Jolina Magdangal picks Venice as a honeymoon destination when she gets married

Jun 20, 2008
"Siguro hindi naman doon necessarily yung honeymoon, pero isa 'yon sa target na lugar na dapat mapuntahan talaga," says Jolina Magdangal about Venice, Italy, where some of the scenes of her movie I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) were shot.

Very memorable para kay Jolina Magdangal ang movie na I.T.A.L.Y. ( I Trust And Love You) ng GMA Films dahil naging kontrobersyal ito because of Gabby Concepcion. Matatandaang almost plantsado na kasi ang usapan regarding the said project nang biglang mag-backout ang aktor dito. Ikinaloka ni Jolens ang nangyari, pero destined nga siguro for her ang movie dahil sa kabila ng nangyaring aberya at kaguluhan ay natuloy pa rin ang proyekto. And this time, ang guwapong aktor ng Kapuso Network na ang kanyang nakatambal sa katauhan ni Dennis Trillo.

"I'm really glad that GMA Films still pushed through with this project despite the problems we've encountered at the start. Proud ako dito dahil kuwento ito ng isang paglalakbay patungkol sa buhay, pag-ibig, at kapalaran. First time gumawa ng GMA Films ng isang movie na kinunan sa isang cruise ship [Costa Magica], na isang luxury cruise na bumibiyahe sa iba't ibang bansa na sakop ng tatlong kontinente ng mundo [Asya, Europa, at Africa] kaya bongga talaga ito," bungad ni Jolina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng I.T.A.L.Y. na ginanap sa Jumbo Kingdom Floating resto sa CCP Complex recently.

Continue reading below ↓

Ang role ni Jolens dito ay bilang si Des Pinlac, isang chambermaid sa cruise na pangarap maging isang mang-aawit. Sobrang natutuwa rin ang dalaga dahil nakasama niya ang mga kaibigang sina Rufa Mae Quinto, Eugene Domingo, Rhian Ramos, at Mark Herras. Nagkaroon daw talaga sila ng bonding doing the movie at narating pa nila ang iba't ibang bansa. Nag-enjoy raw talaga silang lahat while working.

"Ang ganda ng movie, promise! Nakakatawa. Merong nakaka-touch, merong talagang makikita nyo kung saan-saan talaga kami nagpunta. Proud ako dahil na-capture ni Direk Mark Reyes yung mga dapat talagang makita doon sa movie. Siguradong masisiyahan ang mga manonood ng movie. Hindi lang sila maiiyak at tatawa, mapapaibig pa sila sa pelikulang ito dahil makakapasyal na rin sila sa iba't ibang bansa," pagmamalaki pa ni Jolens na after ng Ouija ay bida nga ulit dito sa bagong pelikula ng GMA Films.

JOLINA'S WEDDING. Naging vocal si Jolina sa paghanga niya sa city of Venice in Italy. Sobrang na-in love siya sa lugar. Nanghihinayang nga raw siya dahil kahit nakasama niya sa tour while doing the movie ang kanyang boyfriend na si Bebong Muñoz ay hindi naman niya ito nakasama sa Venice na para sa kanya ay napaka-romantic na lugar.

Continue reading below ↓

"Sana talaga, kasabay ko na nga lang siya umalis, e. Actually, sumunod siya sa amin kaya lang nakapunta na nga kami sa Venice kaya hindi ko siya nakasama doon. Yun talaga ang gusto at wish ko,yung makasama ko si Bebong sa Venice. Siyempre kahit pa trabaho ang pinunta ko doon, para sa akin okey na rin yun, at least nagkasama kami sana sa lugar na gustung-gusto ko talagang puntahan. Maybe, some other time na lang. Malay natin sa honeymoon-joke! Ewan natin! " pagbibiro pa ni Jolens na sinang-ayunan naman ng press na kausap niya.

Follow-up question tuloy ng PEP, kung may plano na ba talaga silang mag-settle down ng kanyang boyfriend of almost seven years and five months.

"Ay, wala pa talaga. Para sa akin, hindi pa muna namin napag-usapan ulit ang tungkol sa bagay na 'yan [wedding]. Siyempre naman, 'pag napag-usapan ulit yun, siyempre, ipapaalam ko sa inyo kasi sinubaybayan nyo ako, e," pangako pa niya.

Continue reading below ↓

So, sa Venice na ba niya napili ang dream honeymoon place nila, if ever?

"Siguro hindi naman doon necessarily yung honeymoon, pero isa 'yon sa target na lugar na dapat mapuntahan talaga," kinikilig na sabi pa ng dalaga sa pagtatapos ng aming chikahan.

Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal, ITALY
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro hindi naman doon necessarily yung honeymoon, pero isa 'yon sa target na lugar na dapat mapuntahan talaga," says Jolina Magdangal about Venice, Italy, where some of the scenes of her movie I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) were shot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results