Snooky Serna says her casino days are over

by Ruel J. Mendoza
Jun 17, 2008
"Sumubok lang ako out of curiosity. Sino ba naman ang hindi nakaisip na sumubok sa casino, di ba? Medyo exaggerated lang ang mga lumabas na balita about me spending my earnings sa sugal," says Snooky Serna about reports that she is hooked on gambling.

Sari-sari ang mga intrigang ibinabato sa aktres na si Snooky Serna. Hindi nga raw kumpleto ang mga balitang showbiz kung walang nababasa tungkol kay Snooky at sa mga sinasabing "kalokahan" niya.

Kailan lang ay ang pagiging sugarol naman ang issue kay Snooky. Kaya raw wala siyang pera palagi ay dahil inuubos daw niya ito sa pagtaya sa casino.

Hindi naman tumanggi si Snooky nang tanungin tungkol dito. Totoo raw ang balita na nagpupunta siya ng casino para magsugal.

"I guess I don't have to lie," sabi ni Snooky sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Maraming nakakakita sa akin and if I deny it, marami ang magsasabi na sinungaling ako.

"Yes, I have tried a few times na mag-casino. Pero hindi ako naglulustay ng pera ko doon. Siyempre, may pinaglalaanan ako. Siguro kung may nagagastos ako sa sugal, yung tama lang. Hanggang sa ganitong amount lang 'tapos stop na.

"Sobra naman kasi yung mga nasusulat na nag-uubos daw ako ng pera sa sugal. Hindi ako milyonaryo to do that. Para namang ang yaman-yaman ko para gawin ‘yon.

Continue reading below ↓

"Sumubok lang ako out of curiosity. Sino ba naman ang hindi nakaisip na sumubok sa casino, di ba? Medyo exaggerated lang ang mga lumabas na balita about me spending my earnings sa sugal," paliwanag ni Snooky.

Hanggang slot machine lang daw ang sinubukan ni Snooky sa casino. Gusto lang daw malaman ni Snooky kung bakit parang addicted ang mga tao sa slot machine. Never naman daw siyang sumubok na umupo sa mga poker tables o sa Russian roulette na libu-libo ang taya.

"Hanggang slot machine lang talaga ako. Doon lang ang kaya ng budget ko!" tawa ni Snooky.

Dagdag niya, "I just want to know the feeling of using it. Ngayon at alam ko na, tama na. Naging curious lang talaga ako."

Sinasabi na baka raw nagmana siya sa kanyang inang si Mila Ocampo na nakilala noon na mahilig sa sugal.

"Retired na si Mother sa casino," ngiti ni Snooky. "Tapos na siya diyan. At hindi naman ako siguro nagmana sa ganyan. Sa edad ko ngayon na 42, hindi ako basta naiimpluwensiyan, di ba? Hindi na tayo teenager na madaling mabuyo. Hindi na ako nauuto unlike noong bata ako."

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ni Snooky na may self-control siya at kaya niyang iwasan na ang pagpunta sa casino. A total of five times lang daw siyang nakapasok sa casino at ngayon ay itinigil na niya.

Read Next
Read More Stories About
Snooky Serna
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sumubok lang ako out of curiosity. Sino ba naman ang hindi nakaisip na sumubok sa casino, di ba? Medyo exaggerated lang ang mga lumabas na balita about me spending my earnings sa sugal," says Snooky Serna about reports that she is hooked on gambling.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results