Patrick Garcia leaves for U.S. to stay away from intrigues

IMAGE 0


The soon-to-be dad made a wish last Father's day: To be given the chance to be a dad to Jennylyn's baby.


Umalis na patungong Amerikaang aktor na si Patrick Garcia. Habang siya ay nasa airport, nagpaunlak ngexclusive interview ang aktor sa The Buzzkahapon, June 16, bago siya lumipad.

Naikuwento niya na bago pumuntang Amerika ay nagbakasyon muna siya sa Macau, kasama ang sister niyang si CheskaGarcia.

"May dad was in Macau and Iwas supposed to be with him. We followed the following week," lahad niPatrick sa Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN.

Ang pag-alis niya sa bansaay para piliin ang mas matahimik na buhay doon. Makakasama niya rito ang kanyangina. Nagbabalak din ang aktor na ituloy na niya ang pag-aaral ng pagdidirek sa New York University.

"This Sunday, alis ako ngumaga, 4:00 a.m.," ang sabi ni Patrick.

Nang usisain siya tungkol sa iba pa niyang rason, aniya, "The particular reason also is, the intrigue here is toomuch."

Ang kanya bang tinutukoy naintriga ay ang pagkabit ng pangalan niya sa mga isyu ng droga at sugal? Gustoniya bang ilayo ang sarili sa bad influences?

"I don't know...what do youmean by bad influences? Well, it's notthe case," ang maikling sagot niya.

Ayon sa ilang sources, angpangangayayat daw ni Patrick ay dahil sa sama ng loob dulot ng pinagdaraanannila ni Jennylyn.

Matatandaan na noongFebruary 24 sa The Buzz, tuluyan nangwinakasan ni Jennylyn Mercado ang relasyon nila ni Patrick.

Kasunod nito ay anginterview ng aktres noong Mayo, sa birthday at baby shower ng aktres.Nasambit ni Jennylyn noon na hindi na siya magsasalita ng kahit anuman hinggilsa ama ng kanilang magiging anak.

Ani Patrick, "They don'twant me to be closer to them, you know, that's why I'm leaving kasi...Di badepressing kung makita ninyo ako at magagalit siya at sasama lang yung araw niya?Might as well..." putol na sabi ni Patrick na ang ibig ipakahulugan ay angkanyang paglayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, ayaw na muna makipagrelasyonni Patrick sa kahit na sino. "Ayoko munang lovelife-lovelife, e," ang sabiniya. "I just want to get a chance to take care of the baby. For me, that's mypriority now."

Sa tanong na binitiwan ni Jennylynnoon sa isang interview kung kukunin ba ni Patrick ang responsibilidad bilangama ng batang dinadala niya, ang sagot niya: "I would like to if they'dlet me. I know naman Jen will take good care of our baby. And basta payagan lang niyang makita yung baby, wala na akong reklamo."

Nagkataon naman nacelebration ng Father's Day noong araw na umalis ng bansa si Patrick, at nagbitawsiya ng statement tungkol sa nais niyang mangyari.

"The best dad that I couldbe. I always try hard to be the best that I can be," aniya.

Kaugnay nito, inihabilin dawni Patrick si Jennylyn sa non-showbiz best friend ng aktres habang wala siya sabansa. Babalik siya dito sa September para dumalo sa kasal ni Cheskasa kanyang kasintahan na si Doug Kramer.

"Yeah, definitely. I'll beback for my sister's wedding sometime by September. But no exact date," taposni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN