PEP FORUM: Young stars recall most memorable moments with their fathers

by Rose Garcia
Jun 15, 2008
(Top, from left) Dennis Trillo, Mark Herras, and Dingdong Dantes; (bottom, from left) Pauleen Luna, Yasmien Kurdi, and Glazia de Castro share their most unforgettable moments with their dads.

Today, June 14, we are celebrating Father's Day. As a way of giving tribute to all fathers, we asked some celebrities about their most unforgettable moments with their dads, at pati na rin ang mga payo galing sa kanilang mga ama na nagiging gabay nila sa kanilang buhay.

YASMIEN KURDI: "Ang daddy ko kasi, ang gusto lang talaga niyang mangyari, yung makatapos daw ako ng pag-aaral. Kaya yun para sa akin ang best advice niya, na I should finish my studies daw no matter what, and that would make him really happy.

"Kung meron naman akong hindi makakalimutan sa dad ko, yung mga moments namin sa beach, especially noong bata pa ko. My dad is a good swimmer kasi, kaya palagi niya akong dinadala sa dagat."

MARK HERRAS: "Kapag Father's Day, napapansin ko na hindi naman ganoon kalaki ang celebration namin. Pero siyempre, like on my part, bumabati ako kapag Father's Day. Pero ako, thankful ako sa parents ko dahil palagi lang naman silang nandiyan. Yung daddy ko, advice niya sa akin na alagaan ko ang trabaho ko, iingatan ko yung sarili ko. At saka palagi rin niyang sinasabi na kahit na ano pa ang mangyari, huwag na huwag daw lalaki ang ulo ko."

Continue reading below ↓

PAULEEN LUNA: "The best advice that he gave me is to always look back at the people who helped me to be where I am today. And that I should be always grateful to them."

GLAIZA DE CASTRO: Si Tatay kasi, hindi siya yung masalita na tao. Kapag may gusto siyang sabihin sa akin, ipinaparating niya kay Nanay. Pareho kasi kami ng ugali ng tatay ko. Kapag naiinis siya sa akin, hindi niya yun ipapakita, tatahimik lang siya.Usually, kapag may gusto siyang sabihin, sasabihin niya kay Nanay at si Nanay naman yung magsasabi sa akin.

"On my part kasi, may time na siyempre, napapagod ka na sa trabaho, so minsan parang naiinis ako. Pero sinasabi niya sa akin na trabaho ‘to, dapat pahalagahan ko. Hindi naman daw lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong opportunity, so enjoy lang. At nagpapasalamat din ako, kasi sila ang kasama ko palagi. At kahit ako ang nagpo-provide ng financial needs namin, nandiyan lang sila para sa akin, guiding me at very thankful ako dahil hindi ako nawawala sa tamang direction.

Continue reading below ↓

JOROSS GAMBOA: Thankful ako dahil nandiyan lang palagi ang parents ko. Hindi sila yung magmamando sa anak, pero alam mong nakasuporta. With my dad, thankful ako dahil sa ginagawa niya for our family. At saka hindi ko makakalimutan sa daddy ko, yung mga time na naglalaro kami ng basketball at masasabi kong he's a good trainer pagdating sa basketball. Siya kasi ang nagturo sa akin kaya isa sa pinaka-love ko yung basketball talaga."

CHYNNA ORTALEZA: Hindi ko makakalimutang advice ng papa ko pagdating sa buhay. Di ba, dumating din naman ako sa point na kahit paano, nagkaroon ng frustrations sa career, sa relationship? Si papa, siya yung nagsabi sa akin na you can't expect things to always go your way. Instead of being negative, focus on yourself and your interest so you'll become a better person. Aside from that, isa rin sa itinuro sa akin ng papa ko yung love for reading.

Continue reading below ↓

"Kapag binibigyan ako ng book ni Papa, usually may dedication. Kapag alam niyang may problem ako, like before, binigyan niya ako ng book ni Meryl Streep, noong nakikita niya siguro na parang medyo frustrated ako sa nangyayari sa career. Then, may message na ang nakalagay, ‘Mama & I will always be proud of you.'"

DENNIS TRILLO: "Isa sa advice niya sa akin na hindi ko makakalimutan yung dapat daw magkaroon ng principle sa buhay at alagaan ang mga obligasyon."

DINGDONG DANTES: "My dad is one of those persons that I really look up to. Yung pagiging responsible niya at yung ipinapakita niyang suporta at pagmamahal sa family. At kung may isa man akong bonding moment namin ng dad ko, of course, everytime naman it's always special, pero siguro hindi ko makakalimutan when I was still a kid and we watched the movie Rambo."

KARYLLE: "Sa daddy ko, advice niya sa akin yung palaging maging thankful. Kasi dati, tingin niya, parang hindi raw ako nagpapasalamat or kulang...hindi naman sa kanya, kundi sa ibang tao. So, sabi nga niya, dapat daw kapag nagpapasalamat ako, mas pa sa ipinakita ko dahil baka raw hindi ma-feel na na-appreciate kung anuman ang naibigay or nagawa for me.

Continue reading below ↓

"Sa bonding moments, palagi naman kasi kaming magkasama since we live together. Pero yung nami-miss ko, yung nagba-basketball kami. Noong nag-SOP na ako, nawala na yun. E, di ba, dati, usong-uso noon yung The Father of the Bride [Hollywood movie starring Steve Martin]? Kapag nagba-basketball kami, parang in a way, nakaka-relate ako ro'n."

RAYMOND GUTIERREZ: "Yung dad ko kasi, tahimik lang ‘yan, e. But when he talks, we always talaga listen and yung mga advice na ginagawa niya, of course, is to enjoy our work. Ayaw niya kasi ng nagtatrabaho kami, ‘tapos hindi naman pala namin gusto ang ginagawa namin.

"So yung advice niyang talaga is to enjoy it and make sure that you will live your life to the fullest and don't waste any time. At yung mga travel namin together, yung mga bonding moments na hindi ko makakalimutan, and every time we go to Baguio since he has a house there. Binata pa lang siya, nasa kanya na yun. Yun talaga ang love niya. So, whenever we go there, nakakapag-bonding talaga."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top, from left) Dennis Trillo, Mark Herras, and Dingdong Dantes; (bottom, from left) Pauleen Luna, Yasmien Kurdi, and Glazia de Castro share their most unforgettable moments with their dads.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results