Annabelle Rama honors Daboy's request for her to reconcile with Lolit and Lani

Jun 11, 2008
Before her "kabarkada" Rudy Fernandez died, he requested her to make peace with Lolit Solis, Sen. Bong Revilla and wife Lani Mercado. "Kaya noong lumapit at bumati sa akin si Bong, binati ko na rin siya. ‘Tapos lumapit din sa akin si Lani, binati ko na rin siya. ‘Tapos noong nasa burol na kami ni Daboy sa Heritage, si Lolit naman ang bumati sa akin. So, binati ko na rin siya. Kaya okey na lahat para sa akin.," reveals Ann

Dahil na rin sa matagal nang kaibigan ni Annabelle Rama ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez, tinupad nito ang huling kahilingan nito na makipag-ayos na kina Lolit Solis at sa mag-asawang Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. at Lani Mercado.

Kinuwento nga ni Tita Annabelle sa press conference ng comeback movie niya na My Monster Mom ng Regal Entertainment at GMA Films na ginawa niyang batiin sina Lolit, Sen. Bong, at Lani dahil na rin sa request iyon ni Daboy noong nabubuhay pa ito.

"Si Daboy kasi, mahal ko ‘yang taong ‘yan. Matagal ko nang barkada ‘yan noong dalaga pa ako. Kaya mahirap ko siyang tanggihan talaga.

"Noong medyo malakas pa siya at papunta sila ni Lorna [Tolentino] sa Amerika, hiniling na niya sa akin na makipag-ayos na ako kay Lolit at kina Bong at Lani. Sinabi ko naman kay Daboy na okey lang sa akin iyon pero hindi muna sa pagkakataong iyon. Galit na galit pa kasi ako that time kaya sinabi ko kay Daboy na huwag muna ngayon. Magagawa ko namang kausapin sila pero huwag lang ngayon.

Continue reading below ↓

"'Tapos noong bumalik na nga sila ni Lorna at grabe na ang sakit ni Daboy, dumalaw ako sa bahay nila. E, nagkataon na nandoon sina Bong at Lani. Naisip ko tuloy ang request ni Daboy sa akin. Alangan namang hindi ko pagbigyan si Daboy e malubha na ang karamdaman ng tao?

"Kaya noong lumapit at bumati sa akin si Bong, binati ko na rin siya. ‘Tapos lumapit din sa akin si Lani, binati ko na rin siya. ‘Tapos noong nasa burol na kami ni Daboy sa Heritage, si Lolit naman ang bumati sa akin. So, binati ko na rin siya. Kaya okey na lahat para sa akin.

"Ako naman wala akong gustong maging kaaway. Pero dahil nga sa hiling ni Daboy na maging okey na sana kaming lahat, tinupad ko iyon. Ganyan ko kamahal si Daboy kaya okey na kaming lahat."

Nanghihinayang nga si Tita Annabelle na hindi na mapapanood ni Daboy ang comeback movie niya na My Monster Mom. Tuwang-tuwa pa naman daw si Daboy nang ikuwento ni Tita Annabelle na magpepelikula siya ulit. Aabangan daw iyon ni Daboy pero mas nauna pa ang pagpanaw ni Daboy kesa sa showing ng pelikula ni Tita Annabelle.

Continue reading below ↓

"Alam kong matutuwa si Daboy sa pagbabalik-pelikula ko. Sayang nga at di na niya ito naabutan. Kasama parati si Daboy sa mga dasal ko at siyempre, ang pagiging monster hit ng pelikula ko," pagtatapos ni Ms. Annabelle Rama.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Before her "kabarkada" Rudy Fernandez died, he requested her to make peace with Lolit Solis, Sen. Bong Revilla and wife Lani Mercado. "Kaya noong lumapit at bumati sa akin si Bong, binati ko na rin siya. ‘Tapos lumapit din sa akin si Lani, binati ko na rin siya. ‘Tapos noong nasa burol na kami ni Daboy sa Heritage, si Lolit naman ang bumati sa akin. So, binati ko na rin siya. Kaya okey na lahat para sa akin.," reveals Ann
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results