Gabby Concepcion reveals plan for Father's Day with his dad

Jun 15, 2008
"Open ang Sunday ko, wala akong taping, wala akong shooting, wala akong commitments. Unang-una, babalik ako sa sinabi ko na kaya naman ako nandirito, dahil kay Dad. So yung araw ngayon, ini-allot ko talaga para kay Dad," says Gabby Concepcion.

Thirteen years nawala sa Pilipinas si Gabby Concepcion at sa loob ng panahong 'yon, hindi nakasama ni Gabby ang mga anak niya, or even his own father, sa espesyal na okasyon tulad ng Father's Day. Now that he's here, isa raw talaga sa gagawin niya ngayong araw na ito is to spend the day with his dad, Rollie Concepcion.

"Ngayong Sunday [June 15], open ito," banggit ni Gabby. "Open ang Sunday ko, wala akong taping, wala akong shooting, wala akong commitments. Unang-una, babalik ako sa sinabi ko na kaya naman ako nandirito, dahil kay Dad. So yung araw ngayon, ini-allot ko talaga para kay dad."

Posible raw na out of town sila. "Gusto raw ng dad ko na mag-Tagaytay, so magta-Tagaytay kami."

Alam naman daw niyang may kanya-kanya ring pamilya ang ibang mga anak niya, like KC Concepcion na nasa Paris ngayon.

"Wala si KC, e. So, bahala na. I'm sure they have their own plan. Lahat naman kasi ng anak ko, may kanya-kanya na silang pamilya with their moms, so balik na lang ako sa dad ko, you know," pahayag ni Gabby, na may anak ding mga babae kina Grace Ibuna at Jenny Syquia.

Continue reading below ↓

"NAKAW NA SANDALI." As a father to KC, aminado naman si Gabby na kahit pareho silang nandito na sa bansa, halos puro mga panandalian lang daw ang mga pagkikita nilang mag-ama.

"Wala siya ngayon, e. Palagi nga naming pinagpaplanuhang mag-badminton. Schedule niya, okay; schedule ko, hindi. Kung ako naman ang okay, siya naman ang hindi," napapangiti na napapailing niyang sabi.

Dagdag niya, "Kaya nga yung sa amin ni KC, mga nakaw na sandali na lang. E, ganoon yata talaga"

Ano ang talagang naging saloobin niya bilang ama ni KC nang magpalit ng surname ang anak from Concepcion to Pangilinan, na siyang apelyido ng pangalawang asawa ni Sharon Cuneta na si Senator Kiko Pangilinan?

"Well, at that time kasi, she was below 18, so menor de edad siya. And probably, not her call. Pero kung ano ang mas makakabuti sa kanya, doon na lang din... Basta, nag-usap na kami on that," pahayag niya.

Continue reading below ↓

Hindi ba naging masakit yun bilang siyang tunay na ama ni KC?

Ngiti lang isinagot ni Gabby at ilang segundong hindi ito makaapuhap ng tamang salita. Minabuti na lang niyang huwag na lang magbigay ng komento.

GABBY'S OWN FAMILY. Kinumusta rin ng PEP kay Gabby ang asawang si Genevieve Yatco Gonzalez at ang kanilang baby daughter, ngayong sumunod na rin sila dito sa Pilipinas?

"Okey lang naman siya," sabi ni Gabby. "Sinabi ko naman sa kanila noon na, ‘Papasok ba akong muli ng showbiz? Merong mga offers, gusto niyo ba o hindi? Kung ayaw ninyo, hindi natin gagawin.' Lahat naman sila sa pamilya, very supportive."

"Kinonsulta ko rin ang pamilya [ni Genevieve]. I got their opinion. ‘I want you to be a part of it, you decide.' Hindi naman kasi sila showbiz. ‘There are offers, what do you think, what are the possibilities? Do you think we should accept it? Will it be something na okay, not just for me, but for the whole family?' May mga intri-intriga ‘yan. Sabi naman nila, ‘Okey lang ‘yan, ituloy mo lang ‘yan.'"

Continue reading below ↓

Sa nakikita naman ni Gabby, nakakapag-adjust na ang wife niya sa bagong buhay nila ngayon. At sa family ni Genevieve, parang si Gabby na rin daw ang tumatayong ama, in a way, sa mga ito.

"Yung family niya kasi, namatay na yung father niya. So puro sila magkakapatid. Puro pa mga babae! So, wala silang father figure. So, ako pa actually ang eldest sa kanilang lahat.

"Tinatanong ko sila, I get their opinion. Siyempre sila, magsasama-sama sila. Pag-uusapan nila kung ano ang makakabuti. Kung ano ang magiging okay. Okey naman sila, hindi lang talaga sila showbiz. But I guess, they are showbiz supporters naman. Karamihan ng mga kamag-anak niya sa States, meron silang TFC," lahad ni Gabby.

GABBY'S EX-WIFE JENNY. Lately, may mga balita lumalabas na ang ex-wife ni Gabby na si Jenny Syquia naman ay may planong umuwi rin sa bansa.

"Well, may nakapagsabi sa akin. Meron daw bag lines si Jenny at magnenegosyo siya. E, di okay! Subic naman is open. Everybody is welcome," aniya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Gabby, kung dumating man daw si Jenny at magkita sila, nasisigurado raw niyang makakaharap siya sa dating asawa. Balita kasi na isa si Jenny sa nag-file ng case against him because of their marriage.

"Wala naman akong isyu sa kahit na sino," sabi ni Gabby at nakiusap kay Jenny. "Kaya kung may problema man, kausapin n'yo na ako. Pag-usapan na muna nating mabuti. Huwag na muna nating idiyaryo, iti-TV or kung anumang...mag-usap muna tayo."

Aminado naman si Gabby na, sa lahat ng mga anak niya, wala silang komunikasyon ni Chloe, ang anak niya kay Jenny.

"Wala, e. sa kanilang lahat, sa kanya lang ako walang communication. Hindi ko pa siya nakikita. Siguro the last time I saw her, she was only three years old. By this time, I'm sure dalaga na rin siya," pagtatapos ni Gabby.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Open ang Sunday ko, wala akong taping, wala akong shooting, wala akong commitments. Unang-una, babalik ako sa sinabi ko na kaya naman ako nandirito, dahil kay Dad. So yung araw ngayon, ini-allot ko talaga para kay Dad," says Gabby Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results