Former President Joseph Estrada remembers Rudy as "pinakasinsero at pinaka-may puso sa mahihirap"

Jun 12, 2008
"Mabait siya hanggang sa nag-artista, sumikat. Naging very humble pa rin siya... Hindi ko maitiis na nakikitang naghihirap si Daboy," reveals former President Joseph "Erap" Estrada who knew Daboy since he was five years old.

Nagbigay ng kanyang mensahe si ex-President Joseph Estrada sa The Buzz noong Linggo hinggil sa kamatayan ng action star na si Rudy Fernandez. Inalaala ni Erap ang pagkakataon na una silang nagkasama ni Daboy.

"Siguro kayong lahat hindi n'yo pa kilala si Rudy, kilala ko na ‘yan...ah, five years old pa lang ‘yan. I'm very close to the family. Alam ninyo naman naging artista ako nung father niya, ‘yung, Sampung Libong Pag-ibig.

"At that time, lagi ako sa bahay nina Rudy sa Mandaluyong. Mga five years old pa lang si Rudy noon, kaya kilang-kilala ko si Rudy at alam ko, napakabait na bata niya noong araw. Kaya nung nag-artista na siya, isinama ko pa siya sa aking isang pelikula na ang title ay Counter Kill [1975]. Doon kami nagkausap nang husto.

ADVISER TO DABOY. "Marami rin akong ibinigay na tips sa kanya. Nakikinig lang si Rudy. Kaya ako'y tuwang-tuwa sa kanya at later on naging...nakita ko rin siya na may leadership. Kaya hinikayat ko siya na tumakbo na maging Presidente ng Actor's Guild.

Continue reading below ↓

"‘Tsaka later on naman nakita niya yung mga kapwa niya na tipo niya na kasabay niyang artista na sina Bong [Ramon Revilla Jr.], sina Lito Lapid bago tumakbong ano... kamukha ni Senador Bong Revilla, bago pumasok sa pulitika, ako ang kinunsulta niyan. Ganun din si Lito Lapid. Huling-huli si Daboy.

"Sayang nga. Nakapanghihinayang dahil, ah...nakita ko, siya ang pinakasinsero at siya ang pinaka-may puso sa mahihirap. Matagal kaming nag-usap. Pagkatapos sabi ko, sige susuportahan kita all the way kapag kumandidato siyang senador. Kaya nga lang medyo hindi naging maganda ang nangyari.

"Ako ay sapilitang bumaba bilang pangulo nung siya'y tumakbo bilang Quezon City mayor. Siguro kung hindi ako pinababa siguradong panalo siyang mayor sa Quezon City. Nakakapanghinayang at masasabi ko na siya ang the best Mayor that Quezon City will ever have. Kaya lang hindi nagkaroon ng pagkakataon. Sinawing-palad nga na ako'y bumaba bilang pangulo. Pero alam ko na ang puso't damdamin niya ay totoo. He's a very humble man. Mabait, soft-spoken. Yun ang pagkakakilala ko kay Daboy."

Continue reading below ↓

DEPRESSED ERAP. Ikinuwento rin ng dating presidente ng Pilipinas ang kung gaano siyang nalungkot at naapektuhan sa kinahantungan ni Daboy bago ito pumanaw.

"Siguro alam ni LT [Lorna Tolentino] ‘yan kahit nung gising pa si Daboy. Nung malakas pa siya, pinuntahan pa nga ako nung birthday ko dito nung April 19 kasama si LT. Kaya ako'y malungkot na malungkot.

"Nade-depress ako kapag nakikita ko siya nung una kong binisita ko siya. Lungkot na lungkot ako dahil maliit pa siyang bata ay kilala ko na. Mabait siya hanggang sa nag-artista, sumikat. Naging very humble pa rin siya. Kaya ano e, nade-depress ako kapag nakikita ko na may sakit siyang ganun.

"Kaya nung two days before his death nandun ako sa bahay nila sa White Plains. Kasama ko si Jinggoy at nandun yung ibang artista, sina Pip [Tirso Cruz III]. Nagkikita-kita kami doon. Nakita ko nga na hindi na halos makausap si Daboy at ako'y lalong nalungkot noon. Hindi ko maitiis na nakikitang naghihirap si Daboy," pagtatapos ni Erap.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mabait siya hanggang sa nag-artista, sumikat. Naging very humble pa rin siya... Hindi ko maitiis na nakikitang naghihirap si Daboy," reveals former President Joseph "Erap" Estrada who knew Daboy since he was five years old.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results