Mommy Rose Flaminiano denies rumor Gabby Concepcion had "work" done on his face

by Julie E. Bonifacio
Jun 18, 2008
"Ay, naku! Mababanat ba naman ‘yan? Original ‘yan, honest! Hindi ako nagbibiro. Napakasimpleng sasagutin ko ‘yan na, ‘Oo, pina-botox ko yun. Pinagawa ko yun.' O, e, di nakakapagyabang pa ako na gumagastos kami," sarcastically comments Rose Flaminiano when asked if her ward Gabby Concepcion had cosmetic facial surgery.

Madiing sinabi ng manager ni Gabby Concepcion na si Mommy Rose Flaminiano na hindi naapektuhan ang kanyang talent ng kontrobersyang kinasasangkutan ng Lucida DS Glutathione na ini-endorse ng actor.

Personal na na-witness ni Mommy Rose kung paano pagkaguluhan pa rin ng mga tao si Gabby sa iba't ibang mall shows na ginawa nila kamakailan. Bukod pa diyan, may mga produkto pa raw na iniaalok sa kanila para i-endorse ni Gabby.

NO "WORK" DONE. Ibinalita naman sa amin ni Mommy Rose na puspusan ang pagti-taping ni Gabby para sa kauna-unahang teleserye niya sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang with Claudine Barretto, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Susan Roces.

"Maganda naman ang working relationship ni Gabby kay Claudine. Ah, okey na okey. Walang problema," pahayag ni Mommy Rose nang makatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) recently.

Natuwa si Mommy Rose nang marinig niya ang comment sa ipinapalabas na trailer ng Iisa Pa Lamang. Parang hindi raw halos nagkakalayo ang edad sa mukha nina Gabby at Claudine.

Continue reading below ↓

"E, di maganda naman," nakangiting reaksyon ni Mommy Rose.

Duda tuloy ng iba, hindi raw kaya may pinagawa si Gabby sa kanyang mukha?

"Ay, naku! Mababanat ba naman ‘yan? Original ‘yan, honest! Hindi ako nagbibiro. Napakasimpleng sasagutin ko ‘yan na, ‘Oo, pina-botox ko yun. Pinagawa ko yun.' O, e, di nakakapagyabang pa ako na gumagastos kami," sabay tawa ni Mommy.

Ayaw pa raw kumuha ni Mommy Rose ng sponsor kung sakaling may ipagawa sa mukha si Gabby.

"'Tsaka, gusto ko makakuha kami ng mas magandang deal para diyan kay Gabby."

GABBY'S FIRST MOVIE. Ngayong nakapag-umpisa na si Gabby ng teleserye, tinanong namin si Mommy Rose kung kelan naman ang first movie ni Gabby after 13 years.

"Ang movie, uunahin muna, kasi nag-usap kami ni Malou [Santos, Star Cinema managing director], okey na sa kanya na mauna ang GMA Films. Kung hindi pa sila [GMA Films] handa, puwedeng siya [Star Cinema]. Dahil talagang kumbaga, nakaayos na yung sa Star Cinema. Yung sa GMA, hindi ko alam. Kasi hindi naman ako puwedeng makiano doon. Kasi si Gabby lang ang nakipag-usap doon."

Continue reading below ↓

May ideya na, more or less, si Mommy Rose kung anong klaseng pelikula ang gagawin ni Gabby sa Star Cinema.

"Naku, maganda yun [movie sa Star Cinema]. Actually, alam ko na pero hindi pa puwedeng sabihin. Pero basta ang makakapareha niya doon, bata."

Pero tumangging magbigay ng iba pang detalye si Mommy Rose tungkol sa pelikulang gagawin ni Gabby sa Star Cinema.

"Alam mo, sa totoo lang, hangga't hindi pa nagga-grind ng pinal na pinal, hindi ko masabi, e. Kasi lilitaw naman akong nangtsitsismis, ano? Hindi ba maganda dito sa atin lahat prangka, totoo. Katulad ng sinasabi ninyo kung pinabanat ko si Gabby?

"Wala talaga, as in wala. Kung puwede ko nga lang sabihin na pina-botox ko yung ganito, pinaganyan ko ang mata...hindi naman, e. Makikita mo, walang-wala. Parehong-pareho pa rin."

GABBY'S DIRECTOR AND LEADING LADY. Pero kahit paano sinubukan naming tanungin si Mommy Rose kung may director na ang pelikula ni Gabby sa Star Cinema.

Continue reading below ↓

"Direktor? Teka, teka. Maaaring Olive Lamasan. Puwede na siya," lahad ni Mommy Rose.

Nag-mention kami ng mga young actress sa bakuran ng Star Cinema pero tumangging mag-confirm si Mommy Rose kung sino doon ang balak ipareha kay Gabby. Hanggang sa nabanggit ang isyu na hindi raw type ni Mommy Rose si Angel Locsin na makapareha ni Gabby.

"Hindi ko sinabi yun," tigas na pagtanggi ni Mommy Rose. "Sino na naman ang may tsismis niyan? Hindi totoo yun. Boto ako kay Angel!"

WHAT ABOUT THE HDO? Kasunod nito ay kinumusta namin ang mga kasong kinakaharap ni Gabby ngayon.

"Actually, yung kasu-kaso inaano lang namin yun, pero 1997, may mga affidavit of desistance na yun, e. May mga waiver na yun. Kaya lang ayokong ano, what for?"

What about yung HDO o hold departure order kay Gabby?

"Well, hindi ako naniniwala. Heto nung umalis siya nagkaroon siya ng problema, hindi niya nilingon. Nagkaroon siya ng HDO. Nakaalis na siya.

Continue reading below ↓

"O, e, nakabalik na siya. Ngayon, nakabalik na siya. Yung HDO, inaayos ngayon ni Attorney [Ed Flaminiano] na ma-lift. Kasi wala na nga yung mga ano [case] niya.

"Hindi naman siya na-lift, inaayos pa. Maaayos pa yun.

"Unang-una, kahit na ba naroon pa yung HDO niya, kunyari mo bigla kaming umalis, e, iaano lang namin gagarantyahin kong babalik. Number two, may multi-million contract siya sa ABS-CBN. Assurance yun na babalik si Gabby. E, di bibigyan ko sila ng kontrata. Tutal set of all taxes naman yung kontrata."

Bilang patunay, nakatakdang umalis ulit ng bansa si Gabby for a series of shows sa Florida, U.S.A. on August, then balik-U.S. ulit on October at sa Canada naman sa November for 15 days.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ay, naku! Mababanat ba naman ‘yan? Original ‘yan, honest! Hindi ako nagbibiro. Napakasimpleng sasagutin ko ‘yan na, ‘Oo, pina-botox ko yun. Pinagawa ko yun.' O, e, di nakakapagyabang pa ako na gumagastos kami," sarcastically comments Rose Flaminiano when asked if her ward Gabby Concepcion had cosmetic facial surgery.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results