Cristine Reyes confirms rift with sister Ara Mina

by Ruel J. Mendoza
Jun 18, 2008
"Sa ngayon kasi hindi pa kami talaga nagkakausap nang maayos ni Ate. Pero alam niya na pumirma ako sa VAA [Viva Artists Agency]... May sarili siyang career na inaasikaso rin at ayoko namang maabala pa siya sa career ko. So ibang tao na lang ang gusto kong mag-asikaso sa akin," explains Cristine Reyes.

Si Cristine Reyes ang pinakabagong addition sa roster of talents ng Viva Artists Agency. Pumirma kamakailan si Cristine ng management contract with VAA, na pinapatakbo ni Veronique del Rosario-Corpus.

Kasama na si Cristine sa ilang mina-manage ng VAA, tulad nina Sarah Geronimo, Rufa Mae Quinto, Anne Curtis, Rachel Ann Go, Carlo Aquino, Riza Santos, at marami pang iba.

Dahil nga sa pagpirma ni Cristine sa VAA, nagpapatunay lang na totoong may hidwaan na naman sila ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina na dating manager niya.

Si Ara kasi ang kasama noon ni Cristine nang lumipat ito at pumirma ng program contract sa ABS-CBN. Kelan lang ay si Ms. Veronique na ang kasama ni Cristine nang makipag-meeting ulit si Cristine sa mga executives ng Dos.

Nang magkaroon ng solo press conference sa Viva office si Cristine, wala ang kanyang Ate Ara. Sa halip ay kasama niya ang kanilang ina, si Ms. Frances Klenk-Reyes.

Continue reading below ↓

Tinanong si Cristine kung ano, sa tingin niya, ang pakiramdam ng kanyang Ate Ara nang mas piliin nitong pumirma ng management contract sa VAA. Sabi ni Cristine, maiintindihan naman daw siya ng kanyang kapatid. Inamin nga nito na hindi pa sila on speaking terms ni Ara.

"Sa ngayon kasi hindi pa kami talaga nagkakausap nang maayos ni Ate," diin ni Cristine. "Pero alam niya na pumirma ako sa VAA. Desisyon ko naman ito kasi nakikita ko naman na very busy si Ate. May sarili siyang career na inaasikaso rin at ayoko namang maabala pa siya sa career ko. So ibang tao na lang ang gusto kong mag-asikaso sa akin.

"Gusto ko namang magkaayos kami ni Ate, e. Wala lang kaming time talaga to work things out. Busy ako at busy rin siya. Nalulungkot nga si Mommy, kasi di na naman daw kami nagkakasundo. Sabi ko naman na darating din ang panahon na magkakaayos kami ni Ate. For now, palamigin muna namin ang sitwasyon."

Continue reading below ↓

Ano nga ba kasi ang ikinatampo ng kanyang Ate Ara sa kanya?

"Personal na bagay na po iyon. Kahit naman si Ate, hindi naman niya nababanggit, di ba? It's between the two of us lang. Madalas naman kaming nagka-clash ni Ate, e. Hindi na bago ito sa aming dalawa. Gusto namin na magkaayos kami na kaming dalawa lang."

After pumirma ni Cristine sa ABS-CBN 2 last April, nagsimula na siyang mag-taping ng TV remake ng Alma Moreno starrer na Eva Fonda 16. Kasama rin si Cristine sa soap drama na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Malaysian actress Carmen Soo.

Bali-balita nga na masyadong sexy ang pagkakagawa ng Eva Fonda 16, lalo na ang mga eksena ni Cristine. Kaya kinailangan daw na i-reshoot ang maraming eksena para pumasa ito sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Ayaw sagutin ni Cristine ang tungkol sa balitang pagre-reshoot ng kanyang first solo-starrer. Bahala na raw sagutin iyan ng mga nasa production.

Continue reading below ↓

"Artista lang po ako sa show. Kung ano ang sabihin nila sa akin, yun lang ang gagawin ko. In regards sa mga eksena, ang director na lang namin siguro at ang mga involved sa production ang sasagot sa mga tanong ninyo."

Nagpapasalamat nga si Cristine na kahit daw nagkaroon siya ng negative image, patuloy pa rin siyang kinukuhang endorser. Ang mga latest na ini-endorse niya ay ang Fiona Slippers, Belo, Cathy Valencia, Posh Nails at Red Corner Gym.

Inaayos na nga raw ng Viva Films ang magiging launching film ni Cristine. Naniniwala ang manager ni Cristine na si Ms. Veronique na puwedeng maging big box-office star si Cristine, kaya isang award-winning director ang gusto nilang magdirek ng big film launch nito.

Read Next
Read More Stories About
Cristine Reyes, Ara Mina
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon kasi hindi pa kami talaga nagkakausap nang maayos ni Ate. Pero alam niya na pumirma ako sa VAA [Viva Artists Agency]... May sarili siyang career na inaasikaso rin at ayoko namang maabala pa siya sa career ko. So ibang tao na lang ang gusto kong mag-asikaso sa akin," explains Cristine Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results