Chynna Ortaleza defends boyfriend Railey Valeroso on "jinx" issue

Jun 20, 2008
"That's not true. In fact, gumaganda uli ang takbo ng career ko when I started accepting kontrabida roles. Wala naman akong nakikitang masama doon. Lumalawak pa nga ang range ko as an actress," says Chynna Ortaleza about accusations that her boyfriend Railey Valeroso is a "jinx" on her career.

May mga nagsasabing si Railey Valeroso ang nagdadala ng malas kay Chynna Ortaleza. Mula raw kasi nang maging boyfriend ito ng young actress, nalinya na ang huli sa character roles at lumayo na ang tsansang makapagbida. Noon ay si Chynna ang orihinal na naipapareha kay Richard Gutierrez bago pa si Angel Locsin at iba pa. Pero heto si Chynna at siya na ang nagkokontrabida kina Richard at Heart Eveangelista sa Codename: Asero.

"That's not true," depensa agad ni Chynna kay Railey. "In fact, gumaganda uli ang takbo ng career ko when I started accepting kontrabida roles. Wala naman akong nakikitang masama doon. Lumalawak pa nga ang range ko as an actress.

"Kaya siguro hindi ko rin iniisip na may kinalaman si Railey rito ay yung fact that when I was younger, lagi namang naitatanong sa akin 'yan, kung okey lang na mag-villainess ako. Lagi kong sinasabi, that's just fine. Walang magiging problema sa akin.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nag-iilusyon na magiging superstar ako. Ngayon, ang gusto ko lang, magkaroon ng trabaho. And I see to it, I'm taking advantage of any juicy part sa kung anumang nai-o-offer sa akin," pahayag ng aktres.

Pabigat nga raw si Railey sa kanya, sabi pa ng showbiz observers. Ito na raw mismo ay parang hirap umalagwa ang career. Ano ang masasabi ni Chynna rito?

"Ngayon kasi, ang gustong mangyari ni Railey, kahit ano pa ang dumating na pagsubok sa kanya, handa na niyang tanggapin. He wants to take advantage of this situation na nabibigyan siya ng roles sa ABS-CBN, gaya sa Palos noon.

"Noon kasi, marami talagang dapat baguhin sa kanya. Hindi siya ma-PR, napapagkamalang suplado. Ang tingin sa kanya ng marami, parang hindi seryoso sa kanyang ginagawa," saad ni Chynna.

PREGNANCY RUMOR. Dahil five years na sila ni Railey, baka mabalitaan na lang natin na buntis si Chynna. Ano ang masasabi niya kung mangyari ito?

Continue reading below ↓

"E, kung ganoon ang mangyari, e, di ganoon!" natatawang sabi ni Chynna. "Pero malabo. Siyempre, ang ideal diyan, yung malagay muna sa ayos ang lahat at makasal ako.

"Sabi ko nga, mga three to five years ko pa siguro iko-consider ang pagpapakasal, yun ay kung kami pa nga ni Railey. Pero sa ngayon, ang focus namin, dito sa aming pag-aartista. Si Railey nga, gustong samantalahin ang pagkakataon, habang kaya pa niya, na makapag-ipon.

"Pananagutan naman namin kung mangyari yun. My gosh, I'm already 25 years old! Pero let's not talk about that dahil baka atakihin sa puso ang mommy ko. I'm still enjoying yung pagiging single ko," natatawang sabi ni Chynna.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"That's not true. In fact, gumaganda uli ang takbo ng career ko when I started accepting kontrabida roles. Wala naman akong nakikitang masama doon. Lumalawak pa nga ang range ko as an actress," says Chynna Ortaleza about accusations that her boyfriend Railey Valeroso is a "jinx" on her career.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results