Sharon Cuneta sheds buckets of tears at Daboy's necrological service

IMAGE 0


"Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa flight for Rome nang mapansin ko ang mgamissed calls, ayokong basahin, kahit text messages. Until nakita kong maymessage si Jinggoy at iyon ang binasa ko. Sabi niya, ‘Mare, wala na."'Parang hindi ko maisip na pagbalik ko, may dadalawin nga ako pero hindi namagre-react," narrates Sharon Cuneta during the necrological service for Rudy Fernandez.



Hinihintay pa lang ang pagsisimula ng necrological servicefor Rudy Fernandez kagabi, June 11, sa chapel ng Heritage Park &Crematorium, na-focus na sa camera ang iyak nang iyak na si Sharon Cuneta. Kayanang tawagin na ang Megastar ng mga program hosts na sina LaniMercado at Ricky Davao upang magbigay ng pahayag tungkol kay Daboy, hindisiya agad nakapagsalita at inayos muna ang kanyang sarili.

Si Sharon ang "tanging best friend na babae" ng barkadahannina Rudy, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Phillip Salvador. Kaya napakasakitdin sa kanya ang pagkawala ng itinuturing niyang pinakamalapit na kaibigan.

Narito ang kabuuan ng mensahe ni Sharon:

"Una kaming nagkasama ni Kuya Rudy noong 1993 nangmagkatambal kami sa Kung Kailangan Mo Ako ng Viva Films. Noon pa, nakita ko nakung gaano kaganda ang puso niya. Naroon ang sincere desire niya to serve, heinvested his time and efforts.

"Siya kasi ang pangulo noon ng Katipunan ng mga Artista ngPelikulang Pilipino [KAPP] at isa ako sa hiningan niya ng tulong para mabuonang husto ang samahan at sila ang itinuring kong mga best friends. At ayawniyang tawagin na ‘maliliit na tao' ang mga kasama niya sa industriya. Kayatalagang nagtrabaho siya para sa kanila, he is a man of few words but a man ofaction; he was always a peacemaker.

"Noon din kami uli naging friends ni Jinggoy dahil 13years old pa lang ako nang maging friends kami, pero pumasok ang pulitika. SiDaboy talaga ang nakiusap sa akin na tulungan ko sila, at one of the boys na akonoon sa kanila. But they treated me like a lady, ako ang muse nilang apat.

"Nag-office pa kami ng KAPP sa office din ng ReflectionFilms niya noon sa Greenhills. Hindinaman ako nawala, si Kuya Daboy ang nawala. Ang hirap humanap ng mga tunay nakaibigan, ang dami kasing plastic dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huli akong nag-attend ng party ni Kuya Daboy noongbirthday niya noong March 3. Dapat aysponsor ako sa kasal ng friend ni KC [Concepcion, her daughter] sa Hong Kong,pero hindi ako tumuloy. Mas pinili kong um-attend ng birthday niya.

"Nang makausap ko siya noon, ang impression ko, kaya niyangtalunin ang sakit niya. Pero si AteLorna [Tolentino], ang nag-a-update sa akin. Sabi ko, text na lang siya saakin, ayoko siyang kausapin kasi pareho kaming umiiyak.

"Nang umalis ako for our shooting [of Caregiver] saLondon, text-text lang kami ni Ate Lorna. Alam ko nang bumalik sila sa Statespara ituloy ang pagpapagamot ni Kuya Daboy doon. Pero four days after, bumalikna sila rito. Text ni Ate Lorna, didiretso na sila ng Cardinal Santos MedicalCenter, doon na raw itutuloy ang pagpapagamot sa kanya.

"Nang makabalik ako rito from London, in denial ako. Hindiko matanggap na wala na talagang lunas ang sakit niya. Pinadadalaw nila ako sahospital, pero ayoko. Hindi ko siya kayang tingnan na hindi iiyak. Ayaw niyakasing nakikitang umiiyak ang mga dumadalaw sa kanya.

"Ang ganda-ganda ng regalo sa akin ng Diyos sa mulikong paggawa ng pelikula, pero hindi kumpleto dahil kay Kuya Daboy. Nung aalisna ako para sa premiere showing sa States, kinausap na ako ni Ate Lorna, niJinggoy, baka ako na lang daw ang hinihintay niya. ‘He wants to see you,' sabinila.

"Kaya noong May 29, kasama ko si Kiko [Pangilinan, Sharon'shusband], dumalaw kami. Pero hindi ako dumiretso sa room niya, sa room muna niAte Lorna. Doon ko iniiyak ang lahat, ‘tsaka ako nagpakita sa kanya [Rudy].

"Nakita kong natuwa siya at sabi ko sa kanya,pagkalabas niya ng hospital, mag-shoot na kami ng movie. Kahit anong klasenglove scenes, gagawin namin. Nagkuwentuhan kami at ang last words ko sa kanya:‘I love you, wala tayong iwanan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From U.S., tumuloy na ako sa London at mga textmessages na lang ang tinatanggap ko. Sunud-sunod ang screenings ng Caregiverdoon at parang nasa Cloud 9 ako sa mainit na pagtanggap sa movie doon.Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa flight for Rome nang mapansin ko ang mgamissed calls, ayokong basahin, kahit text messages. Until nakita kong maymessage si Jinggoy at iyon ang binasa ko. Sabi niya, ‘Mare, wala na."'Parang hindi ko maisip na pagbalik ko, may dadalawin nga ako pero hindi namagre-react.

"Nag-decide na akong umuwi ng Pilipinas from Rome. Walangbakante para ma-rebook ang flight ko, nasa waiting list ako. Nang finally mayavailable flight, pero sa Thai Airways, iniwanan ko na ang secretary ko at angiba ko pang kasama. Sa Cathay kasi sila naka-book ng flight. Nauna na akongumuwi, kahit mag-isa lang ako.

"Ate Lorna, hindi kita iiwanan. Narito lang kamipara sa iyo. Kuya Daboy, hindi ko iiwanan si Ate Lorna. Please continue yourpresence felt, pero 'wag masyado, kay Jinggoy na lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN