Yasmien Kurdi nominated as PETA's Sexiest Vegetarian Celebrity

Jun 11, 2008
"Sa totoo lang, hindi ko nga rin po alam kung paano ko napasama! Sa mga fans, sa ilang reporters ko na lang din po nalaman yung tungkol sa contest na yun. So kung puwede, iboto n'yo ako!" says Yasmien Kurdi about being nominated by People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) as Sexiest Vegetarian Celebrity.

Noong ikalawang araw ng wake noong Linggo, June 8, ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez sa Heritage Park daw nakapunta at nakadalaw ang young actress na si Yasmien Kurdi. Sa mga hindi nakakaalam, "kapatid" ni Yasmien ang mag-asawang Rudy at Lorna Tolentino sa pangangalaga ng talent manager na si Lolit Solis.

Ayon kay Yasmien, bagamat ilang beses lang sila nagkita ni Daboy, nalungkot daw siyang talaga nang malaman niya na pumanaw na ang action superstar.

Kuwento pa niya, nakasama raw niya si Daboy sa isang Asian cruise.

"Lumaban po kami ng badminton, then yun na, nag-cruise kami. Sa Singapore, Thailand, Malaysia. Natatandaan ko yun. Two weeks kasi after naming mag-cruise, yun naman yung nagkaroon ng tsunami," lahad ni Yasmien sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Katulad ng ibang mga artistang nakasama ni Daboy, ang pagiging palabiro raw nito ang naaalala ni Yasmien sa aktor. "Yung pagiging maloko po niya, yun ang naaalala ko sa kanya. Kasi noong magkasama kami sa cruise, palagi niya akong niloloko. Tapos, niloloko niya ako noon sa anak niya, kay Renz."

Continue reading below ↓

PETA'S SEXIEST. Natatawa naman si Yasmien nang kumustahin namin ang pagiging candidate niya as Sexiest Vegetarian Celebrity ng People for the Ethcal Treatment of Animals (PETA) sa taong ito, kung saan online ang pagboto. Bukod sa kanya, sina Alicia Mayer, Geneva Cruz, Isabel Roces, at Chin Chin Gutierrez ang ilan sa local celebrities na kasali sa list; along with Hollywood celebrities like Alicia Silverstone, Natalie Portman, Pamela Anderson, Vanessa Williams, Carrie Underwood, Rachel Leigh Cook, among others.

"Sa totoo lang, hindi ko nga rin po alam kung paano ko napasama!" natatawa niyang sabi. "Sa mga fans, sa ilang reporters ko na lang din po nalaman yung tungkol sa contest na yun. So kung puwede, iboto n'yo ako!"

Kasunod nito ay ibinigay nga ni Yasmien ang Internet site kung saan puwedeng mag-log on at bumoto. Ito ang www.petaasiapacific.com Pero aniya, hindi naman daw siya nag-e-expect na manalo.

"Hindi ko po alam kung matagal na yung voting online. I'm not into it naman kasi.

Continue reading below ↓

"Grabe, ang hirap kaya ng mga kalaban! Kaloka kaya! Imagine, Natalie Portman, Pamela Anderson, Simon Cowell, at marami pang-iba. Kasi may mga list pa rin sa mga male celebrities naman," natatawang sabi ni Yasmien.

Ayon kay Yasmien, January of last year nang magsimula siyang maging vegetarian. Pero contrary sa impression na kaya siya naging vegetarian ay para madali siyang magpapayat, ang major reason daw ay dahil sa awa na nararamdaman niya sa mga hayop na pinapatay.

"I'm asking people to liberate their diet at i-try ang vegetable," mensahe niya. "Sa dami ng mga masasarap na alternative foods, mae-enjoy pa rin naman yung pagkain na, at the same time, hindi na nakaka-harm ng mga animals."

Hindi raw siya naaapektuhan kung may mga nag-iisip sa kanya na hindi naman siya totoong vegetarian dahil pumayat man, hindi pa rin naman masasabing payat na payat na ang young actress.

Katuwiran niya, "Hay naku, try kaya nilang bumili ng barbecue sa Bodhi at Greens. At saka hindi naman porke't kumakain ka ng gulay, magiging stict ka na."

Continue reading below ↓

LAST YASMIEN-JC TEAM-UP? Malapit na ring magwakas sa telebisyon ang soap opera ng GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita, kung saan isa sa mga bida si Yasmien. Masaya raw siya dahil sa mataas na rating na nakukuha nila at sa magagandang feedback na natatanggap nila tungkol sa show. So far, wala pa raw siyang alam na kasunod na project sa Kapuso Network, although may mga personal plans daw siyang gustong gawin.

Walang duda na naging matagumpay ang pagtatambal nila ni JC de Vera. Yun nga lang, balitang sina JC at Rhian Ramos naman ang bagong partner sa bagong bubuksang programa ng GMA-7, ang La Lola.

Naitanong ng PEP kay Yasmien kung ano ang pakiramdam niya na baka ang Babangon Ako't Dudurugin Kita na ang maging huling proyekto nila na magkasama.

"Ako naman po, I'm happy for him," sagot ni Yasmien. "Happy ako na may bago na siyang show. At saka, depende naman po sa network ‘yan. Sumusunod lang naman kami kung ano ang gusto ng network na gawin namin."

Continue reading below ↓

Okay lang ba na maghiwalay muna sila ni JC as a love team?

"Bahala po ang GMA. Ayokong makialam sa project nang may project, kasi may sari-sarili rin naman po kaming carreer," pagwawakas ni Yasmien.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa totoo lang, hindi ko nga rin po alam kung paano ko napasama! Sa mga fans, sa ilang reporters ko na lang din po nalaman yung tungkol sa contest na yun. So kung puwede, iboto n'yo ako!" says Yasmien Kurdi about being nominated by People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) as Sexiest Vegetarian Celebrity.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results