Ruffa Gutierrez calls her mom Annabelle Rama "superwoman"

Jun 15, 2008
"I'm proud that my mom is very hardworking. Hindi siya tulad ng ibang nanay diyan na naghihintay na lang na abutan sila ng mga anak nila na trabaho nang trabaho. Si Mommy, she knows na we're working hard, pero she works hard din. She's very maabilidad," Ruffa Gutierrez commends Annabelle Rama.

Magkasama for the first time ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa pelikulang My Monster Mom ng Regal Entertainment at GMA Films. Sa direksiyon ito ni Jose Javier Reyes.

Unang pagkakataon na aarte ang mag-ina sa isang malaking pelikula at tailor made daw ang mga role para sa kanila.

"My role here kasi, a daughter na lumaki sa New York," kuwento ni Ruffa. "Then one day, umuwi ako to look for her and shocked ako sa nakita kong personality ng mother ko. So you can just imagine ang mga scenes namin, di ba? Ang anak sosyal at may breeding, pero ang nanay palengkera at parating may inaaway na kung sino.

"But the movie is really funny and it will give lessons on mothers and their children. Na kahit ano pa ang sitwasyon ninyong mag-ina, a mother is a mother and she deserves respect from her children. Yun ang important lesson na matututunan nila from the movie."

Continue reading below ↓

Inamin ni Ruffa na naging rebelde siya noong teenager siya. May mga pagkakataon daw na alam niyang nasaktan niya both ang parents niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Pero dahil sa isang ina na rin si Ruffa ngayon, naiintindihan na niya ang pagtatanggol sa kanya ni Annabelle noon.

"I know that there are times na I really bought pain sa parents ko lalo na yung mga times na sumasagot talaga ako sa kanila. I was very young then at hindi ko alam bakit sila masyadong strict sa akin.

"I realize that now kasi may dalawang anak na ako. Ayokong isipin na one day sasagut-sagutin din ako nina Lorin at Venice. Naku, masasaktan talaga ako kapag nangyari ‘yon. Kaya learning experience sa akin ang mga nangyari sa amin ni Mommy noong araw. Kapag iniisip ko, nasasaktan talaga ako.

"Ngayon, mabait na ako. Malaki na raw ang ipinagbago ko noong maging parent na rin ako. Kaya I try to tell my kids na huwag silang sumagot ng pabalang sa magulang nila. They can reason out in a nice way at hindi yung nagsisigawan kayo!" sabay tawa ni Ruffa.

Continue reading below ↓

Proud nga si Ruffa sa kanyang ina dahil bukod sa nakabalik na ito sa pag-arte ay may sariling career din ito bilang manager ng ibang talents.

"Naku, I call her superwoman. Kasi sa isang araw, ang dami niyang kausap. In one hour yata, iba-ibang tao ang ka-deal niya. Nagugulat ako how she does it. She's juggling between shooting, getting taping schedules, and closing deals. Nakakabilib si Mommy.

"I'm proud that my mom is very hardworking. Hindi siya tulad ng ibang nanay diyan na naghihintay na lang na abutan sila ng mga anak nila na trabaho nang trabaho. Si Mommy, she knows na we're working hard, pero she works hard din. She's very maabilidad.

"Hindi siya yung tipong natutulog lang sa bahay ‘tapos biglang hihingi ng pera sa anak. She's not a burden to us, pero we give her what she wants naman kapag naglambing ‘yan. Ganyan namin siya kamahal because we know how much she loves and protects us," lahad ni Ruffa.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Ruffa Gutierrez, Annabelle Rama
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm proud that my mom is very hardworking. Hindi siya tulad ng ibang nanay diyan na naghihintay na lang na abutan sila ng mga anak nila na trabaho nang trabaho. Si Mommy, she knows na we're working hard, pero she works hard din. She's very maabilidad," Ruffa Gutierrez commends Annabelle Rama.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results