Lorna Tolentino showed courage and composure until the very end

by Nora Calderon
Jun 12, 2008
"Alam ko, ramdam ko, hawak mo ako ngayon, kaya hawak-kamay tayo tulad noon. Please guide me, be my angel, be our angel. Ikaw ang aking anghel sa langit. I love you so much. Please wait for me, until we meet again," was Lorna Tolentino's message to husband Rudy Fernandez who was finally laid to rest this afternoon.

Larawan ng courage and composure ang aktres na si Lorna Tolentino sa necrological service para sa kanyang yumaong asawa na si Rudy Fernandez kagabi, June 11, sa Heritage Park, kung saan nakaburol ang aktor.

Kahanay ni Lorna sa front row ang mga anak nila ni Rudy na sina Renz at Ralph, ang stepson niyang si Mark Anthony Fernandez at ang asawa't anak ng young actor. Nasa likuran naman nila ang dating live-in partner ni Rudy at ina ni Mark na si Alma Moreno, si Sharon Cuneta (joined later by husband Sen. Kiko Pangilinan), at ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres.

May mga pagkakataon na nangingiti si Lorna sa mga kuwento ng mga nagbibigay ng eulogy sa kanyang asawa, ‘tulad na lang kapag nababanggit ang tungkol kay Alma, na una siyempreng nakilala ng mga kaibigan nila ni Rudy.

JINGGOY'S TALE. Natawa rin ang aktres sa mga kuwento ng mga kaibigan ni Daboy na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Phillip Salvador, lalo na yung takot nila ba baka dalawin sila ni Rudy.

Continue reading below ↓

Nagkuwento nga si Jinggoy na nagparamdam na raw sa kanya si Rudy last Tuesday evening, June 10. Habang papunta raw siya sa burol ni Rudy, binuksan niya ang window ng kotse niya at nanigarilyo muna siya. Pagkatapos niyang isarang muli ang car window, maya-maya lamang daw ay bumukas at sumara ulit iyon kaya sinabihan niya ang driver niya na huwag paglaruan ang car window. Pero sagot daw ng driver sa kanya ay wala siyang ginagawa.

Nakiusap pa si Jinggoy kay Rudy na kung mayroon pa raw siyang hindi naibilin sa kanya, sabihin na lamang kina Bong at Ipe para sila na ang magsabi sa kanya. At nagkatawanan din nang sabihin ng senador na: "Mareng Lorna, huwag ka nang magpapaligaw. Sabi rin ng tatay ko [former President Joseph Estrada] na huwag ka nang mag-aasawa."

LORNA'S MESSAGE. Ilang beses binigyan ng standing ovation si Lorna ng mga dumating sa necrological service dahil sa ipinakita nitong katatagan sa mga panahong nakikipaglaban si Rudy sa cancer.

Continue reading below ↓

Maikli lamang ang pahayag ni Lorna nang siya naman ang nagsalita sa harapan.

"Ang hirap na wala ka na, kaya please help me, please hold my hand," sabi ni Lorna. "Mahirap ang maging ina at ama sa mga anak mo, kaya pakidagukan mo sila kung hindi nila ako susundin, lalo ngayon na kumplikado ang buhay. Alam ko, ramdam ko, hawak mo ako ngayon, kaya hawak-kamay tayo tulad noon. Please guide me, be my angel, be our angel. Ikaw ang aking anghel sa langit. I love you so much. Please wait for me, until we meet again."

LORNA WILL COME HOME. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lorna habang papunta ito sa VIP room para harapin ang iba pa nilang mga bisita, natanong siya kung totoong hindi pa siya uuwi sa bahay nila sa White Plains pagkatapos ng libing.

"No, uuwi kami sa bahay namin," nakangiti niyang sagot.

Mas nabigyan ng sagot ang katanungang iyon nang muling ma-interview si Lorna kaninang umaga, June 12, sa sabay na live coverage ng SiS ng GMA-7 at Boy & Kris ng ABS-CBN. Nangyari ito dahil na rin kay Rudy.

Continue reading below ↓

"Nang malaman kong may live coverage before the interment of Kuya Rudy, nag-volunteer na ako kay Ma'am Cory [Vidanes] na ako na lamang ang pupunta rito," sabi ng co-host ng Boy & Kris na si Kris Aquino. "And I'm doing this for you, Ate LT, at kay Kuya Daboy, dahil napakabait niyang tao at wala akong narinig na masama sa kanya."

Tinanong ni Kris si Lorna kung ano ang naramdaman niya sa pagkawala ni Rudy.

"Alam ko namang ipinahiram lamang sa akin si Rudy. Ang Diyos ang totoong may-ari sa kanya at kinuha na Niya," maramdaming sagot ni Lorna.

"Uuwi ka ba sa bahay ninyo, o aalis ka raw?" tanong ni Kris.

"Yes, uuwi ako sa bahay namin," sabi ni Lorna. "Siguro I will pause muna for a while, pero dito lang. Kailan ko pa ba ‘yon haharapin? Ngayon na. Kahit ako mag-iiyak, magsisigaw, bahay ko ‘yon, walang makikialam sa akin. Marami pa akong gagawin."

Continue reading below ↓

Medyo light naman ang interview ni Gelli de Belen for SiS at nagawa niyang mapatawa si Lorna, na kasama rin ang manager nitong si Lolit Solis. Kinumusta ni Gelli si Lorna tungkol sa mga anak na sina Ralphe at Renz.

"Graduate na si Ralphe ng film directing sa Ateneo University at gusto niyang behind the camera siya, gusto niyang magdirek. Si Renz ang mukhang papunta na sa pag-aartista. Kung mapapansin ninyo, parang si Rudy siya [Renz] kapag nagsasalita.

" Si Mark Anthony, hindi siya failure ng papa niya," patuloy ni Lorna. "Isa siyang great achievement ni Rudy, lalo na ngayon na nakikita sa kanya ang pagbabago pagkatapos ng mga pagsubok at ang husay niya sa acting."

Tulad ng tanong ni Kris, tinanong din ni Gelli si Lorna kung totoong aalis siya at hindi na uuwi sa bahay nila sa White Plains.

"Sa ngayon, mixed emotions pa ako. Medyo pumapasok na ako sa reality, kahit in denial pa rin ako paminsan-minsan. Siguro after the funeral, I'm going somewhere. I'm sure may sorpresa sa akin ang mga friends ko. Pero uuwi ako, kami ng mga bata, dahil marami pa akong dapat ayusin, marami pang ibinilin si Rudy na dapat kong tapusin," pahayag ni Lorna.

Continue reading below ↓

Sa huli ay nagpasalamat rin si Lorna sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya.

"No amount of words ang puwede kong sabihin bilang pasasalamat sa lahat ng mga kaibigan na sumuporta sa amin sa simula pa lang ng laban. Marami ring salamat sa mga fans sa pang-unawa ninyo, nang hilingin naming ihinto na ang pagpapasok sa inyo dahil gusto na rin naming magkaroon ng privacy at makapiling si Rudy sa mga natitirang oras bago siya dalhin sa huling hantungan. Maraming salamat," pagtatapos ni LT.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko, ramdam ko, hawak mo ako ngayon, kaya hawak-kamay tayo tulad noon. Please guide me, be my angel, be our angel. Ikaw ang aking anghel sa langit. I love you so much. Please wait for me, until we meet again," was Lorna Tolentino's message to husband Rudy Fernandez who was finally laid to rest this afternoon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results