Kim Chiu on Enchong Dee's plan to court her: "Bolero ‘yan! Di ako naniniwala!"

Jun 11, 2008
"Mabait si Enchong, masarap siyang kasama, okey naman siya as a friend pero kung may pag-asa ba siya? Di natin alam ‘yan. Ewan ko, ewan ko sa kanya," says Kim Chiu about Enchong Dee (inset, top). She feels closer with Gerald Anderson (inset, bottom), her partner in My Girl.

Sa pocket presscon ni Enchong Dee few weeks ago, he admitted how much she admired Kim Chui and his plan to court the young actress.

Ayon kay Enchong, di siya naniniwala sa sinasabing special relationship between Kim and Gerald Anderson dahil di naman niya nakikitang close o sweet ang dalawa sa isa't isa.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) had an interview with Kim recently in ABS-CBN, nagpahayag ang young actress na hindi siya naniniwala sa sinabing ito ni Enchong, lalo't wala naman daw move na ipinapakita sa kanya ang aktor na may balak nga talaga itong manligaw sa kanya.

"Si Enchong, bolero ‘yan. Ewan ko sa kanya. Di ako naniniwala sa kanya. Puro siya biro. Puro tawanan nga kami sa set. Puro biruan."

Dagdag na pinaliwanag pa ni Kim, hindi naman daw siya ang laging kasama ni Enchong nang magkakasama pa sila nito sa isang workshop ng ABS every Sunday mula pa noong January.

Continue reading below ↓

"Magkakasama kami sa isang workshop here in ABS every Sunday mula pa nung January at ang laging kasama ni Enchong ay si Empress [Schuck] at hindi ako."

Wala rin daw espesyal na pinapakita sa kanya ang aktor. Pati nga raw sa minsang communication nila through texts ay walang personal na tanungan sa mga nangyayari sa buhay-buhay nila.

"Minsan nagte-text siya, ‘Uy, punta ka sa party ni Ganito?' Pero ganun lang. Wala yung, ‘Kumusta ka na? Ano ang ginagawa mo?' Walang ganun."

Nang tanungin namin kung may pag-asa ba si Enchong saka-sakaling manligaw ito sa kanya, di naman itinago ni Kim na nababaitan siya dito pero hindi siya nagbibigay ng malinaw na sagot kung may aasahan ba ito sa kanya o wala.

"Mabait si Enchong, masarap siyang kasama, okey naman siya as a friend pero kung may pag-asa ba siya? Di natin alam ‘yan. Ewan ko, ewan ko sa kanya."

Sa sinabi naman ni Enchong na di sila nakikita ni Gerald na close o sweet sa set ng My Girl, may paliwanag naman na ibinigay sa amin ang aktres.

Continue reading below ↓

"Oo, kasi magkahiwalay kami ng unit ni Gerald, ‘pag nagkikita kami. Ano lang, isang eksena lang sa unit na yun pero aalis na siya agad. Kami ni Enchong ang laging magkasama sa set."

But sa kabila ng sinabi ni Kim na sila ang laging magkasama ni Enchong sa set ng My Girl, pinili naman niya si Gerald na higit na mas malapit sa kanya dala na rin ng tagal ng kanilang pinagsamahan kumpara kay Enchong.

"Mas malapit sa akin si Gerald. Siya yung matagal ko nang kasama, si Enchong, every Sunday lang nung January, 'tsaka sa taping ng My Girl. Siyempre iba yung friendship na namin ni Gerald."

GERALD IS DOWN. Balita na bumagsak daw at ilang araw nagpahinga mula sa taping ng My Girl si Gerald dahil sa taas ng lagnat nito. Sa tanong namin kung every now and then ba ang pangungumusta at pag-a-update niya sa kalagayan ng kapareha, klinaro sa amin ni Kim na hindi niya tinatawagan ang kapareha dahil ayaw niyang makaistorbo dito.

Continue reading below ↓

"Hindi niya kinaya, bumagsak nga siya nung kinukunan yung reaction shots niya, sabi niya, teka lang daw tapos umupo na siya kasi dumilim daw ang paningin niya.

"Minsan nagte-text ako, pero di ako tumatawag kasi nandun naman yung handler niya. ‘Tsaka ayokong makaistorbo, nagpapahinga yung tao."

Marami ang pumupuri sa acting na ipinapakita ni Kim as Jasmin sa My Girl. May iba namang bumabatikos sa acting na ipinapakita naman daw ni Gerald as Julian at paminsan-minsang bulol daw na pagsasalita nito ‘pag nagda-dialogue. May depensa naman si Kim para sa kapareha.

"Mahirap kasi yung role niya as Julian, parang ginawa siyang sobrang matured pero ganun talaga ang role niya na masungit, strict. But let's give him chance and more time.

"Dun naman sa mga pumupuri sa akin, sobrang nakakatuwa kasi naa-appreciate pala nila. Nung una takot na takot ako kasi may mga negative na lumalabas na balita pero nung ipalabas na yung My Girl and sabi nila okey daw, natutuwa daw sila, dun naglubag ang loob ko."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mabait si Enchong, masarap siyang kasama, okey naman siya as a friend pero kung may pag-asa ba siya? Di natin alam ‘yan. Ewan ko, ewan ko sa kanya," says Kim Chiu about Enchong Dee (inset, top). She feels closer with Gerald Anderson (inset, bottom), her partner in My Girl.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results