Miguel Tanfelix shares advice on how to maintain good mental health

by Rommel Gonzales
Jan 15, 2022
Miguel Tanfelix says everyone should check their own mental health and find ways to keep busy.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Mabigat ang role na gagampanan ni Miguel Tanfelix sa upcoming episode ng Magpakailanman.

Bida siya sa episode na pinamagatang "Footless And Fearless: The Diego Garcia Story," kunsaan ilalahad ang life story ng viral TikTok star na si Diego Garcia.

Ipinanganak si Diego na may Tetra-amelia syndrome, na “extremely rare autosomal recessive congenital disorder characterized by the absence of all four limb”.

Ayon kay Miguel, maraming ginamit na prosthetics para sa role na ito.

Sa isang video na kanyang ipinadala noong January 12 bilang sagot sa email interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ng Kapuso star kung paano niya pinaghandaan ang role.

“Maraming… prosthetics, yes, marami po akong ginamit na prosthetics.

"Dalawa sa kamay, and meron kaming nilagay na parang green cloth or blue siya, sa aking legs para matakpan siya para sa editing.

“And sa paghahanda ko naman nanood ako ng maraming TikTok ni Diego Garcia, nakinig ako kung paano magsalita, yung accent ng mga taga-Davao and binasa ko po nang maigi yung script.”

Continue reading below ↓

Samantala, hindi niya personal na nakilala si Diego.

“Unfortunately hindi ko nakilala si Diego. Meron kami dapat plano na magbi-video call kami para makausap ko siya kahit for just five minutes, pero hindi kinaya ng oras namin.

“So ang ginawa ko, actually nasa lock-in pa lang ako ng Voltes V nanonood ako ng TikTok videos niya.

"Tinitingnan ko kung paano siya kumilos, kung paano niya iangat yung sarili niya sa table, kung paano siya magsayaw and kung gaano kasaya, ano’ng meaning ng TikTok sa kanya habang ginagawa niya.”

magpakailanman episode

Bibigyang-buhay ni Miguel sa Magpakailanman ang mga naging karanasan ni Diego sa kanyang buhay, tulad ng dinanas niyang matinding pambu-bully dahil sa kanyang kapansanan.

Ang tagapagtanggol lamang ni Diego ay ang kanyang ina na si Lyn at nakatatandang kapatid na si Billy Joe.

Subalit ang kanyang ina ay laging binubugbog ng kanyang amang si Joseph, hanggang sa makulong ang huli. Namatay naman sa isang aksidente sa motor si Billy Joe.

Continue reading below ↓

Nagsumikap sa buhay si Diego hanggang sa maging isang viral TikTok star na may mahigit dalawang milyong followers.

Kasama ni Miguel sa "Footless And Fearless: The Diego Garcia Story" sina Sharmaine Arnaiz bilang Nanay Lyn, Paul Salas bilang Billy Joe, Mike Lloren bilang Tatay Joseph, Sophia Senoron bilang Samantha at Saviour Ramos bilang Cocoy.

Huling napanood si Miguel sa Magpakailanman noong December 2020. Ano ang pakiramdam na makalipas ang mahigit isang taon ay muli siyang mapapanood sa top-rating Kapuso program ni Ms. Mel Tiangco?

“Isa ito sa mga pinaka kine-crave kong guesting sa GMA kasi ito yung parang platform na puwede mong ibuhos lahat ng emosyon mo.

“Unlike sa ginagawa naming show ngayon, which is Voltes V, iba yung treatment namin. So yung Magpakailanman, yung MPK siya yung platform na puwede kang magbuhos ng passion mo, magbuhos lahat ng frustration, happiness.

“Kumbaga para sa akin extreme yung mga emotions dito kaya ang sarap, very fulfilling ang every MPK episode ko.”

Continue reading below ↓

Ang "Footless And Fearless: The Diego Garcia Story" ay sa direksyon ni Neal Del Rosario, sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Angel Launo. Mapapanood ito sa Sabado ng gabi, January 15, 2022, sa GMA.

MIGUEL TANFELIX ON MENTAL HEALTH

Samantala, kinumusta rin ng PEP.ph ang kalagayan ni Miguel ngayong pandemya.

Nakaranas ba siya ng anxiety o depression?

Sagot ng Kapuso actor, “Depression? Hindi naman siguro depression talaga pero may mga gloomy days tayo, may mga slow pacing tayo ng mga moments ng buhay natin duting the pandemic.

“Why? Kasi wala naman tayong ginagawa, nasa bahay lang tayo, hindi natin alam kailan matatapos ito, hindi natin alam kailan tayo makakakita ng tao, makaka-work ulit."

Ayon kay Miguel, may matinding epekto ito sa mental health kaya kailangang pangalagaan ito.

Pagtuloy niya, “So it can really affect your mental health. And a lot of people parang dini-disregard yung mental health, na parang, ‘Hindi, wala yan, iniisip mo lang yan’, things like that. Pero hindi natin alam na totoo talaga siya.

Continue reading below ↓

“Ako ang ginawa ko para mapangalagaan ang aking mental health ay siyempre hindi nawala yung pagwo-workout ko. Dahil para sa akin, kung naka-stay ka lang talaga sa kuwarto, doon ka mas kakainin ng thoughts mo. So kailangan na may mga ginagawa ka.

“Maghanap ka ng mga new hobbies mo, manood ka ng mga videos sa Internet na interesado ka. Just keep learning para meron kang bagong nadadagdag sa buhay mo.

“Hindi lang every day same araw lang.”

Ano ang payo ni Miguel sa mga katulad niyang millennials para maka-survive sa pandemic?

“Ang maipapayo ko lang sa kanila is patience. Patient lang tayo kasi wala namang makakapagsabi kung kailan ito matatapos. So ang magagawa lang natin is to stay at home, and pasensiya, konting pasensiya pa.”

LOOKING FORWARD TO 2022

Marami namang inaabangan si Miguel sa taong ito.

Una ang makatrabaho ang mga bagong artistang naglipatan sa GMA.

Aniya, “Actually happy ako na lumalaki na yung family, dumarami na yung mga miyembro ng ating mga Kapuso at excited akong makatrabaho sila dahil mga bagong mukha, dito sa GMA.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya na sa lahat ng lumipat sa GMA, “Ang gusto kong makatrabaho ay si Sir John Lloyd Cruz.”

Excited din si Miguel na maipalabas na ang Voltes V.

Sabi niya bilang update, “Actually we’re doing good! Ang dami na naming eksenang kinunan. Napanood ko yung featurette, hindi ko in-expect na ganun kaganda ang kalalabasan nun.

“So I’m really excited sa susunod na teaser namin. Guys, featurette lang yun, so abangan niyo yung teaser namin.”

Sa katunayan, ang Voltes V daw ang pinakamagandang nangyari sa kanya noong nakaraang taon.

Bilang pagtatapos, tinanong din ng PEP.ph: kumusta ang puso ni Miguel?

“Happy,” ang mabilis at simpleng tugon niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix says everyone should check their own mental health and find ways to keep busy.
PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results