Gabby Concepcion wants to begin movie with GMA Films so he can start film with Star Cinema

IMAGE 0


"Kung siya, kung si Marian [Rivera] ang kukunin, walarin siyang oras. So, paano namin isisingit? Kaya dapat pag-usapantalaga. Kaya nahihirapan din because of the schedule," says Gabby Concepcion about his movie with GMA Films.



Biglang nagpatawag ng pocket interview ang manager ni GabbyConcepcion na si Mrs. Rose Flaminiano para sa aktor kahapon, June 13, sa SteakPlus Coffee Shop sa Timog Avenue, Quezon City. Na-cancel kasi kahapon ang tapingni Gabby para sa teleseryeng ginagawa niya para sa ABS-CBN kasama si ClaudineBarretto, ang Iisa Pa Lamang. May biglaan daw kasing changes sa production kayana-cancel ang taping.

Ibinalita naman ni Gabby na nakatakda siyang umalis ng bansasa August para sa ilang shows.

"May show kami sa Florida on August, may show kami saEurope, may show sa Canada. Ang dami-dami kong schedule, hindi ko alam kungsaan ko isisingit. So, importante kasi na ma-schedule yun ahead of timekasi kapag nag-umpisa na ang Iisa Pa Lamang, sunud-sunod yun.

"So in reality, I only have Tuesdays, Thursday, Saturdays, and Sunday to doanything. So, kung merong shows abroad it only has two days. Alis kami ngFriday kung makakaalis ng night, Saturday, Sunday," lahad ni Gabby sa PEP(Philippine Entertainment Portal).

MOVIE WITH GMA FILMS. Paano na ang gagawin niyang movie ng GMA Films kung saanpagsasamahan daw nila ni Marian Rivera?

"Kaya nga, e, choosy nga yung kay Marian [Rivera], e. Walasiyang masingitan na oras," medyo nadulas na sabi ng aktor.

Dagdag niya, "Kung siya, kung si Marian ang kukunin, walarin siyang oras. So, paano namin isisingit? Kaya dapat pag-usapantalaga. Kaya nahihirapan din because of the schedule."

Kung matutuloy ang pelikula niya with GMA Films, next yearna makakagawa ng pelikula si Gabby para naman sa Star Cinema.

"Sana nga matapos agad, pero hindi makakuha ng schedule samga artista. Ang gusto na lang ni partner [Mommy Rose] nga, e, yung naririnigko si Iza or si Marian. Hirap, ‘no? Marami silang sinasabi, pero hindi ko rinmaano," nalilitong sagot ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOUSE IN TAGAYTAY. Naikuwento rin ni Gabby na naghahanap na raw siya ng mabibiling bahay rito saPilipinas. Mas gusto ni Gabby na bumili ng bahay somewhere in Tagaytay dahilmalamig daw dun. Gusto rin daw niya ay open field dahil gusto niya itong gawingfarm at the same time.

"Gusto ko na parang rest house na maraming puno, manggahan,ganun," aniya.

So, ibig bang sabihin nito ay nagdedesisyon na siyang mag-settle na sa Pinasfor good?

"Sa ngayon, hindi ko pa iniisip yun," sagot niya. "Pero inthe meantime, habang nandidito ako, siyempre hindi naman ako nandirito lang na hindimag-e-enjoy, gusto ko naman na may quality time rin ako habang nandirito ako.Saka investment din ‘yan, after five years, iba na ang presyo niyan."

LAST TALK WITH DABOY. Kinumusta naman namin si Gabby sa libing ng aktor na si RudyFernandez noong Huwebes, June 12. Nabanggit ni Gabby na dinalaw rin niya si Rudy sa hospital noong nabubuhay pa ang aktor.

"Wala na akong ginawa kundi magpasalamat kay Daboy sa tuwingnagkikita kami. Kung hindi dahil kay Daboy at LT [Lorna Tolentino], hindi kamimagkikita ni Mommy Rose. Siya [Daboy] ang nagpakilala sa akin noong October2007 sa Hawaii."

Doon na raw nagsimula ang pag-uusap nila ni Mommy Rosehanggang sa heto na nga siya ngayon, naririto nang muli sa Pinas.

Tandang-tanda pa raw ni Gabby ang sinabi sa kanya ni Daboynang dalawin niya ito sa hospital without knowing na yun na pala ang hulingpag-uusap nila.

"Sabi niya, ‘Pare hindi, huwag kang magpasalamat sa akin,destiny mo ‘yan.' Yun ang sabi niya sa akin at hindi ko makakalimutan ‘yun,"kuwento ni Gabby.

RECONCILIATION. Naitanong din ng PEP sa kanya ang tungkol sa naikuwento niMommy Rose na plano ng The Buzz na pagbatiin sila ni Jobert Sucaldito thisSunday. Sabi ni Gabby, hindi raw niya alam ang plano na yun dahil hindi namandaw sila nagkakausap ng Channel 2 hinggil sa bagay na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaalam namin ay bati na sila ni Jobert, bakitmagbabati ulit sila?

"Hindi ko rin alam," saad ni Gabby. "Marami pa rin akonghindi naiintindihan sa showbiz. Although matagal na rin ako sa showbiz, matagaldin akong nawala pero hanggang ngayon, marami pa ring mystery."

AVOIDING SHARON QUESTIONS. Hindi rin puwedeng hindi maitanong sa kanya ang datingasawang si Sharon Cuneta. Tinanong namin siya kung napanood na ba niya angCaregiver na pinagbibidahan ng Megastar. Sabi niya, hindi pa raw at nakita langdaw niya ang trailer.


Totoo bang ayaw na niyang pag-usapan si Sharon?

"Hindi kasi, di ba, sabi nga ni Sharon, no more Gabbyquestions? Kasi baka sabihin ng tao, ginagamit, ganyan. So, pareho rin ako,ayoko namang sabihin ng tao na ginagamit ko siya. Kaya as much as possible,ayoko nang magsalita ng kahit ano kasi lalaki lang."

Pero hindi naman puwedeng mawala ang connection nila saisa't isa simply because they have a lovely daughter, si KC Concepcion.

"Ay, oo, never. Never forever. Kaya nga nagpo-promote rinako ng movie niya. Kapag ini-interview ako sa TV, biglang tatanungin yun, sasabihin ko, ‘Ay, oo ngapala, manood kayo ng ano ha?' Pinu-promote ko rin.' I'm a silent supporter,"pahayag niya.

KC & RICHARD. Nabanggit na rin lang si KC, ano ang reaksiyon niya sabalitang boyfriend na ni KC ang young actor na Richard Gutierrez.

"Ganun?" tawa ni Gabby. "Ewan ko. Nagkita naman kamini Richard kagabi [June 12], hindi naman niya ako tinawag na Dad," sabi niya nahindi mawari kung nagbibiro o seryoso ba si Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN