Rufa Mae Quinto lashes back at Dingdong Avanzado

IMAGE 0


"Ang gusto ko lang sabihin, hindi ko rin planongtapakan ka. Hindi ko rin planong makipag-away. Nasaktan lang ako. Kahit sabihinpa nating hindi ako naging dyowa, nasaktan lang ako bilang babae at bilang tao.At yun lang, hindi talaga ako nagsasalita," says Rufa Mae Quinto about ex-flame Dingdong Avanzado (inset, with wife Jessa Zaragoza).



Live na nag-guest sa The Buzz ng ABS-CBN kahapon, June 15,ang singer na si Dingdong Avanzado. Sa naturang panayam ay binasag ni Dingdongang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa isyung inilabas ni Rufa Mae sainterview sa kanya ng YES! magazine noong February 2008. Incidentally, si angnag-interview kay Dingdong ay ang mismong manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda.

Sa katapat na programa naman ng The Buzz na Showbiz Centralay nagbigay naman ng kanyang reaksiyon si Rufa Mae, na co-host ng showbiz talkshow ng GMA-7.

"HINDI AKO SINUNGALING." Unang tanong na ibinato ng co-host niyang si Pia Guanio aykung ano ang reaction ni Rufa Mae sa sinabi ni Dingdong na from the verybeginning, hindi raw minaliit ng pamilya ni Dingdong ang pamilya ni Rufa Mae.

"Narinig ko lahat ng sinabi niya," maagap namang sagot niRufa Mae. "At that time, ang masasabi ko lang po, ako po ay nagsasabi ng buhayko na na-experience ko at ng feelings ko. Hindi ko sinabing lahat ng pamilyaniya, meron lang talagang katotohanan. Kumbaga, yun lang po ang feelings konoon. Hindi po ako proud na sabihing naging kami dahil sobrang nabastos na ako,e... Politician din naman siya. Natural, mapag-uusapan...showbiz din siya.

"Ang ano ko lang naman po, hindi po kasi ako sinungaling natao. Kung anuman po ang hype or nasulat sa YES! magazine, sulat po yun, e...silaang nagsulat noon. Ako naman, bilang totoo lang. Ayoko namang humarap nangsinungaling sa tao. Paano pa ako makakatawa kung puro kasinungalingan angsasabihin ko? So yun lang, dahil ayokong humarap na sinungaling sa tao."

Patuloy niya, "Sa totoo lang, lahat ng sinabi mo [Dingdong],ngayon ko lang narinig dahil before, ni isang salita, ni isang magandangsalita, wala kang sinabi sa akin. Ang cheap-cheap na! Kung meron kang pamilya,meron din akong pamilya, di ba? ‘Yan ang hirap e. Kaya rin ako actually pikonna pikon, sobrang nababastusan na ako. Puro siya! Siya, siya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, obviously, hindi na rin na-control ni RufaMae ang kanyang emosyon.

Aniya, "Ke ano pa...ke nag-date lang kami, babae ako! Ke anopa, kahit sabihing hindi mo ako minahal o ano, mahigit isang taon din yun.Hindi ko sinasabing proud ako ro'n, pero babae ako! Yun lang ako! Kaya akoganito, kaya ako lumalaban, huwag mo akong gaganituhin at respetuhin n'yo ako.

"Uminit lang ako the way magsalita si Jessa sa phone e,talagang ang daming below the belt. Dumating pa sa punto na mayabang ako, yungcareer ko... Pinaghirapan ko po talaga ito. Kung anuman ang nangyari sa buhaynila, wala na akong kinalaman. Ang ikinuwento ko lang po ay ang buhay ko. Atyung pisikalan na sinabi niya, opo, nangyari ‘yun. Pero gumanti ka!"

Ayon kay Rufa Mae, totoo raw na may pagkakataong nasampalniya talaga si Dingdong.

"Sinampal ko siyang talaga dahil binastos nga niya ako.Ayoko nang magdetalye dahil hahaba pa. Pero yun lang po yun, wala na akong ibapang nangyari na pinisikal or something. At sa kalalaki niyang tao, mapipisikalko ba siya ng ganyan, di ba?" saad ng sexy comedienne.

"NASAKTAN AKO BILANG BABAE." Sinundan ito ng tanong ni Pia na according kay Dingdong,hindi raw inagaw ni Jessa si Dingdongsa kanya.

"Wala naman akong sinabing inagaw na term...ever since. Kahitna nang magharap kami, ang sinabi ko, bakit pinili mo...sumagot naman siya. Yunlang po ang sinabi ko. Pangalawa, angsabi ko lang, nalaman ko after na sila na pala, sa TV pa! Kasi, idinidenay-denypa niya. Ang sa akin lang, kung sinabi na nila noon na, ‘We love each other,I'm really sorry...' As a tao lang, respeto lang. Yun lang, yun, e. ‘Tapos isangbeses lang ako...na-hurt lang ako bilang tao, bilang babae. Wala po akong gustongawayin, naging totoo lang po ako. At ‘yang sinasabi mo na ngayon ka langnagsalita, hayan...'yan ang nangyari tuloy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakataong ito, pareho nang hiningan ng mensahe ninaPia at Mo Twister si Rufa Mae para kay Dingdong. Kasunod nito ay ang tanong niPia kay Rufa Mae kung nalulungkot daw ba siya sa mga nangyayari.

"In a way," tugon naman ni Rufa Mae. "Kilala ko si Dingdong,e. Kahit papaano, nakasama ko siya. Kesehoda kung anumang level. Kungfriendship man yun, it's still a relationship for me. Ngayon, kung sa kanila,ganoon lang yun, hindi umabot sa serious or whatever, it's still a relationshipfor me.

"Kaya lang ako talaga, sa lahat...sa rami kong nakasama, walapo akong nakaaway. Kaya lang ako napipikon sa kanya, kahit sa kontingpinagsamahan natin, kahit sa loob ng isang taon yun, wala kang nasabing magandasa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit. Maybe because...hindi ko alam kungbakit. So maybe, yun ang rason kung bakit sa lahat, sa kanya lang ako walangmasabi or maalala na kahit na anong maganda. Kasi feeling ko, nabastos ako!"mariin niyang sabi.

Wala raw bang plano si Rufa Mae na makipagbati kina Dingdongat Jessa?

"Actually, mas naa-appreciate ko na nagsalita na siya[Dingdong]," sabi ni Rufa Mae. "Kasi siya naman talaga ang nakasama ko, atnirerespeto ko ang pamilya nila. Nirerespeto ko si Jessa bilang nanay ng anakniya. Nag-move on na tayong lahat, e...

"Ang message ko na lang... Actually, sa ngayon, parang wala poakong mame-message sa kanya. Ang gusto ko lang sabihin, hindi ko rin planongtapakan ka. Hindi ko rin planong makipag-away. Nasaktan lang ako. Kahit sabihinpa nating hindi ako naging dyowa, nasaktan lang ako bilang babae at bilang tao.At yun lang, hindi talaga ako nagsasalita.

"Sana maayos na rin. Hindi ko rin maintindihan kung bakitganoon na lang nila akong kuyugin. I mean, pamilya na sila, e. Ako, nag-iisalang ako. Ano pa? Kailangan kong ayusin ang sarili kong buhay. May sarili akongbuhay na dapat kong gawin. Hindi kayo lang ang buhay ko, okay? Move on na!"madamdaming pahayag ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"RESPECT BEGETS RESPECT." Kasunod nito, sinabi ni Mo Twister na kilala niya si RufaMae not just as a colleague, but also as a friend. Pinaninindigan lang daw niRufa Mae ang mga sinabi niya sa YES!

"Oh, yes, paninindigan ko po!" giit ni Rufa Mae."Paninindigan ko po ‘yan habang may buhay ako kasi ito lang ang meron ako..." Sapuntong ito, hindi na napigilan ni Rufa Mae ang mapaiyak. "Hanggang nabubuhayako, magsasabi ako ng totoo. Wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko po silakaaway. Ayoko kayong awayin, ang sa akin, yung totoo lang."

At sa huli, humingi ng paumanhin si Rufa Mae kung sobra rawsiyang naging "energetic" sa buong interview. Aniya, hindi lang kasi niyaalam kung ano nga ba ang tamang maging reaction. Yun ay kung iiyak ba siya omagagalit since all the issues are already from the past.

"Respect begets respect. Kung gusto n'yo lang narespetuhin kayo, please, respetuhin n'yo rin ako," pagwawakas ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN