More fans and celebrities visit on fourth day of Daboy's wake

Jun 11, 2008
Some scenes during the fourth day of Rudy Fernandez's wake at Heritage Park in Taguig City. Among the celebrities who paid their last respects to Daboy were Sunshine Cruz, Dennis Trillo, Daria Ramirez, Dennis Roldan, Jestoni Alracon, Eddie Mesa, Jeric Raval, and Emilio Garcia.

Day Four (June 10) of Rudy Fernandez's wake at The Heritage Park in Taguig was still a "box-office hit." Maayos na ang pila ng mga fans na gustong makita ang kanilang idol for the last time ngunit napakarami pa rin nila.

Ang ilan sa kanila ay naupo sa may damuhan sa harapan ng Heritage Park at nanood na lang ng mga lumang pelikula ni Daboy na ipinapalabas sa isang malaking puting telon.

Sabi ng isa sa mga Taguig police deployed there, nagsimulang magpapasok ng fans ng alas-otso ng gabi that Tuesday night. But by the time our PEP (Philippine Entertainment Portal) group arrived around past 10 p.m., umabot pa rin hanggang sa gate ng Heritage Park ang pila at wala itong putol.

Sabi naman ng isang watcher, malamang na umabot na ng around 200,000 ang mga fans nang tinanong namin siya bandang alas-onse ng gabi. So baka may 500,000 people ang dumating kahapon. Ngayong ala-una ng hapon, June 11, na lang papayagang makapunta ang fans sa burol ni Daboy dahil after this, strictly reserved na for personal friends, families, and showbiz people.

Continue reading below ↓

Pagpasok namin sa pinagsamang apat na chapels ng Heritage Park upang ma-accommodate ang lahat ng gustong makiramay kay Daboy, naabutan namin na ini-interview ng crew ng GMA-7 ang dalawang anak ng aktor na sina Ralphe at Renz. Para raw ito sa tribute na ipalalabas sa programa ng Kapuso Network.

Pinagpahinga ng mga kaibigan ang biyuda ni Daboy na si Lorna Tolentino nang dumating kami. Kuwento ni Lyn Cruz, maybahay ni Tirso Cruz III, sila na raw ang nagpilit kay LT na magpahinga muna at ang ilang special guests na lang ang papasok sa private room reserved for Daboy's immediate family para magbigay respeto.

Sina Amy Austria, Fanny Serrano, Tirso Cruz III at asawang si Lyn ang naging punong abala noong mga oras na yun. Later ay dumating na rin si Christopher de Leon, habang si Bong Revilla ay nasa private room lang at inaasikaso ang iba pang mga nakikiramay.

Ilang beses lang namin nakitang lumabas si LT. Una ay nang dumating si Eddie Mesa who requested to see her. Known as the "Elvis Presley of the Philippines," Eddie is the husband of Ms. Rosemarie Gil and the father of Cherie Gil, Mark Gil, and Michael de Mesa. Huling napanood in the big screen si Eddie sa original na Kaputol ng Isang Awit nina Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

Continue reading below ↓

Hindi lang si Eddie ang isa sa naging prominent guests who are now retired or almost retired from acting.

Dumating din ang mag-asawang Perla Adea at Romy Mallari with their children. Halos walang nakakilala kay Mia Prats of Viva Films, who was with a male companion. Dennis Roldan paid his last respects sa kanyang naging co-star for so many movies, including Markang Bungo. Nineties action star Jeric Raval also arrived in his trademark leather jacket and pants.

The other visitors that night were Eddie Mesa's son Mark Gil, Ms. Gina Pareño, AJ Dee, Emilio Garcia, Jestoni Alarcon, Ai Ai delas Alas, Angel Aquino, Aiza Seguerra, AJ Dee, Katya Santos, Daria Ramirez, Direk Maryo J. de los Reyes, Yul Servo, Emilio Garcia, Roderick Paulate, and Alvin Anson.

Pagkatapos makiramay ay pinagkaguluhan naman ng TV crew sina Dennis Trillo at Sunshine Cruz na napilitang sumagot sa mga isyung kinasasangkutan nila.

Dumating din si Congressman Bingbong Crisologo, na ginampanan noon ni Daboy sa pelikula.

Continue reading below ↓

Inaasahan din na dumating ang Megastar na si Sharon Cuneta ng bandang ala-una ng madaling-araw. Pero hindi na namin siya nahintay kaya hindi namin alam kung dumating nga ba siya o hindi. Galing ng Italy ang Megastar at pinutol ang kanyang pananatili roon para makapunta sa burol ni Daboy.

Read Next
Read More Stories About
Rudy Fernandez, Lorna Tolentino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some scenes during the fourth day of Rudy Fernandez's wake at Heritage Park in Taguig City. Among the celebrities who paid their last respects to Daboy were Sunshine Cruz, Dennis Trillo, Daria Ramirez, Dennis Roldan, Jestoni Alracon, Eddie Mesa, Jeric Raval, and Emilio Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results