Mariel Rodriguez on abortion rumor: "Huwag ninyo ako i-accuse na mamamatay-tao."

by Julie E. Bonifacio
Jun 17, 2008
TV host Mariel Rodriguez is not affected at all by the rumor that she had an abortion in Hawaii. Mariel says the rumor is not a big deal for her and rumored boyfriend Zanjoe Marudo. "It's too gross para iyakan ko po ‘yan," she says to PEP.

Klaro ang ginawang pagpaliwanag ni Mariel Rodriguez sa Entertainment Live! last Saturday, June 14, tungkol sa balitang nagpa-abort diumano siya sa Hawaii. That was the first time na nagsalita si Mariel about the issue since it came out two weeks ago.

"Huwag ninyo ako i-accuse na mamamatay-tao," mariing sabi ni Mariel, na co-host ng naturang showbiz talk show, kasama sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Luis Manzano.

Hindi malaman ni Mariel kung paano nagsimula ang tsismis sa kanya, lalo na't wala naman siyang oras para gawin ang sinasabing diumano'y pagpapa-abort niya. Disappointed din siya sa mga taong pumatol at naniniwala sa isyu.

Kinabukasan, June 15, ay tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mariel upang kumustahin pagkatapos ng kanyang pahayag sa Entertainment Live.

Sobra ba siyang naapektuhan si Mariel ng isyu?

"Ako pa? I'm fabulous!" tawa niya.

Hindi raw talaga siya umiyak during her interview sa Entertainment Live. Never daw niyang iniyakan ang issue na ‘yan.

Continue reading below ↓

"It's too gross para iyakan ko po ‘yan," sabi ni Mariel.

Tinanong din namin si Mariel kung sa tingin ba niya ay nakaapekto sa kanyang career ang naging isyu sa kanya on abortion.

"No, hindi siya makakasira sa career," sagot ng TV host. "As a matter of fact, I have a new show. I'm so excited but I don't know if I can say it na."

Ang show na tinutukoy ni Mariel ay ang Varga, na base sa komiks series ni Mars Ravelo noong late '40s. Si Mariel ang gaganap bilang Varga, isang superhero na naging inspirasyon ni Mars upang likhain si Darna.

Nagkausap na rin daw sila ng nababalitang boyfriend niya at ama supposedly ng batang ipinagbubuntis niya na si Zanjoe Marudo.

Unang nalaman ni Mariel ang abortion issue sa kanya through Backroom's Mary Ann Sta. Ana. Pagkataos ay sinabi sa kanya ng Entertainment Live! executive producer na si Lani Gutierrez.

Continue reading below ↓

Nalaman naman ni Zanjoe ang tsismis nang may magtanong sa kanyang entertainment press at saka nila napag-usapang dalawa ni Mariel.

"Hindi big deal sa amin kasi alam namin na hindi totoo," saad ni Mariel.

Read Next
Read More Stories About
Mariel Rodriguez, Zanjoe Marudo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Mariel Rodriguez is not affected at all by the rumor that she had an abortion in Hawaii. Mariel says the rumor is not a big deal for her and rumored boyfriend Zanjoe Marudo. "It's too gross para iyakan ko po ‘yan," she says to PEP.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results