Jolina Magdangal sympathizes with Judy Ann Santos on Meralco-infomercial issue

by Erwin Santiago
Jun 20, 2008
"May mga nabasa ako na ibu-boycott siya... Parang sayang dahil ang dami niyang pinaghirapan ‘tapos sa isang project lang na ganun, masisira. Nalulungkot ako para sa kanya, e. Alam ko mahirap yun, e," says Jolina Magdangal about the controversy surrounding Judy Ann Santos's (not in photo) Meralco infomercial.
Kung masaya si Jolina Magdangal sa balitang engaged na ang matalik niyang kaibigan na si Judy Ann Santos sa kasintahan nitong si Ryan Agoncillo, nalungkot naman si Jolina sa batikos na inaani hanggang ngayon ni Judy Ann dahil sa infomercial ng Meralco tungkol sa isyu ng systems loss.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Jolina at Judy Ann nang pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN. Bagamat pinagtatapat sila ng kanilang mga tagahanga, hindi ito naging hadlang upang umusbong ang magandang samahan sa pagitan nila.

Ngayong umaani ng batikos si Juday dahil sa paglabas niya sa infomercial ng Meralco, ipinahayag ni Jolina ang kanyang kalungkutan para sa kaibigan.

"Extremes nga, e. Happy ako dahil sa balitang engaged na sila ni Ryan, pero sobrang nalulungkot ako dahil nagkaroon siya ng intriga—yung tungkol sa Meralco nga. Feeling ko, mahirap para sa isang artista yung ganun, lalo na kung may kasama nang politics, e.

"Tinext ko pa siya... Alam ko nasa ibang bansa siya, e. And ayoko namang...siyempre nag-e-enjoy na sila dun o ano. Pero siyempre, as a friend, at saka nire-report kasi namin sa Unang Hirit, so parang, ‘Mare, okay ka ba?' yung ganyan. So, hindi siya sumasagot. I respect her kung anuman ‘yon. Pero nalulungkot ako para sa kanya dahil mahirap," saad ni Jolina nang makusap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang I.T.A.L.Y (I Trust And Love You) sa Jumbo Floating Restaurant sa CCP Complex kagabi, June 19.

Continue reading below ↓

Tinanong din namin si Jolina kung tatanggapin din ba niya ang paglabas sa katulad na infomercial ng Meralco kung sakaling inalok ito sa kanya.

"Ang tanong, io-offer nga ba?" biro muna niya. Pero bigla siyang nagseryoso at sinabing, "Para sa akin kasi, yung mga ganyan, dapat talaga inuupuan ‘yan and make sure na walang sasagasaan. Siguro kung alam kong mapapanindigan ko ‘yon, na kahit away-awayin ako, or kahit na ano'ng ibato sa akin, mapapanindigan ko, gagawin ko. Pero kung medyo parang naiilang-ilang ako... Never akong nag-endorse ng alam kong hindi ako sure.

"So, yung nangyari sa kanya [Judy Ann] dun, kung anuman yung rason bakit ginawa ‘yon or what, sana buo yung loob ni Juday. Kasi mabait siyang tao para ganyanin siya. May mga nabasa ako na ibu-boycott siya... Parang sayang dahil ang dami niyang pinaghirapan ‘tapos sa isang project lang na ganun, masisira. Nalulungkot ako para sa kanya, e. Alam ko mahirap yun, e."

Continue reading below ↓

Inamin naman ni Jolina na hindi pa niya napapanood ang kontrobersiyal na Meralco infomercial ni Judy Ann, kung saan inihalintulad nito sa isang supot ng yelo ang systems loss.

"Hindi ko pa nakita, e," aniya. "Nung una ko ngang marinig at saka parang ginagawang spoof, parang, ‘Teka lang, ba't naman ganun?' Yun ang masakit, wala yung tao rito, walang kalaban-laban...mahirap yun, e."

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe si Judy Ann kaya hindi pa nito maibigay ang kanyang panig tungkol sa isyu, bagamat nagsalita na ang kanyang manager na si Alfie Lorenzo at ang kanyang kapatid na si Jeffrey Santos para ipagtanggol siya.

Bilang host ng The Working President, isang programa sa telebisyon tungkol sa mga gawain ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo, nakakatanggap din diumano ng batikos si Jolina mula sa mga tao.

"Sa Malacañang naman, well, may mga tumitira, pero hindi naman grabe kasi alam nila na... Kahit sinong maupo na presidente, gagawin ko yun, e, dahil nagre-report yun weekly ng ano ang ginagawa ng presidente na nakaupo. So, yun ang trabaho ko; hindi para sa isang tao lang o para sa isang grupo.

Continue reading below ↓

"Ganun lang sa akin, hindi ganun kagrabe. Pero grabe yung kay Juday," pahabol niya.

Ano namang suporta ang ibibigay ni Jolina kay Judy Ann sa panibagong pagsubok na ito sa kanyang buhay?

"Kung ano ang kailangan niyang support. Kasi ako, nandito naman ako bilang kaibigan, e, wala nang kashowbisan. Kahit makikinig lang kung meron siyang heartaches o kung sobrang devastated siya, 'andun ako para sa kanya," saad ni Jolina.

"PINOY IDOL." Napag-usapan din namin ni Jolina ang Pinoy Idol, kung saan isa siya sa mga judge, kasama nina Ogie Alcasid at Wyngard Tracy. Ngayon ay napili na ang Final 12 at magsisisimula na silang magtagisan ng galing laban sa isa't isa bukas, June 21.

Aminado si Jolina na may personal favorites siya among the Top 12 finalists.

"Sa ngayon, may mga fearless forecast... Meron ako sa ngayon, ha, sa nakikita ko sa performance, meron—lalake ‘tsaka babae. Si Penelope at si Jayann [Bautista]. ‘Tapos si Robby [Navarro] at saka idinadagdag ko si Ram [Chaves]. Pero parang yung iba, palaban, e," pagsisiwalat ng Pinoy Idol judge.

Continue reading below ↓

Sa tingin ba niya ay deserving na mapasama sa Final 12 ang mga natitirang Idol contestants, o meron sa mga natanggal na ang dapat ay nandun sa posisyon nila?

"Meron akong isa na sana napasama sa Final 12—si Bev [Ejercito]," pag-amin ni Jolina. "Kasi parang may character na, e. Nung matanggal siya, talagang gulat na gulat ako, na una pa siyang natanggal."

Dahil through text votes lang ang pagde-determine kung sino ang matatanggal at kung sino ang mananalo, hindi ba sila nagwu-worry na baka hindi ganun ka-deserving ang mapiling Pinoy Idol?

"Para sa akin, kung sino man ang maging Pinoy Idol, ang tao ang nag-decide," sabi ni Jolina. "Sila naman talaga ang bibili, mag-a-idolize...sila yun, e. Pero siyempre, may mga bet kami dahil meron kaming mga criteria. Pero ang tao ang may final say."

Kilala naman tayong mga Pinoy sa pagkakaraoon ng close family ties. Kaya posibleng kung sino ang pinakamaraming kaibigan o kakilala o kung sino ang pinakamayaman, mas malaki ang pag-asa nito na maging first Pinoy Idol.

Continue reading below ↓

"Wini-wish namin talaga na maging fair. Kasi ibinibigay namin sa mga tao ang desisyon. Nandun kami to guide at saka turuan yung mga Pinoy Idol [finalists]," sabi niya.

Hindi ba sila napu-frustrate tuwing results night na yung mga hindi nila inaasahang matatanggal ang siyang nae-eliminate?

"Hindi naman napu-frustrate, nae-emotional lang ako. Kasi alam ko naman lahat sila um-effort, e."

Bilang isa sa mga judge ng Pinoy Idol, nakita ang panibagong side ni Jolina na hindi pa nakikita ng maraming tao. Nagiging matapang, agresibo, at prangka ang actress-TV host sa pagbibigay ng kanyang puna sa performance ng mga contestant.

"Siguro dahil na rin sa pinagdaanan ko rito sa showbiz," paliwanag niya. "Sabihin natin, hindi na masyado sa singing, e. Sa akin, yung paano mo i-handle yung sarili mo. Totality ang pinag-uusapan—how you carry yourself, how you project, at siguro pati na rin sa pagkanta.

"Hindi ko naman sinasabi na perfect pitch ako or super-galing akong [mag-belt] out o magaling akong kumanta, hindi na sa ganun, e. Kundi yung pinagdaanan ko sa showbiz bilang artista at minsang ina-idolize ng mga tao. Yung iba, ayoko sabihin kasi pakiramdam ko, baka sabihin ng mga tao nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Kaya lang, minsan kasi, kailangan mong sabihin sa kanila na, ‘Hindi n'yo ako basta puwedeng sabihan na lang ng ganito dahil ang dami kong pinagdaanan sa showbiz for almost 20 years,'" pahayag niya.

Continue reading below ↓

Bago magsimula ang Pinoy Idol ay marami ang nag-e-expect na si Jolina ang magiging mabait sa mga contestant pagdating sa pagbibigay ng judgment. Pero tila kabaligtaran ito sa inaasahan ng mga tao.

"Nakakatawa nga kasi sabi nila, si Ogie pa raw ang mas mabait, e!" tawa niya. "Sa akin kasi, huwag na tayong magpaka-tweetums dito. Kailangan ng mga bata ng mas matanda sa kanila na magbibigay ng advice, hindi sa isang bagay lang kundi sa lahat.

"Hindi naman ako nagpapaka-mataray dahil hindi naman talaga ako mataray. Hindi rin ako yung nagpu-put up lang ng mask para sabihin na, ‘Uy, kakaiba siya.' Hindi. I'm just being myself bilang ate ng mga batang ‘yon at bilang matagal na dito sa industriya natin," pagwawakas ni Jolina.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"May mga nabasa ako na ibu-boycott siya... Parang sayang dahil ang dami niyang pinaghirapan ‘tapos sa isang project lang na ganun, masisira. Nalulungkot ako para sa kanya, e. Alam ko mahirap yun, e," says Jolina Magdangal about the controversy surrounding Judy Ann Santos's (not in photo) Meralco infomercial.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results