Christopher de Leon imparts lessons learned from Daboy's death

Jun 15, 2008
"You have to be at peace with yourself para ready ka. Sabi ko nga kay God, kapag kinakausap ko Siya, kung mamamatay ako, huwag na lang Niya akong padaanin sa mahabang proseso pa. Huwag na Niya akong pahirapan. Kung mamatay ako, mamatay na lang ako agad-agad," says Christopher de Leon.

Isa sa maituturing na naging tunay na kaibigan ng yumaong aktor na si Rudy "Daboy" Fernandez ay si Christopher de Leon. Noong burol ng labi ni Daboy sa Heritage Park ay isa si Boyet sa tumulong sa pag-iistima ng mga bisita na gustong magbigay ng kanilang pakikiramay sa pamilyang iniwan ni Daboy.

Sa sandaling iyon ay kinalimutan ni Boyet ang kanyang pagiging artista at ipinakita niya ang sincere na pagtulong sa biyuda ni Daboy na si Lorna Tolentino at sa mga anak nila.

"Kumpare ko si Daboy. Inaanak niya si Miguel. Inaanak ko naman si Mark Anthony. Marami kaming pinagsamahang pelikula, yung Bahay-Bahayan..., Isang Libo't Isang Kasalanan.

"Barkada namin si Jay Ilagan noon," patuloy niya. "Plus, kaibigan ko rin si Lorna. Ang dami rin naming pinagsamahang pelikula together. Kapag nag-aaway yung dalawa [Rudy and Lorna] noon, pumupunta sa amin si Lorna para humingi ng advice. Magkaibigang matalik si Lorna at ang wife ko si Sandy [Andolong].

Continue reading below ↓

"Naglalaro rin kami ng billiard. Hindi nga lang ako masyado sa poker, pero I do play with Daboy. Nagba-boxing din kami. Malaki ang garage ni Daboy kaya nag-set up siya ng boxing gym. Doon, nagba-boxing kami.

"Nag-a-abroad din kami kasama ang mga pamilya namin. Nag-cruise kami sa Malaysia at Thailand. Lahat ng mga shows ko, pumunta siya. Kapag may okasyon sa mga pamil­ya ko, pumupunta siya. Lahat naman ng event niya pinupuntahan naming mag-asawa," kuwento ng multi-awarded actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

HEALTH CONSCIOUS. Dahil nga sa nangyari kay Daboy, naging mas aware na ang maraming artista sa kanilang kalusugan. Hindi sapat na mukha ka lang malusog sa pisikal. Kailangan pati ang ispiritwal ay malusog din. Anytime, puwede kang mawala sa mundong ito kahit magkasakit o bigla kang maaksidente. Maraming puwedeng mangyari.

"Ang ano ko na lang diyan, magkita na lang tayo doon [sa langit]," sabi ni Boyet. "Sabi ko nga kay Daboy, magkita na lang tayo doon at sana doon ka mapunta at kung ako naman ang susunod, sana mapunta ako doon.

Continue reading below ↓

"Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin in the next few hours, days, months, years. Jay [Ilagan] died, Ninong Ron [Fernando Poe Jr.] died, and now Daboy. Ang importante talaga, like si Daboy, he was ready to face his Creator. He knows he was going to die at nakapaghanda siya. Hindi siya takot mamatay because he's ready. At first, hindi niya tanggap. He questioned God. But he realized na ito ang gusto sa kanya ni God. He accepted it and he died in peace," seryosong pahayag ni Boyet.

Marami raw matututunan sa nangyari kay Daboy. Kabilang si Boyet sa may nakuha sa pagkawala na ito ng kanyang kaibigan.

"After a while, you forget your responsibility to yourself and as a person. Masyado mong sinasagad yung extra-curricular activities mo. Anytime you can get sick. Anytime you can die wherever you are or whatever you're doing.

"You have to be at peace with yourself para ready ka. Sabi ko nga kay God, kapag kinakausap ko Siya, kung mamamatay ako, huwag na lang Niya akong padaanin sa mahabang proseso pa. Huwag na Niya akong pahirapan. Kung mamatay ako, mamatay na lang ako agad-agad," sabi ni Boyet.

Continue reading below ↓

Sa tingin ng marami ay matagal pa ang buhay ni Boyet dahil sa sobrang alaga nito sa katawan. Pero para kay Boyet, dapat ay handa tayo sa anumang mangyari, malusog man tayo sa pangangatawan o hindi.

"Lahat ng kinakain ko, all natural. I don't eat baboy na. Lots of vitamins and its all natural. Hindi na ako nagha-hard drink. I just drink wine because it's good for the heart and antioxidant din. Pero yung tama lang na pag-inom, masama rin kasi yung sobra. I regularly exercise.

"Pero siyempre, gaya ng sinabi ko, may kanya-kanya tayong panahon at oras. Si Nida Blanca nga vegetarian, pero namatay sa saksak. So, hindi natin masabi. Basta kailangan nating maging handa," paalala ni Boyet.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You have to be at peace with yourself para ready ka. Sabi ko nga kay God, kapag kinakausap ko Siya, kung mamamatay ako, huwag na lang Niya akong padaanin sa mahabang proseso pa. Huwag na Niya akong pahirapan. Kung mamatay ako, mamatay na lang ako agad-agad," says Christopher de Leon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results