Annabelle Rama asks Pokwang to stop spoofing her twin sons

IMAGE 0


"‘Day, ipagpapatuloy mo yung ako anggagayahin, okey lang. Haping-happy ako. Pero huwag mo nang pakialaman ang mgaanak ko. Minsan ang mga bata, ayaw nilang naaano sila, iba ang mga bata ngayon,e. Masyado silang ano, sensitive. Ayaw nilang pinaglalaruan sila, lalung-lalona si Raymond. Kasi ang mga anak kong dalawang ‘yan, galing sa States ‘yan. Siyempre,iba ang panananaw nila, di ba?" Annabelle Rama (in photo) requested comed



Nagpakita ng suportaang ina at manager ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama sa launching ng hulibilang pinakabagong endorser ng Belo Medical Clinic kahapon, June 18, saAnnabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Q.C.

PEACE AT LAST. Sa isang sulok ay nakita ng mganaimbitahang entertainment press na magkausap sina Lolit at Annabelle. Matatandaang kamakailan lang ay nagkaalitan sina Annabelle at ang talent manager na si Lolit Solis, na matalik na kaibigan ni Dr. Vicki Belo.

Kuwento niAnnabelle, "Nag-usap na kami ni Lolit. Sa burol pa ni Rudy [Fernandez],nagkausap na kami. First day ng burol, nagkabati na kami. Pagpasok ko doon sachurch... Si Lolit kasi ang nag-aasikaso ng mga guest, di ba, kung saan uupo?

"Bisaya," tawag dawsa kanya ni Lolit sa burol ni Daboy. "So ako naman that moment, masyado akongmalungkot kay Rudy, masyado akong depressed. So hindi ko inintindi kung kaawayko siya o ano, kasi ako lahat, binabati ko that day.

"At naalala ko, sinabi sa akin ni Rudy bago mamatay, ‘Bisaya, batiin mo na si Nanay Lolit. Batina kayo kasi mabait naman yun, e.' Sabi ko, ‘Daboy, hindi naman ako magku-commentagainst her kasi nasabi ko na lahat sa The Buzz. Lahat, sabi ko tatapusin ko saThe Buzz kaya wala akong comment against her. Pero ayoko muna kasi hindi paready.'

"Pero nung that night,sa first burol, yun lang ang puwede kong gagawin para kay Rudy, na magingmasaya na rin siya. Pati si Lani [Mercado], kabati ko na rin."

Sa pagbabati nila niLani, ang mister nito na si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. daw ang gumawa ngparaan.

"Si Bong, doon kamisa bahay ni Rudy... Mga four hours before namatay [si Rudy], nandun kami sabahay. Nag-iyakan na nga kami doon kasi grabe na ang nangyari kay Rudy," lahad ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POKWANG SPOOFS ANNABELLE'S TWINS. Samantala, nagsalitarin si Annabelle tungkol sa pag-spoof ni Pokwang sa Music Museum sa kanyang mga anak na sinaRichard at Raymond Gutierrez sa show ni Pokwang kasama si Pooh na pinamagatang Poohkwang.Ginaya raw ni Pokwang nung una si Richard sa pagsigaw ng "Captain Barbell!" Sumunoday si Raymond naman ang ginaya ni Pokwang, pero medyo malambot daw angpagkakasabi ng komedyante.

Nagalit daw angbuong Gutierrez family sa ginawa ni Pokwang. Ang balita, affected daw talaga siRaymond sa ginawa ni Pokwang. Kaya naman pati ang Ate niya na si Ruffa aynag-react daw. Tila nagsabi pa raw si Ruffa na kasama pa naman si Pokwangsa movie nina Richard at KC Concepcion. Gumaganap raw itong yaya ni KC safirst movie ng anak ni Sharon Cuneta with Richard Gutierrez sa Star Cinema. Baka raw any moment ay tsugihin na nga siPokwang sa movie nina Richard at KC.

"Hindi naman," sambitni Annabelle.

"Ako naman kay Pokwang, okey naman na ilang years mo naakong ginagaya. Natutuwa ako at least ginagaya mo ako. Pero ako na lang. Huwagmo nang pakialaman ang mga anak ko, sina Richard and Raymond.

"Kasi ako talaga, bastaanak ko na-involve, nag-iiba talaga ako. Kasi nananahimik yung mga bata.Nananahimik sila, nagtatrabaho, ‘tapos bababuyin? Ayoko ng ganun. Hayaan mo naakong babuyin, okey lang sa akin. Matatanggap ko lahat ‘yan," mensahe ni Annabelle kay Pokwang.

Ano angmabibibigay niyang advice kay Pokwang?

"Advice ko sa ‘yo,‘Day, ipagpapatuloy mo yung ako anggagayahin, okey lang. Haping-happy ako. Pero huwag mo nang pakialaman ang mgaanak ko. Minsan ang mga bata, ayaw nilang naaano sila, iba ang mga bata ngayon,e. Masyado silang ano, sensitive. Ayaw nilang pinaglalaruan sila, lalung-lalona si Raymond. Kasi ang mga anak kong dalawang ‘yan, galing sa States ‘yan. Siyempre,iba ang panananaw nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipagpapatuloy niyana gayahin ako kasi natutuwa naman ang audience sa kanya kapag ako na angginagaya niya. Ako, okey lang sa akin. Hindi ako nagagalit kasi proud na proud akona i-spoof ako ni Pokwang. Ibig sabihin, sikat pala ako, di ba? Manood ka ng movie ko Pokwang, [My] Monster Mom.Marami kang magagaya doon sa akin. Mas marami kangmagagamit doon," pagpu-promote pa ni Annabelle.

Lalabas ba angpagiging "Monster Mom" ni Annabelle kapag ginawa ulit yun ni Pokwang sa alinman samga anak niya?

"Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Maski sino naman talaga, sinabi ko na noon pa huwag pakialaman ang anak ko. Yun lang ‘yon," pagtatapos ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN