Joseph Bitangcol sets record straight about alleged "gay benefactor"

IMAGE 0


"Matagal na po yun, isang beseslang, kinuha ako para sa isang raket dun. Pero umiwas na ako sa kanya dahil ngahindi ko gusto yung mga balitang nakakarating sa akin," says Joseph Bitangcolabout his rumored gay benefactor.



Naapektuhan pala si Joseph Bitangcol sa isyung siya aypumapatol sa mga bading. Marami kasing mga tsismis, kasama na yung mga blinditems, na si Joseph nga ay namemera ng mga bakla. Na meron daw itong gaybenefactor.

"Hindi naman po kasi totoo yun, sobra naman yung ganoongtsismis. Kahit paano naman, nakaipon naman ako. Sa ilang taon ko na sa showbiz,nakaipon naman po ako," depensa pa nito tungkol sa tsismis sa kanya nangmakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). May mga kumukuwestyon kasisa pagkakaroon niya ngayon ng business na Stoodio Bar na matatagpuan dikalayuan sa ABS-CBN.

"Magkano lang naman po ang investment ko dun? ‘Tsaka hindiko naman solo yun, lima kaming investors. Hindi naman po tama yung sabihinnilang bigay ng bading sa akin ang puhunan ko," pagtutuwid pa nito.

Naririnig nga raw niya yung mga tsismis tungkol sa kanya atnababasa rin niya ang mga blind items. Wala na raw siyang magawa dahil nga alamnaman niyang hindi totoo yun.

Naikuwento rin ni Joseph ang mga nakarating sa kanyang mayisang baklang nagkakalat na naging "on" daw niya. Na ito nga raw yungnagbibigay sa kanya ng raket sa Ilocos.

"Matagal na po yun, isang beses lang, kinuha ako para saisang raket dun. Pero umiwas na ako sa kanya dahil nga hindi ko gusto yung mgabalitang nakakarating sa akin."

Hindi kaya gimik lang daw yun ng movie niyang Paupahanng ATD Films dahil nga callboy na mahilig kumatok sa pinto ng mga bading angrole niya sa naturang pelikula?

"Hindi po. Bago pa itong movie, ‘andiyan na yung isyu. Isapa, hindi po ako mahilig sa gimik," paliwanag pa niya.

ISSUE WITH JAY MANALO. Inurirat din ng PEP kay Josephang isyung pag-back out ni Jay Manalo sa isang episode ng Ikaw Pa Rin ngGMA-7 dahil nga ang feeling nito ay hindi niya ka-level si Joseph at si DinoGuevarra. Hindi ba siya na-offend dahil nga inayawan sila ni Jay na makasama atang isyu ay ang level ng pagiging artista nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po. Ayos lang, nagkausap po kami ni Jay atnaiintindihan ko ang point niya. Magmumukha daw po siyang katawa-tawa dahil ngaimpersonation ang gagawin namin. Matanda na raw siya ‘tapos, mataba at malakiang tiyan niya. Ayaw daw niyang magmukhang katawa-tawa. Okey lang naman po saakin yun," sabi pa ni Joseph.

Ipinaliwanag din niJoseph na hindi talaga ang isyu ng level ng pagiging artista ang rason ni Jaysa pag-backout nito. Pareho nga naman sila ng management outfit at siguradosiyang di siya babastusin ni Jay Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN