Rudy Fernandez's bosom friends to sing at 5th Golden Screen Awards on June 24

Jun 26, 2008
Sen. Jinggoy Estrada offered to sing with buddies Sen. Bong Revilla and actor Phillip Salvador at the 5th Golden Screen Awards night. This, after he learned that the Entertainment Press Society, which is behind the Golden Screen Awards, will give its own posthumous award to their friend Rudy Fernandez.

It's confirmed! Kakanta nang live sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Phillip Salvador, mga bosom friends ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez, sa 5th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, na gaganapin sa Zirkoh Greenhills sa Martes, June 24.

Ito ang ibinalita ni Tita Aster Amoyo nang makausap namin siya sa telepono noong Martes ng gabi.

Nang malaman daw ni Sen. Jinggoy na bibigyan ng posthumous award ng EnPress si Daboy ay tumawag ito sa kanya at nag-volunteer na kakanta sila sa awards night. Sila na ring tatlo ang tatanggap ng award for Daboy. Paki-relay daw ang kanyang mensahe sa Enpress at Golden Screen Awards.

Ayon pa kay Tita Aster, kay Sen. Jinggoy mismo nanggaling ang ideya na kumanta sila (at live, huh!) sa awards night ng GSA. Si Jinggoy rin ang kumausap sa mga kaibigan niyang sina Bong at Ipe para pumayag ang mga ito na muli silang magsasama-sama para kumanta for their friend Daboy.

Continue reading below ↓

Matatandaan na isa sa pinag-usapang tagpo sa necrological service na ginawa sa huling gabi ng lamay kay Daboy ay ang pagkanta nina Jinggoy, Bong at Ipe. Kumanta sila ng ibang version ng "Doon Lang" which was rewritten by Tirso Cruz III. Iniisip na raw ngayon ni Sen. Jinggoy kung ano ang kanilang aawitin sa gabi ng parangal ng Golden Screen Awards.


Ayon pa kay Tita Aster, gustong tanungin ni Jinggoy si Pip kung ano ang puwede nilang kantahin sa awards night ng Golden Screen. Ang suggestion naman daw ni Tita Aster ay awitin nila yung "Doon Lang" na kinanta nila sa necrological service para kay Daboy. Pero ayon daw kay Jinggoy, kakausapin na lang niya si Tirso and ask for his suggestion.

Happy si Sen. Jinggoy sa kanyang panalo na Best Actor in a Comedy para sa mahusay niyang pagganap sa Katas ng Saudi ng Maverick Films. Nagwagi rin itong Best Picture (Musical or Comedy) at wagi rin ang leading lady ni Jinggoy rito na si Lorna Tolentino bilang Best Actress in a Comedy.

Continue reading below ↓

Ngayon pa lamang ay ipinaaabot na ng EnPress at Golden Screen Awards ang taus-pusong pasasalamat kina Jinggoy, Bong at Kuya Ipe sa napakagandang handog nila para sa gabi ng parangal ng Golden Screen Awards. Ang pagdalo nila sa awards night ay isang solid proof na magiging success ito.

Sa June 24 na ang 5th Golden Screen Awards to be hosted by Rufa Mae Quinto, John "Sweet" Lapus, at JC De Vera. Dahil fund-raising event din ito ng EnPress, may tiket na ibinebenta for P300, na available sa Zirkoh Greenhills, kunsaan gaganapin din ito.

Ang Golden Screen Awards ay sponsored by Hataw, Filgen ST Scouring Pad, Gran Matador, KSA Whitening Products, Stellar Accessories, Edward dela Cuesta Photography, Fernando's Bakery, Joy Lim's Charms and Crystals, and HBC Splash.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sen. Jinggoy Estrada offered to sing with buddies Sen. Bong Revilla and actor Phillip Salvador at the 5th Golden Screen Awards night. This, after he learned that the Entertainment Press Society, which is behind the Golden Screen Awards, will give its own posthumous award to their friend Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results