merong nasa Paris, yung isa naman daw ay nasa Macau, at ang isa aynasa Shanghai naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But they are supporting me, through Friendster, e-mail,because they saw, they read everything na paninira at nanginginig ang lamannila. Kaya sabi nga nila, ‘Shine, we're supporting you all the way.'

"Pati yung mga pinsan ko, sina Geneva [Cruz], Donna [Cruz],ka-text ko sila palagi. Pati yung mga pinsan ko sa Amerika na mga kaedad ko,like si Aubrey, lahat sila. Kaya sabiko nga, kahit hindi ko sila nahahawakan, nararamdaman ko naman sa puso ko angpagsuporta ng pamilya ko sa akin," pahayag niya.

Isa rin daw sa nagpapalakas ng loob ni Sunshine ay ang mommyniya na kahit may sakit, sinamahan siyang mag-file ng libel case.

"Kanina nga, I was crying. Nag-file ako kanina at yung momko, may sakit. Pero yung mom ko, kahit hindi siya makabangon, sinubukan niyangbumangon para samahan ako kaninang mag-file with my lawyer. And then, afterthat, dumiretso ng hospital ang mommy ko. Talaga lang yung support niya...

"I have been crying... Why? Parang sa panahon na ito nakailangan ko ng masasandalan, parang wala. I'm not blaming Cesar. It is not myfight against Cesar, so I am trying to understand him. At alam naman niya yun,it's just that, I need him...I need him right now," ani Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN