Dingdong Dantes talks about investments and politics

by Julie E. Bonifacio
Jun 14, 2008
"Sa ngayon talaga, gusto kong mag-concentrate sa pag-aartista. Kasi it's a rare opportunity. Kumbaga, ang tagal kong hinintay ito, e. Gusto ko pagbutihan ko nang mabuti dahil ayokong dumating ang panahon na kapag tinalikuran ko siya, e, magsisi ako. Dahil alam ko there's so much to do, so many movies na pangarap kong gawin," says Dingdong Dantes.

Sunud-sunod ang major endorsements ng isa sa hottest actors today na si Dingdong Dantes. Kagabi, June 13, ay inilunsad naman si Dingdong bilang first male celebrity endorser ng Gran Matador Brandy.

"Napakagandang regalo para sa akin para sa parating na kaarawan ko on August 2. And after celebrating so many years in the industry, after the success ng mga programa ko na Marimar, Dyesebel, and all the other endorsements, I'm very thankful na nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita sa isang tagpuan," panimula ni Dingdong sa press launch Gran Matador sa Plaza Ibarra sa Timog Avenue, Quezon City.

Pansin ng iba, pawang panglalaking-lalaki talaga ang mga ini-endorse na produkto ni Dingdong, kung saan lumalabas talaga ang pagiging macho niya.

"Kasi naniniwala naman ako na the product will get an endorser for a specific reason and ako naman, ever since, wala naman akong itinatago sa sarili ko. Kung ano ako, yun ang nakikita nila and, for example, an alcoholic beverage. Ako naman, I admit naman that I enjoy drinking. So, siyempre, it's something that I won't fake. It's natural para sa akin," paliwanag ng young actor.

Continue reading below ↓

Naging madali ba yung pakikipag-deal nila with Gran Matador?

"Yes," mabilis niyang sagot. "In fact, ang Gran Matador ang isa sa mga unang naisara naming endorsement. It's even during Marimar pa. Nagkataon lang na ngayon lang siya lumabas."

Nakakalasing daw ang alak na ini-endorse niya. Lasing din ba siya sa pag-ibig?

"Ako, wala na ako... Sasabihin ko lang na wala na akong hihilinging iba. Kumbaga, I'm very satisfied with the drinking session," aniya.

What about on success in life? Lasing ba siya sa tagumpay?

"Mahirap kasi ‘pag sinabi mong lasing. Ibig sabihin may excess, may sobra. Hindi mo alam, wala kang control sa sitwasyon. Para sa akin, wala namang sobra sa maganda. Pero siyempre, kailangan pa natin in moderation. Alam mo kung paano i-handle. Maaaring maraming magagandang nangyayari, pero hindi maganda ang approach mo, di ba? So, sa akin, it's just enough and I'm thankful for what's there, and it's all that matters," pahayag ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Sa susunod na commercial daw ni Dingdong for Gran Matador ay may makakasama na raw siya.

"Babae siya," konting clue ni Dingdong. "May makakasama ako sa darating na isa pang version ng Gran Matador [commercial]. Artista rin siya."


Kapuso rin ba siya?


"Malamang," ngiti ni Dingdong. "But siyempre, I'm not allowed to divulge any information yet."


Would it be a problem kung taga-ABS-CBN ang makakasama niya sa isa pang version ng Gran Matador commercial?


"No! Hindi, hindi," tanggi niya. "Ang ganda nga noon, e, dahil minsan nagkakaroon ng produkto kung saan nagsasama yung magkabilang istasyon, di ba? Ang ganda nun, ang ganda nun," paulit-ulit na sabi ni Dingdong.


"At least nagkakaroon ng unity kahit sa labas ng network," pahabol niya.


FINANCIAL INVESTMENTS. Sa dami ng endorsements niya ngayon at sunud-sunod na projects sa GMA-7, ano na ang plano niya with regards to his financial investments? Magpapatayo ba siya ng bahay?

Continue reading below ↓

"Ano naman ako, e, I'm contented with what I have right now," saad niya. "Lahat ng mga basic sa buhay, e, na-establish ko na even long before. So, kung anuman yung maidagdag na lang ngayon, itatago ko na lang at pag-iisipan ko kung saan ko magagamit ng mas maganda. Siyempre, ‘eto na rin, meron pa akong isang gustong pasukin na business na hilig ko rin. Later on, baka ma-involve na ako doon."

Magpo-produce ba siya ng isang independent movie?

"[It's] one of those, and ako, I make sure na nilalagay ko sa tamang paraan."

Magtatayo raw siya at ang kasintahang si Karylle ng bagong branch ng Centerstage.

"Yes, Centerstage will soon open in Jupiter St. in Makati."

NO TO POLITICS. May balak din ba siya na pasukin ang pulitika?

"Never," sagot niya. "Siguro as of this point, ayoko munang isipan ‘yan. I choose to concentrate muna sa pag-arte. Like for example, sa bagay na ganun, ayoko muna siyang ipasok sa isipan ko. Ang hirap mag-concentrate ng maraming bagay kasi hindi ka puwedeng mag-succeed sa tatlo o apat na bagay nang sabay-sabay."

Continue reading below ↓

Lumalabas daw kasi ang pangalan ni Dingdong as one of the aspirants na most likely tatakbo for a public office sa susunod na halalan.

"Kasi ako, always active ako pagdating diyan even when I started. Always ‘yan, kumbaga, e, I served for the National Youth Commission sa Department of Youth Commission, couple of NGOs. Kumbaga, it's my way of giving back. Masaya ako kapag ginagawa ko yun. Kaya hindi siguro kataka-taka kung talagang lalalabas ang name ko.

"Sa ngayon talaga, gusto kong mag-concentrate sa pag-aartista. Kasi it's a rare opportunity. Kumbaga, ang tagal kong hinintay ito, e. Gusto ko pagbutihan ko nang mabuti dahil ayokong dumating ang panahon na kapag tinalikuran ko siya, e, magsisi ako. Dahil alam ko there's so much to do, so many movies na pangarap kong gawin.

"O, sabihin na lang natin na ang ginagawa ko will always be there. Kumbaga, kahit naman...and I do it every Christmas. I do it on my birthday. Nandun lang ‘yan. Huwag bigyan ng kahulugan," pagtatapos ni Dingdong.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon talaga, gusto kong mag-concentrate sa pag-aartista. Kasi it's a rare opportunity. Kumbaga, ang tagal kong hinintay ito, e. Gusto ko pagbutihan ko nang mabuti dahil ayokong dumating ang panahon na kapag tinalikuran ko siya, e, magsisi ako. Dahil alam ko there's so much to do, so many movies na pangarap kong gawin," says Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results