Dingdong Dantes confident that endorsing brandy won't taint his image

Jun 14, 2008
"Ang advertiser, ina-associate nila ang image ng produkto sa magdadala ng product. Like on my case, hindi naman ako kumbaga nag-create ng separate image ko just to attract a brand new product. Naging ako lang at nagkataon na may hinahanap sila na kapareho ko," explains Dingdong Dantes about endorsing Gran Matador Brandy.

Inliunsad bilang kauna-unahang celebrity male endorser ng Gran Matador Brandy ang young actor na si Dingdong Dantes kagabi, June 13, sa Plaza Ibarra sa may Timog Ave., Quezon City.

Para kay Dingdong, very thankful siya na dumating sa kanya ang ganitong endorsement. He acknowledged at the start of the presscon kung gaano siya ka-thankful sa lahat ng mga nangyayari sa kanyang career ngayon. Kung paano pawang magaganda ang nangyayari since Marimar, then Dyesebel, at ang sunud-sunod na endorsements na dumarating sa kanya.

Obviously, kahit ipinakita ni Dingdong ang kanyang daring side when he accepted Bench Body, wholesome pa rin ang image ni Dingdong sa karamihan. Ang tanging concern lang ng ilang entertainment press sa young actor ay kung hindi ba makakakaapekto sa wholesome image niya ang pag-endorse ng isang alcoholic drink tulad nga ng Gran Matador.

"Hindi naman," maagap niyang sagot. "It doesn't mean that when you are drinking, you are not wholesome. I don't believe na sobrang wholesome na rin yung ginagawa ko because yung mga roles ko, medyo nagma-mature na rin siya.

Continue reading below ↓

"Siguro, kasama na rin sa ilang roles ko yung drinking part din, so I'm not really conscious about being branded as that. Ako naman kasi, what you see is what you get. Kung sino ako at ano ang pagganap ko, yun talaga ako," paliwanag ni Dingdong.

Definitely, wala raw pagdadalawang-isip sa kanya when the product was offered to him. "Para sa akin, it's a blessing. Kumbaga, gusto ko talaga at naniniwala ako sa produkto. Nagkataon talaga na kinuha nila ko as endorser. So siyempre ako, gustung-gusto ko ang opportunity. So automatically, I grabbed it.

"At saka ang advertiser," patuloy ni Dingdong, "ina-associate nila ang image ng produkto sa magdadala ng product. Like on my case, hindi naman ako kumbaga nag-create ng separate image ko just to attract a brand new product. Naging ako lang at nagkataon na may hinahanap sila na kapareho ko.

"At siyempre, nagpapasalamat ako na kinuha nila ako at na-appreciate nila kung sino talaga ko on and off-cam. Para sa akin, it's very flattering. Siyempre, it shows credibility on my side, nagtitiwala sila."

Continue reading below ↓

Idinagdag din ni Dingdong na bago pa man siya kunin bilang endorser ay umiinom na raw talaga siya ng Gran Matador. Hindi rin ikinakaila ng young actor na umiinom siya paminsan-minsan to relax and to celebrate.

MORE AND MORE ADS. Halos lahat ay magaganda at masasabing "grand" ang nagaganap ngayon sa career ni Dingdong. Hindi maitatanggi na sa hanay ng male actors ngayon, si Dingdong ang isa sa pinaka-in demand na endorser. Sa buwang ito, another TV commercial featuring Dingdong will come out soon.

And as PEP (Philippine Entertainment Portal) heard, more will come sa pagpasok ng mga susunod na buwan.

Sa lahat ng pangyayaring ito, hindi maiwasang may naiinggit or nai-insecure sa kanya. Pero ayon nga kay Dingdong, wala raw siyang alam tungkol dito.

Aniya, "Para sa akin, malaki ang industriya. Ayokong isipin. Kung iisipin ko man talaga, malaki ang industriya. So kung nangyayari man sa akin ang lahat ng ito ngayong gabi, I'm sure may nangyayari rin somewhere else or kahapon na equal din ang dating."

Continue reading below ↓

Gaya ni Dingdong ay in demand din bilang endorser ang kanyang katambal sa Dyesebel na si Marian Rivera. Pero sinabi ni Dingdong na walang kumpetisyon sa kanilang dalawa pagdating sa dami ng endorsements.

"Pagdating kay Marian, ang masasabi ko lang, I am her number one supporter dahil nakikita ko naman kung gaano siya mag-work. So I am really happy with what is happening to her," pahayag ni Dingdong.

BLIND ITEM. Bago pa man nagsimula ang presscon proper, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong ang tungkol sa isang blind item about an actor na minsan daw nalasing at nakipag-playtime diumano sa ilang girls sa isang fastfoods sa may Timog area. May sinasabi pang nag-middleman sa mga babae, though malinaw naman sa blind item na other than i-playtime raw ng actor ang girls ay wala na naman daw iba pang nangyari.

Bagamat blind item ang naturang report, obvious naman sa ibinigay na clue na si Dingdong ang tintukoy sa paggamit pa lang ng first name niya and how it is associated sa tunog ng doorbell.

Continue reading below ↓

In fairness to Dingdong, instead na i-deny, inamin niyang siya nga yung tinutukoy sa naturang blind item. Pero definitely raw ay mali ang kuwento.

Lahad niya, "I would say na ako nga yun and it was in Timog kung saan nag-burger kami. Late night or midnight na rin noon at hindi lang ako yung nandoon, I was with my cousin and my brother.

"What happened is that, yung kasama ko, gustong manghiram ng lighter. Pumasok yung mga girls, they are group of girls na...beautiful girls. So, nahihiya yung kasama kong manghiram kaya sabi ko, ‘Sige, ako ang magsasabi.' So, ganoon lang yun. Definitely, walang playtime na naganap or something. Because yung mga girls, they look beautiful and decent girls. At hindi ako lasing or anything.

"Afterwards nga, dumating din yung mga kasama nila, some are guys. And it so happened pa na yung isang guy, I know him pa. Nakasama ko or nakatrabaho ko na siya before. So, you know, it's purely healthy conversation," paglilinaw ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Bagamat nagulat na may ibang version na lumabas, after being in showbiz for 10 years, nasasanay na rin daw siya sa kahit anong isyu ang puwedeng lumabas or ma-create kaya hindi na rin daw siya madaling maapektuhan.

"And besides, the story is not true at all at may middleman pa raw. Definitely, that's not true," kaswal at cool na cool niyang sabi.
Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang advertiser, ina-associate nila ang image ng produkto sa magdadala ng product. Like on my case, hindi naman ako kumbaga nag-create ng separate image ko just to attract a brand new product. Naging ako lang at nagkataon na may hinahanap sila na kapareho ko," explains Dingdong Dantes about endorsing Gran Matador Brandy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results