Michelle Madrigal gets a kiss from ex-boyfriend JC de Vera to break the ice

by Ruel J. Mendoza
Jun 11, 2008
"I am not closing my doors naman to any possibilities, e. I am getting to know JC again and it's better siguro na we start again as good friends. Right now kasi, maganda ang team-up nila ni Yasmien. Ayokong sirain ‘yon," says Michelle Madrigal about the possibility of getting back together with JC de Vera, who is now very much identified with Yasmien Kurdi.

Natawa lang ang young actress na si Michelle Madrigal nang makarating sa kanya ang balita na nagtanong daw si Yasmien Kurdi tungkol sa pagtatambal nina Michelle at JC de Vera sa pelikulang My Monster Mom. Si Yasmien ang ka-love team ni JC samantalang si Michelle naman ang ex-girlfriend ng young actor.

Nagbiro nga si Michelle na baka raw nagseselos si Yasmien dahil muli nga silang nagsama ni JC after three years na hindi sila nagkakausap.

"Hindi ko naman masisisi si Yasmien kung magtanong siya, di ba? Ayokong isipin na nagseselos siya. Pero why not?" pilyang sagot ni Michelle nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Monster Mom noong June 10 sa Imperial Palace Suites..

Patuloy niya, "Pero magkakilala naman kami ni Yasmien. Though hindi naman kami yung parating nagte-text sa isa't isa. Kapag nagkikita naman kami, we're okay.

"Kami naman ni JC, it's all work naman. Matagal nga kaming hindi nagkita at nag-usap since we broke up. Alam naman siguro ni Yasmien na ex-boyfriend ko si JC kaya I don't blame her nga kung magtanong siya, di ba?"

Continue reading below ↓

KISSING SCENE WITH JC. Tinanong din daw ni Yasmien kay JC ang tungkol sa naging kissing scene nila sa pelikula. Pero ayaw i-confirm ni Michelle kung may kissing scene nga sila ni JC sa My Monster Mom.

"'Yan ang abangan nila," pambibitin niya. "Ayokong mag-reveal ng kahit ano kasi masosorpresa sila. Pero noong mga first few days na nagsu-shooting kami ni JC for My Monster Mom, hinalikan niya ako para mawala ang wall sa pagitan namin.

"Pero sa cheeks lang naman ang kiss niya," pahabol niya. "Kasi nga after kami mag-break, hindi na kami nagkausap. Mga three years din ‘yon. Kasi nga, walang closure yung breakup namin. Yun basta na lang kaming nag-break at hindi na kami nagkapaliwanagan.

"Nagkita lang kami ulit last year noong maging manager ko na si Tita Annabelle [Rama, also JC's manager]. Pero hindi kami nagkausap that time. Medyo awkward pa kasi ang situation namin.

"Kaya noong mag-shooting kami for My Monster Mom, nakakailangan pa kami talaga. We can't even look at each other eye-to-eye. Pero it was JC who made the first move to break the ice. Sinabi niya na para raw mawala na ang tension between us, he will give me a kiss. Kaya hinalikan niya ako sa cheek. And from there, naging okey na kaming dalawa. Nakakapagbiruan na kami ulit and we're getting to know each other again," lahad ng young actress, na napapanood din sa Dyesebel.

Continue reading below ↓

REKINDLED LOVE? Since wala naman daw romance na nabubuo sa pagitan nina JC at Yasmien, at wala rin namang boyfriend si Michelle, may possibility kaya na ma-rekindle ang pagtitinginan nila ni JC?

"I really don't know," sagot niya. "I am not closing my doors naman to any possibilities, e. I am getting to know JC again and it's better siguro na we start again as good friends. Right now kasi, maganda ang team-up nila ni Yasmien. Ayokong sirain ‘yon.

"But we will never know din naman, di ba? I guess kailangan tanungin din ninyo si JC. I can't speak for him kasi. But if you will ask me how I feel for JC, it's still the same naman, only wala na kaming relasyon. Siguro nga we're better off as friends for now."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I am not closing my doors naman to any possibilities, e. I am getting to know JC again and it's better siguro na we start again as good friends. Right now kasi, maganda ang team-up nila ni Yasmien. Ayokong sirain ‘yon," says Michelle Madrigal about the possibility of getting back together with JC de Vera, who is now very much identified with Yasmien Kurdi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results