Mon Confiado reveals plan to marry longtime girlfriend Ynez Veneracion

by Cesar Pambid
Jun 20, 2008
"Na-link siya kung kani-kanino, ako naman, nagdaan din na na-link sa ibang babae. Parte siguro yun ng mga pagsubok sa amin, na nalampasan naming dalawa, kaya siguro panahon na talaga, upang kami ay magsama na habambuhay," says Mon Confiado about girlfriend Ynez Veneracion.

Iisang tugtog ang sinasayawan ngayon nina Mon Confiado at Ynez Veneracion. Pareho silang nagsasabing sana raw sa bandang huli, sila pa rin ang magkatuluyan.

Nang huling makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ynez, sinabi nitong nagbabalak na silang pakasal, although wala pa siyang petsang masabi sa amin.

Ayon kay Ynez, napatunayan daw niyang mahal na mahal siya ni Mon at yun ang dahilan kung bakit payag siyang pakasal kay Mon anumang oras na alukin siya nito.

Si Mon naman, nakausap din ng PEP sa presscon ng Paupahan at ang tungkol nga sa kasalan ang inuna naming uriratin sa kanya.

"Pakakasalan ko na si Ynez, sa susunod na taon pa siguro, tamang-tama, yun ang 10th anniversary namin, palagay ko, yun ang tamang panahon. Pagkatapos kasi ng sampung taon, kahit na marami kaming problemang pinagdaanan, tiyak na tiyak ko nang siya na talagang babaeng magiging katuwang ko habambuhay," seryosong kuwento ni Mon.

Continue reading below ↓

Tandang-tanda pa ni Mon ang panahong nagkakilala sila ni Ynez. Sa set daw iyon ng isang pelikulang ginagawa ni Ynez, ang Pagnanasa ng Viva Films.

"Dinalaw ko sa set ang kaibigan kong si Richard Quan, siya'ng leading man ni Ynez, kasama si Gary Estrada. Ipinakilala siya sa akin at simula noon naging magka-close na kami. Mahilig kasing kumanta si Ynez at lagi ko siyang isinasama sa 22nd Street. Dun nabuo ang aming pag-ibig," pagbababalik alaala pa ni Mon.

Maalon nga ang halos sampung taong romansa nina Mon at Ynez. Dumaan din kasi ito sa mga munting "trahedya" at palagiang muntik-muntikanang paghihiwalay nang tuluyan nilang dalawa.

"Yun nga ang dahilan kung bakit nagdesisyon akong pakasalan siya. After almost ten years, may mga senyales na kaming dalawa na talaga. Alam kong mahal niya ako, siya naman ay mahal ko rin," patuloy na kuwento pa ni Mon.

"Na-link siya kung kani-kanino, ako naman, nagdaan din na na-link sa ibang babae. Parte siguro yun ng mga pagsubok sa amin, na nalampasan naming dalawa, kaya siguro panahon na talaga, upang kami ay magsama na habambuhay," sabi pang muli ni Mon.

Continue reading below ↓

Wala pang detalye tungkol sa napipinto nilang pagpapakasal, pero inaasahang iingay ito dahil isa rin naman ang love affair nina Mon at Ynez sa mga nasubaybayan ng publiko.

Read Next
Read More Stories About
Mon Confiado, Ynez Veneracion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Na-link siya kung kani-kanino, ako naman, nagdaan din na na-link sa ibang babae. Parte siguro yun ng mga pagsubok sa amin, na nalampasan naming dalawa, kaya siguro panahon na talaga, upang kami ay magsama na habambuhay," says Mon Confiado about girlfriend Ynez Veneracion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results