Bianca Gonzalez defends friend Mariel Rodriguez against abortion rumor

by Julie E. Bonifacio
Jun 12, 2008
"Parang her values and ano...hindi niya mati-take na magawa ang bagay na yun," says Bianca Gonzalez (right) about her friend Mariel Rodriguez (left) who is rumored to have undergone abortion.

Naging laman ng tsismis kamakailan sa isang newspaper na nagpa-abort daw ang TV host na si Mariel Rodriguez. Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Mariel tungkol dito.

Pero kahapon, Miyerkules, June 11—sa launching ng Back 2 Books ng pinagsamang puwersa ng youth-oriented talk-show sa Studio 23 na Y Speak and the office of Senator Francis "Kiko" Pangilinan in cooperation with Help Kids Learn Project—na-korner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng programa na si Bianca Gonzales tungkol sa isyu ng abortion na ibinabato sa kaibigan niyang si Mariel.

SURPRISED AT THE NEWS. "Actually, nagulat ako because, yun nga, I host Cinema News on Cinema One and nagbo-voice over ako on a Thursday at yung unang-unang binoys-over ko, ‘Mariel, nagpa-abort!'

"Tinext ko agad si Mariel kasi nagulat ako talaga. Sabi ko, ‘Huh? Ano ‘to?' ‘Tapos sabi niya, ‘Well, let's face it, ganyan, ganyan...'

"So, I know naman Mariel and yun nga, she makes a joke out of it sa akin. Pero sa totoo nga lang naman, live siya sa Wowowee, live siya sa [PBB] Uber. Nag-Hawaii man siya, trabaho rin talaga yun. So, kailan pa talaga siya magkaka-time para mag-recover mula sa isang bagay na ganun?

Continue reading below ↓

"And knowing her talaga, wala sa... Parang dapat pa nga hindi umabot sa puntong yun kung may time siya or hindi. Parang her values and ano...hindi niya mati-take na magawa ang bagay na yun," pagtatanggol ni Bianca kay Mariel.

Itinanggi ba sa kanya ni Mariel ang tsismis na nagpa-abort siya?

"Of course, yes. Actually, she didn't have to kasi parang obvious naman na hindi totoo."

MARIEL''S REACTION. At ano naman ang reaksyon ni Mariel noong lumabas ang tungkol sa pagpapa-abort daw nito?

"Well, kasi she found about it earlier than I. I told her Thursday na, e. She found it siguro mga Tuesday. She found out about it sa tabloid or something. I don't know.

"But knowing her, siguro natawa siya na na-hurt na kung paano nangyari yun. Siguro mixed reaction. But by the time na kausap ko siya, okey na siya. Parang pinagtawanan na lang talaga niya."

Bilang kaibigan ni Mariel, ano'ng support ang binigay niya sa co-host niya sa Pinoy Big Brother at Entertainment Live!?

Continue reading below ↓

"Well, I got to talk to her right away. But then, by that time okey na siya, so, no need for any comforting kasi parang at peace na siya," tapos ni Bianca.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang her values and ano...hindi niya mati-take na magawa ang bagay na yun," says Bianca Gonzalez (right) about her friend Mariel Rodriguez (left) who is rumored to have undergone abortion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results