Gerald Anderson won't stop Enchong Dee from courting Kim Chiu

Jun 12, 2008
"Tao si Enchong at hindi mo puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang magugustuhan niya, right niya yun. Wala akong magagawa dun, di ba? Kanya-kanyang laban ‘yan, laban niya yun. ‘Tsaka na kay Kim yun, hindi sa akin, kasi siya yung babae," says Gerald Anderson about Enchong Dee's (inset, bottom) statement that he wants to court Kim Chiu (inset, top).

Inamin ng young actor Enchong Dee na may special feelings siya sa co-star niya sa My Girl na si Kim Chui at balak niyang ligawan ang dalaga. Dahil dito, pumasok agad sa isip ng iba ang katanungan kung ano ang magiging reaksiyon ng ka-love team ni Kim na si Gerald Anderson.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald, sinabi niya na hindi siya nangangamba dahil karapatan naman daw ni Enchong na magustuhan ang kahit na sino, kahit pa si Kim.

"Tao si Enchong at hindi mo puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang magugustuhan niya, right niya yun. Wala akong magagawa dun, di ba? Kanya-kanyang laban ‘yan, laban niya yun. ‘Tsaka na kay Kim yun, hindi sa akin, kasi siya yung babae," pahayag ni Gerald.

Sinabi rin ni Gerald na kahit manligaw si Enchong kay Kim ay hindi maaapektuhan ang magandang samahan nila ng kapwa young actor.

Continue reading below ↓

"Hindi kami magkakaaway because of that. Kasi kaibigan ko si Enchong, lagi kaming magkakasama sa taping ng My Girl and we're okay," aniya.

Malaki ang posibilidad na kung ipagpapatuloy ni Enchong ang panliligaw kay Kim ay maaaring kausapin nito si Gerald at magpaalam out of respect na rin sa kanya. Sabi naman ni Gerald, sa ganitong sitwasyon ay hindi na niya alam ang magiging reaksiyon niya.

"Siguro ‘pag kinausap na niya ako, dun ko pa lang talaga malalaman kung ano ang magiging reaction ko. Sa ngayon kasi talaga, hindi ko pa alam. Wala rin naman akong balak to ask Kim about that."

Lumabas din sa interview ni Enchong na hindi siya naniniwala na may espesyal na relasyong namamagitan kina Kim at Gerald. Hindi naman daw kasi niya nakitang sweet o close na close ang dalawa sa set ng My Girl.

"Akala ko ba sweet na sweet kami [ni Kim], ‘tapos ngayon hindi kami sweet and close ni Kim sa set? Parang nakakalito na ang mga issue. Sa dinami-dami ng mga sinasabi, iba-iba na siya," naguguluhang sabi ni Gerald.

Continue reading below ↓

BACK TO WORK. Ilang araw rin na nagpahinga si Gerald sa taping ng My Girl nang bumagsak ang katawan niya dahil sa sobrang trabaho. Right now ay back to work na uli ang young actor.

"Okey na ako, lagnat lang," aniya. "Sa San Juan de Dios Hospital kasi yung location namin kaya tamang-tama na nasabihan kaagad ako na I need to rest muna. Ngayon, balik taping, balik trabaho."

May ilang nagbibigay ng negative feedback kay Gerald na hindi raw niya gaanong nabibigyan ng justice ang role niya as Julian sa My Girl. Nabubulol din daw siya sa ilang dialogues niya.

Hindi naman ito minasama ni Gerald. Aniya, challenge ito sa kanya para higit pang pagbutihan ang trabaho niya.

"Habang tumatagal, dun papasok yung character ko talaga. Kumbaga, kahit sino naman, hindi agad makukuha ang character mo. Hindi maiiwasang magkaroon ng comparison because may original na My Girl. But this will serve as a challenge to me para higit ko pang pagbutihan ang ginagawa ko," pahayag ni Gerald.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gerald Anderson, Kim Chiu
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tao si Enchong at hindi mo puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang magugustuhan niya, right niya yun. Wala akong magagawa dun, di ba? Kanya-kanyang laban ‘yan, laban niya yun. ‘Tsaka na kay Kim yun, hindi sa akin, kasi siya yung babae," says Gerald Anderson about Enchong Dee's (inset, bottom) statement that he wants to court Kim Chiu (inset, top).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results