Gabby Concepcion still waiting for chance to see ex-wife Sharon Cuneta

Jun 14, 2008
"Nagkausap lang kami noong bago ako umuwi. Pero ngayon, hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, ang dami nang lumalabas," says Gabby Concepcion about ex-wife Sharon Cuneta.

Muling humarap sa entertainment press si Gabby Concepcion sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, kahapon, June 13, para sa isang pocket presscon na ibinigay sa kanya ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano.

Gabby, who is now busy again with his acting career, just started taping for his first-ever soap opera, ABS-CBN's Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto.

Aminado si Gabby na mayroon siyang ibang energy sa taping dahil matagal ding hindi niya ito nagagawa.

"Okey! Enjoy! Ang sarap, ganado ko dahil kararating ko lang. Siyempre sa ngayon, enjoy pa, ganado pang dumating sa set, e. In fact, dumarating ako sa set an hour before the schedule," natatawang kuwento ni Gabby.

Nagkaroon ng pagkakataon si Gabby na muling makausap ng ilang press people, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), noong nag-pack-up ng taping nila dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.

Ayon pa kay Gabby, nag-e-enjoy siya sa iba't ibang location nila. "Meron kami sa Alfonso, Cavite, meron din sa Batangas...kay Governor Leviste na resort. Meron din sa Laguna. Puro out of town kaya maganda para makita ko rin ang buong Pilipinas, especially Batangas area dahil matagal ko rin itong na-miss."

Continue reading below ↓

Isang tagapagtanggol ang role ni Gabby sa Iisa Pa Lamang.

FROM GRETCHEN TO CLAUDINE. Although ngayon lang niya nakatrabaho si Claudine, okey naman daw agad ang working relationship nila.

"Para kong nakikita si Gretchen [Barretto, Claudine's eldest sister], magkamukha sila, e. In my opinion ha, magkamukha sila. Magkaiba sila, of course, pero may similarity sila. ‘Tapos, nakikita ko pa ang mga billboard nila," sabi ni Gabby.

When asked kung sino naman sa palagay niya ang mas magaling umarte sa magkapatid na Gretchen at Claudine, safe ang naging sagot ni Gabby.

"Magaling silang pareho, oo...Kung sabagay, matagal ko na rin namang hindi nakikita si Gretchen na umarte at si Claudine ang nakikita ko ngayon. Ibang kalibre. Kumbaga, parehong baril, pero magkaibang kalibre," paglalarawan ng aktor.

CONTROVERSIAL ENDORSEMENT. After mai-launch ni Gabby bilang bagong endorser of Lucida-DS and Vaniderm, tila mas malaking isyu pa ang lumabas bukod sa pagkakakuha sa kanya ng kumpanya. Yung credibility naman ng product ang naging at stake dahil sa report ni Korina Sanchez na hindi eksaktong 500 mg gluthathione ang content ng Lucida-DS.

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP si Gabby bilang endorser ng produkto kung ano ang reaction niya sa lahat ng ito.

Aniya, "Sa totoo lang, ayokong makialam dahil siyempre, hindi ko naman linya ‘yan. Actually, simple lang naman ang lahat ng bagay kaya hindi na dapat gawing complicated."

Ibinato namin kay Gabby ang comment ng ilan na parang mahirap daw makita sa kanya ang totoong effect ng product na ini-endorso dahil natural naman ang pagiging maputi ng aktor.

Nangiti si Gabby nang marinig ito, pero aniya, "Well, kapag iniinom ko naman kasi, ewan ko ha...kasi yung pagputi naman daw, side effect lang daw yun. Pero yung purpose niyang talaga, for your health benefit. Hindi naman kasi na porke't maputi ka, healthy ka. Of course, side benefit na lang yun."

NO REGRETS. Halos magta-tatlong buwan pa lang siya ulit sa Pilipinas, pero ayon kay Gabby, wala raw siyang pagsisisi sa naging desisyon na muling bumalik sa bansa.

Continue reading below ↓

"Ako naman, I go with the flow. Kahit pa anong gawin sa akin, nakatayo lang ako rito, di ba? Kung nakatayo ako, nakatayo ako. Kung babarilin ako, babarilin ako, sasaluhin ko lang. Hindi rin naman ako nagsusulat para sumagot.

"Wala naman akong gustong sabihin para makasakit ng tao. Pero yun nga lang, kahit wala kang gustong sabihin, meron pa rin," napapailing niyang sabi. "Pero sabi ko nga, ako, trabaho lang ako, bigyan n'yo ako ng trabaho at tatrabahuhin ko lang."

Thirteen years nanirahan sa U.S. si Gabby. Wala ba siyang nami-miss sa buhay naman niya sa ibang bansa?

"Meron...Yung walang intriga!" natatawang tugon niya.

THE EX-WIFE. Naitanong din ng PEP kay Gabby ang nakaraang burol at libing ni Rudy Fernandez sa Heritage Park. Dalawang beses nagpunta si Gabby, isa noong burol at pumunta rin siya sa libing noong June 12. Pero parang sinadya o nagkataon lang ba talaga na ni isang beses sa mga ito ay hindi sila nagkasabay ng ex-wife na si Sharon Cuneta?

Continue reading below ↓

"Nandoon ba siya?" ang sagot-tanong naman agad ni Gabby. "Hindi ko nakita...hindi ko nakita. Nandoon ako two nights ago before ilibing and yung mismong burial. Pero hindi kami nagkita."

Sa tono ng pananalita ni Gabby, tila gusto niyang magkita sila.

"Well, hinihintay ko nga, e. Para at least, nandoon na. Kung magkita man kami, siyempre lalapitan ko. Kung ano lang ang normal. Siyempre, ang una kong sasabihin siguro, ‘hello,'" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "Pero siguro kung magkita man kami, magiging spontaneous siguro. Bahala na lang kung ano ang mangyayari.

"Nagkausap lang kami noong bago ako umuwi. Pero ngayon, hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, ang dami nang lumalabas," ani Gabby.

MEMORIES OF DABOY. Tungkol naman kay Rudy Fernandez, sinabi ni Gabby na malaki ang naging partisipasyon ng namayapang aktor sa pagbabalik niya sa Pilipinas.

Kuwento niya, "Alam n'yo noong araw, akala ko si Rudy magdidirek! So, sabi ko pa sa kanya, ‘Pare, kapag nagdirek ka, gusto ko ako ang una mong artista.'"

Continue reading below ↓

Pagbalik daw ni Gabby sa Pilipinas, nagkita sila nang dalawin niya sa hospital si Rudy. "Actually, nagkita pa kami sa States. At kaya rin kami nagkakilala ni Mommy Rose [Flamiano, ang tumatayong manager ni Gabby]. Kasama siya nila Rudy at Lorna noong October [2007].

"Kaya ako, naniniwala na lahat ng bagay, may dahilan. Si Daboy ang nagpakilala sa akin kay Mommy Rose. Supposedly at that time, may classmate ako na nagpakita sa akin ng facility at may balak sana kaming magtayo ng Max's Fried Chicken. E, at that time rin, dumating si Daboy, Lorna at Mommy Rose, meron silang pino-promote at may simbahan silang pupuntahan," lahad ni Gabby.

Ayon pa kay Gabby, buong-akala pa raw niya nang ipakilala ng mag-asawa sa kanya si Mommy Rose na may-ari ng FLT, ang naturang acronym stands for Fernandez, Lorna Tolentino.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagkausap lang kami noong bago ako umuwi. Pero ngayon, hindi pa...hindi pa. Kaya nga, ang dami nang lumalabas, hindi ko pa sinasabi, ang dami nang lumalabas," says Gabby Concepcion about ex-wife Sharon Cuneta.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results