PEP EXCLUSIVE: Marian Rivera's manager speaks up about FHM's 100 Sexiest Women controversy

IMAGE 0


"Si Marian nga, sabi niya sa akin kahapon, we were talkingabout it yesterday, ‘Alam mo, ke number one o 99, masaya na ako na ‘andamipalang bumuboto.' Knowing lang na hindi pa siya nag-a-appear ‘tapos ‘andaminang bumuboto, she's very happy about it already. Yung top position, bonus nalang kung makuha man niya," says Popoy Caritativo about talks that his ward, Marian Rivera (in photo), topped the FHM


Painit na nang painit ang issue tungkol sa akusasyon ngilang mga tagahanga ni Angel Locsin na may anomalyang naganap kaugnay ngbotohan para sa FHM 100 Sexiest Women ngayong taon.

Ayon sa isang e-mail na natanggap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), kinukuwestiyon ng fans ni Angel kung bakit biglangbumaba sa No. 4 ang kanilang idol samantalang ang young actress daw ang nasaNo. 1 noon. Ayon pa sa kanila, mina-manipulate diumano ng FHM ang resulta ngbotohan para paboran ang iba pang mga kandidato, partikular na si MarianRivera. Si Marian na raw kasi ang nangunguna sa pagsasara ng botohan. (Click here to read related article.)

Mariing pinabulaanan ng online version ng FHM, angFHM.com.ph, ang paratang na ito ng mga tagahanga ni Angel. Sa statement naipinadala nila sa PEP, ipinaliwanag nila na ang mga lumabas na resulta ay"partial and incomplete" at wala pang opisyal na anunsiyo kung sino ang nanalo.

"PLEASANTLY SURPRISED." Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap ang manager niMarian na si Popoy Caritativo kagabi, June 19, sa unang presscon ng I.T.A.L.Y(I Trust And Love You), kung saan kasama ang isa pa niyang alaga na si DennisTrillo. Kinuha namin ang reaksiyon ni Popoy tungkol sa pagkakasangkot ngpangalan ni Marian sa reklamo ng fans ni Angel.

Ayon kay Popoy, "Sa totoo lang, surprised kami nung una palang na sinabi na nasa Top 10, and then Top 5, and then Top 3. Kasi hindi panga siya [Marian] nagku-cover. She has never appeared on FHM. In fairness, FHMhas invited us ever since nasa TAPE Inc. pa lang si Marian. Lagi namingsinasabi...we never said never.

"Kasi yung first time niyang lumabas sa FHM, yung mga 100Sexiest, I think No. 38 or something. And then, last year, she was No. 24 yata...So ngayon, biglang nag-Top 10. Nabigla kami kasi alam namin, ang madaming botolagi, yung nagku-cover lang. So yun pa lang, pleasantly surprised na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung sinasabi nilang, ‘Uy, vying siya for the topposition,' ang sinasabi lang naman namin is sana mag-No. 1. Pero we doubt, kasinever pa nga siyang nagku-cover.

"Pero ngayon ngang may ganyang lumalabas,siyempre hindi na namin masyadong... We cannot react, e. Kasi unang-una, FHM hasnot called me. Hindi naman nila sinabi sa akin na, ‘Oy, Popoy, No.1 si Marian.'Wala namang ganun, di ba? Kung totoo ngang No. 1 siya, at least man lang sana,may nagsabi sa amin," lahad ng talent manager.

Idinagdag din ni Popoy na ang tanging tawag na natanggapniya mula kay FHM ay para humingi ng picture ni Marian.

"Kasi, di ba, yung mga 100 may picture lahat ‘yan?" sabi niPopoy. "But since she has never appeared on FHM, wala silang picture. Tumawagsila na nanghihingi ng picture ni Marian, pero yun lang. Pero walang nagsabi saakin na No. 1 siya.

"Actually, tinanong ko, ‘What's our position?' Sabi nila,hindi pa nila masasabi kasi ‘we haven't finished counting.' So ngayon na maynaglalabasang ganyan, what can we say? Wala kaming masasabi kasi wala rinkaming alam sa nangyayari, di ba?"

POSING FOR FHM. Pinaalala rin ni Popoy sa amin na minsan lang binanggit niMarian ang tungkol sa FHM 100 Sexiest Women. Ito ay nangyari raw sa "ChikaMinute" portion ng 24 Oras, kung saan tinanong ang star ng Dyesebel kung anoang reaksiyon niya na nasa Top 3 na siya sa ranking. Nagpahiwatig din daw siMarian na kung sakali ngang siya ang maging No. 1, baka pumayag na siyangmag-cover para sa FHM.

"That's the only thing that she said," diin ni Popoy. "Maymga nagti-text nga na ‘Marian, may ganito-ganitong reaction.' Okay lang sakanya kasi, kung sana nag-cover na siya... Ang nag-e-effort lang naman talaganiyan are the fans. We have to give it to them kasi sila yung nagti-text, silayung bumuboto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Marian nga, sabi niya sa akin kahapon, we were talkingabout it yesterday, ‘Alam mo, ke number one o 99, masaya na ako na ‘andamipalang bumuboto.' Knowing lang na hindi pa siya nag-a-appear ‘tapos ‘andaminang bumuboto, she's very happy about it already. Yung top position, bonus nalang kung makuha man niya. Kasi nandiyan naman si Katrina [Halili], nandiyan naman sinaIwa [Moto]."

Kung si Marian nga ang mag-No. 1, papayag na kaya si Popoy na mag-pose ang kanyang alaga sa FHM?

"Definitely, one of these days, magku-cover siya. Perosiyempre, pag-uusapan yung limitations," sagot ng manager ng young actress.

MARIAN VS. ANGEL. Hindi naman nagbigay ng komento si Popoy tungkol sasinasabing rivalry sa pagitan nina Marian at Angel Locsin. Pero maituturing ba niyanghealthy competition ang nangyayari sa kanyang alaga at kay Angel?

"I guess it is a healthy competition, in a way," sagot niPopoy. "It's actually the fans, e. Kasi si Marian, hindi naman niyapinipersonal yung mga ganyan. The only thing that Marian wants is to make herfans happy. That's it. Yun ang lagi niyang sinasabi.

"Sa kanya, importante yung feelings ng fans. Kung saanmasaya ang fans niya, dun siya. Yun ang importante talaga sa kanya. Yungcompetition nila ni Angel, she doesn't take it personally."

Nang tanungin naman namin kung naka-recover na si Marian sakontrobersiyang idinulot ng kanyang "YouTube scandal," ito ang naging pahayagni Popoy: "I cannot say ‘naka-recover' because she was never really fullyaffected by it. She was bothered, yes, but not affected. Kasi sabi nga niya, diba, if that happens again...wala naman siyang regret, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN