Lorna Tolentino thanks ABS-CBN for full coverage of Daboy's wake and burial

Jun 19, 2008
Lorna Tolentino, widow of Action Prince Rudy Fernandez, is now in Boracay with friends and family for a much-needed break after Rudy's wake and burial.

Nagbakasyon ng ilang araw si Lorna Tolentino sa Boracay para makapagpahinga. Kasama niyang nagpunta roon ang kanyang dalawang anak na sina Ralph at Renz, ang mga kaibigang sina Precy Ejercito, Amy Austria, at ilan pang malalapit na kaibigan ng aktres.

Pagbalik daw ni Lorna ng Manila ay aasikasuhin naman niya ang pag-aayos ng mga habilin sa kanya ni Rudy, na sa rami ay hindi raw niya alam kung paano uumpisahan.

Ngayon ang ika-12 araw ng pagpanaw ni Rudy. Malaki ang pasasalamat ni Lorna sa mga taong sa simula pa lang ay nakiramay na sa kanya at sa kanyang pamilya, mula sa mga huling sandali ni Rudy hanggang sa pagburol at sa paglibing dito.

Malaki rin ang pasasalamat ng mga tagahanga ni Daboy—lalo na yung mga hindi na nakarating sa Heritage Park para personal na makita sa huling pagkakataon ang kanilang idolo—sa dalawang pinakamalaking TV networks (ABS-CBN at GMA-7) sa ginawa nilang coverage mula burol hanggang libing ni Daboy.

Continue reading below ↓

Nakarating din sa management ng ABS-CBN ang pasasalamat ni Lorna sa komprehensibong pagtutok at paghahatid ng mga kaganapan sa burol at libing ng kanyang yumaong asawa. Gayundin sa mga interbyu ni Lorna na ipinagkaloob niya sa mga programa ng ABS-CBN, mapa-News & Current Affairs o showbiz talk shows.

Personal na ipinahatid ni Lorna sa mga taga-ABS-CBN na nasiyahan siya sa lahat ng ginawang coverage ng ABS-CBN, na mismong si Kris Aquino pa ang personal na nag-volunteer para i-cover ang paghatid sa yumaong aktor sa kanyang himlayan.

KRIS AND GELLI. That same day, nainterbyu pa ni Kris si Lorna sa programa nila ni Boy Abunda na Boy & Kris sa ABS-CBN. Kasabay din ni Kris na nagko-cover naman para sa katapat na programa ng Boy & Kris ang host ng Sis na si Gelli de Belen.

Ayon sa ilang sources, during breaks ay natuwa si Gelli na makita roon ang ilang senior staff ng Boy & Kris na kasama ni Kris. Nakatrabaho rin niya kasi noon ang mga ito sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nakipagtsikahan pa si Gelli sa staff na more or less ay 100 ang bilang, pati na ang crew. Nasabi raw ni Gelli kay Kris na mabuti pa siya at maraming kasamang staff, unlike her na lilima lang daw sa programa nila.

Tuwang-tuwa raw ang mga nakakita kina Kris at Gelli na nagtsitsikahan, pati na sa staff ng parehong shows. Patunay lang daw na hindi naapektuhan ang personal na relasyon ng mga artista at mga manggagawa ng sinasabing network war.

Going back to Lorna, hindi pa raw niya masabi kung kailan siya babalik sa trabaho. Priority kasi ni Lorna na asikasuhin muna ang mga habilin ni Rudy. Pero may mga alingasngas na mukhang babalik si Lorna sa ABS-CBN. Bukod pa rito, ang ABS-CBN din ang nakabili ng rights para ipalabas ang mga pelikulang ginawa ni Rudy.

Read Next
Read More Stories About
Lorna Tolentino, Rudy Fernandez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino, widow of Action Prince Rudy Fernandez, is now in Boracay with friends and family for a much-needed break after Rudy's wake and burial.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results