Bianca Gonzalez happy even without an "inspiration"

IMAGE 0


"But I'm happy. Wala talaga [inspiration], but I'm happy. ‘Pag meron talaga,I will share it, definitely. Hindi sini-secret ang mga ganyang sobrang masayang bagay," says Bianca Gonzalez.



Kitang-kita angexcitement sa mukha ni Bianca Gonzalez sa launching ng "Y Speak: Back 2 Books"project, in partnership with the Office of Senator Francis "Kiko" Pangilinanand in cooperation with Help Kids Learn Project, noong Miyerkules, June 11, saShakey's Tomas Morato, Quezon City.

"Isa siyang bookdrive kung saan puwedeng mag-donate kahit sino—bata na high school, college, orgrade school or parents na may mga lumang libro na hindi na nagagamit. Ibibigaydito and then kapag enough na ang books na makuha namin, ibibigay na saBarangay Bagong Silang," lahad ni Bianca nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

It will be the firstpublic library sa Barangay Bagong Silang sa Caloocan City.

"Apparently,according to the office of Senator Kiko Pangilinan, ito yung poorest barangay in thecountry. Imagine, one million sa isang barangay at wala man lang silang publiclibrary. So, ito yung first ever na magiging public library. In a few months,hopefully, matayo na."

Si Senator Kiko rawang nag-suggest sa kanila kung saang barangay ilalagak ang mga librong makakuhanila sa "Back 2 Books" project nila.

"Actually, nungin-approach ko nga sila ng Y Speak about it, I think because the senator ngacame there recently... Yun nga, naghahanap sila ng project na puwedeng gawin doon‘tapos biglang, ayun, doon nagsimula yung buong project," kuwento ni Bianca.

BIANCA ON KC. Hindi kaya silamaintriga ni Senator Kiko since siya ang stepdad ni KC Concepcion, na na-linkdin sa dating boyfriend ni Bianca na si Lino Cayetano?

"No problem, kasinga, like Ms. George said from the office of Senator Kiko, ever since Y Speakstarted, every time kailangan namin ng interview or support for any project,he's very, very supportive."

Ito rin kaya angmaging daan para magkatrabaho sila o magkasama man lang ni KC?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malay natin, oo,"very positive na pagtingin ni Bianca.

Welcome ba sa kanyana makasama si KC?

"Of course, ofcourse, definitely! Not a problem at all, lalo na everybody knows kung gaanokalakas ang hatak ni KC with all the young people, so definitely," sabi niBianca.

Paano kungintrigahin sila ni KC dahil kay DirekLino?

"Ay, hindi!" bulalasniya. "Wala yun talaga sa amin. I'm sure kahit if you'll ask her [KC], wala rinsa kanya yun."

LONGER HAIR. That afternoon,napansin naman namin ang bagong hairstyle ni Bianca. Nagpa-hair extension siBianca, abot na halos sa kanyang puwet. Bakit niya naisipang magpahaba ng buhok?

"E, basta,"natatawang sagot niya. "Kasi tapos naang Pinoy Big Brother [Teen] Edition Plus. Oo,kaya humaba siya. Tingnan ninyo naman, mukha na akong mermaid. Hindi, kasiactually, every bagong edition or tapos ng something, nag-iiba talaga kaming hair. In fact, si Toni this week, mag-iiba rin siya ng hair niya. So ako,imbes na maikli, humaba naman siya.

"Bakit sumobra anghaba? E, akala ko mermaid ako, e!" tawa niya. "Para maiba lang. Mas mataray ngasi Mariel [Rodriguez] kasi two days nga lang, short hair ‘tapos biglang anghaba na. Siya ang inspiration ko."

Hindi kaya may ibangdahilan kaya siya inspired?

"Hindi, ano lang,bored lang ako sa buhok ko? Oo, kasi, di ba, lalo na babae?"

Sabi nila kapagnagpapahaba ng buhok ang babae, may pinagpapahabaan.

"Tingnan natin kungmagkaka-effect ang pagpapahaba ng buhok ko," biro ni Bianca.

Alam na ba ni DirekLino ang bago niyang hairstyle?

"Ay, hindi!Actually, yesterday lang ito. Surprise nga sila [Y Speak staff] sa akin."

Obviously, bloomingsi Bianca habang kausap namin.

"Talaga? Kahit maypimple ako?" tawa niya. "Hindi ano, inspired sa work. Ang sarap kasi parangevery day you do, kunyari showbiz show or PBB, pero on the side, makakagawa ngcampaign na ganito kaganda napakalaking bagay din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIANCA ON LINO. May participation basi Direk Lino sa proyekto nila sa Y Speak?

"Ay, no. None atall. Kung aware siya? Baka hindi rin! Talagang effort lang ito ng Y Speak. Infact, from my barkada I'll be asking for books din," sabi niya.

Kumusta si DirekLino?

"Okey lang naman.Malayo siya," sagot niya.

Ayaw na bang bumalikng Pilipinas ni Direk Lino?

"Hindi naman yata. Ithink, I don't know though kung hanggang kailan siya doon [Singapore], but Ithink naman, lalo na't buong pamilya niya nandito, I think in the end babalikdin siya."

Hindi ba niyanami-miss si Direk Lino?

"Hindi, no time.Busy tayo with work."

For sure, may mgagirls na nami-meet abroad si Direk Lino. What about her? May boys din ba siyana nami-meet dito na interesado siya?

"Sana, pero hindi,e. Wala naman. Puro work, pero siyempre I get to enjoy time with my friends,with my family."

Nakikipag-date nasiya sa ibang guys?

"Oo, pero parangwala. Parang lahat ng tao dito sa Pilipinas taken!" tawa niya.

Biniro namin siBianca baka gusto niyang manawagan ng potential boyfriend habang wala saPilipinas si Direk Lino.

"Ay, wala! Hindinaman ako nananawagan. Huwag naman. Kung darating, darating," seryosong sagotni Bianca.

Lahat ng kasama niyasa showbiz talk show na Entertainment Live!—Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, andLuis Manzano—ay may kanya-kanyang inspirasyon na.

"Si Luis angsaya-saya! Lahat kami masaya."

Siya lang ang walangpartner dito?

"But I'm happy,"sabi naman niya. "Wala talaga [inspiration], but I'm happy. ‘Pag meron talaga,I will share it, definitely. Hindi sini-secret ang mga ganyang sobrang masayang bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN