Cristine Reyes still dating Dennis Trillo

by Ruel J. Mendoza
Jun 19, 2008
"Ang importante ay okey ang nangyayari sa amin ni Dennis. Alam ko na maraming against sa amin, pero we still fight for it. Choice naman namin ito kaya sana maintindihan nila kami," says Cristine Reyes about her ongoing relationship with Dennis Trillo (inset).

Hindi itinanggi ni Cristine Reyes na nagkikita at nagde-date pa rin sila ni Dennis Trillo. Patunay lang ito na patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa, kahit marami ang tumutol dito. Isa raw ito sa sinasabing pinag-awayan nila ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ara Mina.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine, sinabi niyang hindi naman sila parating lumalabas ni Dennis dahil kapwa sila busy ngayon. Busy si Cristine sa taping ng dalawa niyang shows sa ABS-CBN—ang pinagbibidahan niyang Eva Fonda at ng soap drama nina Jericho Rosales and Malaysian actress Carmen Soo.

Si Cristine pa nga ang nagbalita sa amin na puspusan ang training ngayon ni Dennis para sa bagong pagbibidahan nito na Gagambino sa GMA-7 naman.

"Lalabas lang naman kami kapag may time talaga," sabi ni Cristine. "Minsan nga, twice a month lang kami nakakalabas. Minsan manonood lang ng sine at magdi-dinner sa labas. Gano'n lang kami. Pareho kasi kaming pagod, lalo na si Dennis na tatlo ang shows sa GMA-7.

Continue reading below ↓

"Ako naman, nag-a-adjust na rin. Sunud-sunod kasi ang tapings ko kaya wala na rin akong time para magpahinga nang husto. Kapag magkasama kami ni Dennis, doon lang kami talaga nare-relax."

Dagdag pa ni Cristine, wala naman daw masama sa ginagawa nila ni Dennis. Dalaga naman daw siya at technically ay binata pa si Dennis. May anak lang daw ito sa former girlfriend nitong si Carlene Aguilar.

"Naayos naman na ‘yong between Dennis and Carlene. Hindi ba't nag-move on na sila pareho? ‘Tsaka hindi naman nagpapabaya si Dennis sa anak nila ni Carlene. He's a responsible person naman.

"Ang importante ay okey ang nangyayari sa amin ni Dennis. Alam ko na maraming against sa amin, pero we still fight for it. Choice naman namin ito kaya sana maintindihan nila kami," pahayag ng young actress.

WALKOUT IN "WOWOWEE"? May balitang nag-walkout si Cristine sa Wowowee nang malaman niyang guest co-host ang ina ng anak ni Dennis na si Carlene Aguilar. Nilinaw ni Cristine ang report na ito.

Continue reading below ↓

"That's not true naman," tanggi niya. "Unang-una, wala ako that day noong mag-guest si Carlene kaya paano ako magwo-walkout? May iba akong trabaho noong araw na ‘yon at hindi ko nga alam na guest siya. Nalaman ko lang later on na lang, pero wala naman akong reaction.

"Hindi ako main host ng show kaya they can get anybody na gusto nila. Hindi naman siguro nakasalalay sa akin ang mga desisyon ng show. Kung sino gusto nilang kunin, wala akong alam diyan."

Pinagseselos daw kasi siya ng host ng Wowowee na si Willie Revillame kaya kinuha nito si Carlene as guest co-host.

"Bakit naman? Naging kami ba ni Willie? Hindi naman totoo ‘yon. Bakit naman gagawin ni Willie ‘yon, e, magkaibigan lang kami. Nakakasawa na ang issue na ‘yan kasi ang tagal-tagal na. Hindi pa rin ba sila nagsasawa sa tsismis na ‘yan? Para sa akin, kaibigan lang si Willie. Yun lang ‘yon," pagwawakas ni Cristine.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang importante ay okey ang nangyayari sa amin ni Dennis. Alam ko na maraming against sa amin, pero we still fight for it. Choice naman namin ito kaya sana maintindihan nila kami," says Cristine Reyes about her ongoing relationship with Dennis Trillo (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results